Remember when Kris Bernal first admitted, "Lagi akong praning, e."
Sep 25, 2020

Noon pa man, aminado si Kris Bernal na lagi siyang "praning."

At ang dahilan ng kanyang pagka-praning o pagka-paranoid—ang takot na hindi na siya matatandaan ng mga tao.

Sa 2017 interview na ito, inamin ni Kris na lagi siyang nag-aalala kapag may dumarating na bagong artista, bagong mukha.

Lalo na't matagal siyang nabakante o walang trabaho sa telebisyon at pelikula.

"Lagi namang may mga bagong artists... Once you're beautiful, once you're talented, parang it's easy to get fans na talagang mahu-hook sa 'yo.

"So sa akin, ano bang puwede kong gawin para magkaro'n ako ng staying power.

"I posed for FHM. So, sabi ko, maybe this could help.

"But then again, yung mga tao, mas na-appreciate pa rin nila ako bilang actress, kumbaga."

Kaya tuloy tumakbo ng halos isang taon ang show niya noon na Impostora sa GMA-7.

At pagkatapos ng show na ito, nasundan agad ng The Cure (2018), Asawa Ko, Karibal Ko (2018-2019), at Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko (2019).

Sa ngayon, matapos ng matagal na pamamahinga sa paggawa ng teleserye, nalaman ni Kris na hindi ire-renew ng GMA-7 ang kanyang kontrata.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results