Liza Soberano chooses to stay with ABS-CBN: “One day we’ll be back stronger, better than ever.”

by Jet Hitosis
Sep 25, 2020
Liza Soberano on staying loyal with ABS-CBN: “I think what they need is unity and they need to see that they are supported by the people that have been there with them since the beginning."
PHOTO/S: @lizasoberano on Instagram

Kailangang-kailangan ngayon ng ABS-CBN ang suporta ng mga Kapamilya talents nito.

Ito ang paniniwala ng Kapamilya A-lister na si Liza Soberano, 22.

Tinukoy niya ang matinding krisis na pinagdaraanan ngayon ng ABS-CBN matapos pagkaitan ng prangkisa at ipasara ang kumpanya.

Kaya kahit nakakatanggap ng offers para gumawa ng projects sa labas ng ABS-CBN, wala raw balak si Liza na lisanin ang network na nagpasikat sa kanya.

Ayon kay Liza, higit kailanman, ngayon kailangan ng ABS-CBN ang suporta ng mga artista nito.

“I have received offers and I’m grateful for them,” pag-amin ni Liza.

“But I told my manager, Tito Ogie [Diaz], that for now, I want to be here and support ABS-CBN, especially at a time like this.”

Nakapanayam ang Filipino-American actress sa Headstart news program ng ANC ngayong Biyernes ng umaga, September 25.

“ONE DAY WE’LL BE BACK STRONGER, BETTER”

Sabi ni Liza, mahalagang iparamdam ngayon sa pamunuan ng ABS-CBN na kasama pa rin nito ang mga taong naging bahagi ng network sa nakalipas na mga dekada.

Continue reading below ↓

Patuloy raw na susuportahan ni Liza ang kanyang home network hanggang sa makabangon itong muli at magbalik sa ere.

“I think what they need is unity and they need to see that they are supported by the people that have been there with them since the beginning," ani Liza.

“I have nothing but respect for everybody at ABS-CBN and I want to continuously support them.

“Because I believe that one day we’ll be back stronger and better than ever.”

Gaya ni Liza, nagpahayag din ng kagustuhang manatili sa ABS-CBN ang Kapamilya actresses na sina Kim Chiu at Angelica Panganiban.

Nanindigan ding mananatili sa network ang veteran broadcast journalist at ilang dekada nang TV Patrol news anchor na si Noli de Castro.

LIZA, BUSINESSWOMAN-VLOGGER

Sa panig ni Liza, binigyang-diin ng aktres ang kanyang “faith and trust” na makakabalik sa ere ang ABS-CBN.

Pero habang wala pang projects sa kanyang home network, gumagawa raw si Liza ng paraan upang kumita ng pera “outside of showbiz.”

Continue reading below ↓

Pagbabahagi ni Liza: “I’m trying to work extra hard outside of the company.

“I know that there are struggles right now, but I’m also trying to find other sources of financial income and ways to better myself, and find other opportunities out there, outside of showbiz.”

Taong 2017 nang buksan ni Liza ang kanyang Hope Hand and Foot Wellness Center, na may dalawang branches na ngayon.

Nagsara ito noong March 2020 dahil sa COVID-19 pandemic, pero ngayong linggo ay balik-operasyon na ito.

Continue reading below ↓

Bukod sa pagnenegosyo, sumabak na rin sa vlogging si Liza.

Nagbukas siya ng sariling YouTube channel noong July 18, at mayroon na ito ngayong 713,000 subscribers.

NEW PROJECT WITH ENRIQUE IN 2021

Sa parehong interview, ibinalita ni Liza na kamakailan lang ay nakipag-meeting siya sa Star Cinema executives at sa big bosses ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

May mga naka-lineup na projects daw ang network para sa kanya at sa reel-and-real life partner niyang si Enrique Gil.

Nilinaw naman ni Liza na sa 2021 pa niya gagawin ang kanyang susunod na project sa Kapamilya network.

“I did have multiple meetings with Star Cinema and also with other executives at ABS-CBN,” kuwento ni Liza.

“They have pitched multiple stories to me and Enrique.

“By October I won’t be doing anything yet, but early next year definitely.”

LIZA TRAVELS TO U.S.

Pagkatapos ng ANC interview, bumiyahe si Liza papuntang Amerika kasama si Enrique.

“Family matter” daw ang dahilan ng biglaang pagpunta ni Liza sa Amerika, kung saan nakabase ang pamilya ng kanyang ina.

“My great-grandmother fell ill last month and I’m going there to take care of her,” paliwanag ni Liza.

Umalis sa bansa si Liza isang araw matapos siyang maghain ng mga reklamong cyber libel, grave threats, at unjust vexation nitong Huwebes, September 24, laban sa isang netizen na nagbitaw ng rape comment laban sa kanya.

Continue reading below ↓

Babae at empleyado ng dating internet service provider ni Liza ang nagkomento sa thread ng isang Facebook post na “sarap ipa-rape” ang Kapamilya actress.

Ayon kay Liza, gusto niyang papanagutin ang netizen upang paalalahanan ang publiko na maging responsable at marespeto sa pagkokomento sa social media.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Liza Soberano on staying loyal with ABS-CBN: “I think what they need is unity and they need to see that they are supported by the people that have been there with them since the beginning."
PHOTO/S: @lizasoberano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results