Katrina Halili on biggest trials in showbiz: "Binigyan na nga ako ng pangit na nakaraan, pero nag-survive pa rin ako."

by Rachelle Siazon
Sep 26, 2020
Kapuso actress Katrina Halili on 17 years in showbiz: "Thank you sa GMA, na kahit may pinagdaanan ako, tuluy-tuloy pa rin tiwala na ibinigay nila."
PHOTO/S: PEP.ph

"Hindi ko alam talaga kung bakit talaga ako hinihila dito, e. Binigyan na nga ako ng pangit na nakaraan, pero nag-survive pa rin ako."

Ito ang pahayag ni Katrina Halili tungkol sa mga pinagdaanan niyang pagsubok sa showbiz sa loob ng labimpitong (17) taon.

Napakapanayam si Katrina via Zoom call para sa PEP Exclusives, na umere sa PEP.ph Facebook, noong September 24 ng gabi.

Dito inamin ni Katrina na ilang beses nang sumagi sa isip niyang isuko ang kanyang showbiz career.

Bukod sa hindi naman daw niya talaga pinangarap noon maging artista, dumanas pa raw siya ng matinding kontrobersiya na akala noon ni Katrina ay hindi niya malalampasan.

"Hindi alam ng mga tao na hindi talaga ako nag-strive harder para dito sa career.

"Kasi kahit nung nagka-issue ako, inaayawan ko na, e.

"Sabi ko, 'Hindi na po. Ayoko na po. Uwi na po ako ng Palawan,'" balik-tanaw ni Katrina.

Handa na raw sana siyang mag-quit sa pag-aartista.

Continue reading below ↓

Balak na niyang ibenta ang kanyang bahay sa Quezon City, at bumalik na lang ng Palawan, na bayan ng kanyang ina.

Pero hindi raw siya pinayagan ng GMA-7 management.

Patuloy ni Katrina: "Sabi ng GMA sa akin, 'Hindi ka puwede ma-stick diyan. Para di mo siya isipin, [magpatuloy ka sa trabaho].'"

Tandang-tanda raw ni Katrina na naging mailap siya noon sa ibang tao.

"Siguro mga isang taon din ako nagte-taping ako. Hindi ako kumakausap sa set.

"Nasa kotse lang ako. 'Tapos lagi lang ako nakayuko. Punta ako ng mall, nakayuko lang ako palagi.

"Siguro isang taon akong ganun."

Labindalawang (12) taon na ang lumipas mula nang masangkot si Katrina sa isang isyu—na may kinalaman sa pag-ibig—na pinagsisihan niya.

May puntong ipinaglaban din ni Katrina noon ang sarili, laban sa mga nagsanga-sangang insidenteng hindi niya ginusto at wala raw sa kanyang kontrol.

Hindi nagdetalye si Katrina ukol dito.

Paglilinaw lang niya sa kagustuhang mapag-isa noong kasagsagan ng isyu, "Hindi naman sa nahihiya... Parang wala... Hindi ko feel kumausap sa tao."

Continue reading below ↓

INTERVENTION OF MARYO J. DE LOS REYES

Malaking tulong daw ang tiwala sa kanya bilang artista ng respetadong direktor na si Maryo J. de los Reyes.

Ilang sa mga di malilimutang pelikulang idinirek ng yumaong direktor ay ang Annie Batungbakal (1979), Saan Darating ang Umaga? (1983), Hindi Mo Ako Kayang Tapakan (1984), Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday (1984), Bagets (1985), Tagos ng Dugo (1987).

Continue reading below ↓

Siya rin ang nagdirek ng My Other Woman (1990), Sinungaling Mong Puso (1992), Magnifico (2003), Naglalayag (2004), A Love Story (2007), at The Unmarried Wife (2016)

Unang nakatrabaho ni Katrina si Maryo sa GMA-7 afternoon drama series na Magdusa Ka, na umere mula May hanggang August 2008.

Si Maryo rin ang direktor ng mga sumunod niyang Kapuso teleserye: Rosalinda (2009), Munting Heredera (2011-2012), Magkano Ba Ang Pag-ibig (2013-2014), at Niño (2014).

Kontrabida si Katrina sa karamihan ng nabanggit na shows. Maliban na lang sa Magdusa Ka, kunsaan siya ay palabang bida, at sa Niño, kunsaan dati siyang madre na nakatagpo ng pag-ibig.

Sabi ni Katrina tungkol sa batikang direktor: "Bago ko siya nakasama, wala pa akong issue before.

"'Tapos nung nagkaroon ako ng issue, ang suwerte ko, seven years na dire-diretso si Direk Maryo nakasama ko.

"Na parang, kahit tingin ko, 'Ayoko. Hindi ako para dito.' Lagi niyang tinatatak sa isip mo, 'Eto nakikita ko for you. Gusto ko makita na ganito ka. Gagawin natin 'to para sa 'yo.'

Continue reading below ↓

"Dun ako nabuo."

Noon lang daw nagsimulang tumimo sa puso ni Katrina ang kanyang trabaho.

Aniya: "Parang okay, nagtiwala ako sa sarili ko. Minahal ko ang work ko.

"Dun talaga yung start—2008 lang.

"Biruin mo, antagal ko hindi na-appreciate yung work ko. Na-appreciate ko nung pina-appreciate sa akin ni Direk yung talagang tiwala niya."

Itinuring niyang mentor si Direk Maryo.

Isa raw si Direk Maryo sa mga kumumbinsi sa kanyang tanggapin ang Rosalinda matapos niyang masangkot sa kontrobersiya noon.

"Oo, grabe! Siya pa magte-text, 'Ni-request kita dito, ha.'

"Hala! Hindi niya alam, tuwing sinasabi niya yun, umiiyak ako...

"Dedma na ako sa mga negativity, hanggang sa merong tao na naniniwala sa akin," katuwiran ni Katrina.

Sabi pa raw niya sa sarili niya: "Bakit siya naniniwala sa akin? E, magaling na direktor ito? Eme-eme ka lang naman diyan, 'tapos kinukuha ka niya sa show niya.'

"Siguro kung ano man nakikita nila sa akin ngayon, kung gaano ko kamahal ang work ko, dahil iyon sa ipinakita sa akin ni Direk.

Continue reading below ↓

"Kung paano niya mahalin work niya, sa tiwala niya... kaya nagtiwala na rin ako sa sarili ko."

Pumanaw si Direk Maryo noong January 27, 2018 sa edad na 65.

GMA-7'S ALL-OUT SUPPORT

Malaking bahagi rin daw ng desisyon ni Katrina na ipagpatuloy ang buhay-artista ang suporta sa kanya ng GMA-7 management.

Continue reading below ↓

"Thank you din siyempre sa GMA, of course, sa tiwala na ibinigay nila," saad ng Kapuso actress.

"Kasi may issue na ako nun, e. 'Tapos binigyan nila ako ng Rosalinda.

"Hindi ko siya tinatanggap. Sabi ko, 'Ayoko talaga.' Pinilit na naman nila ako."

Ang Rosalinda (2009) ay Pinoy remake ng sikat na Mexicanovela na pinagbidahan at launching project ni Carla Abellana. Ang original na gumanap nito ay si Thalia.

Si Katrina na mismo ang nagsabing kataka-taka kung bakit siya tumatanggi sa grasya.

"Ang ganda ko, di ba? Ganda mo, girl?" pasarkastikong tukoy ng aktres sa pagtanggi niya sa offer.

Sabay paglilinaw niya: "Hindi naman sa tinatanggihan ko [dahil lang sa ayaw ko].

"Tinatanggihan ko kasi parang feeling ko, 'Sino pa manonood sa akin?'

"So, parang hindi ako confident sa sarili ko."

Hindi raw hinayaan ng GMA-7 na malugmok si Katrina sa ideyang hindi niya kayang ipagpatuloy ang pag-aartista.

"Thank you sa GMA, na kahit may pinagdaanan ako, tuluy-tuloy pa rin tiwala na ibinigay nila.

Continue reading below ↓

"And siyempre, thank you din sa pinagdaanan ko, si Direk Maryo talaga nakasama ko.

"Kaya dire-diretso din yung work... Nabuo ko ulit sarili ko."

WANTING TO QUIT AFTER STARSTRUCK

Marahil ay ipinagtataka raw ng iba kung bakit noong panahong iyon ay tila hindi siya bilib sa kakayahan niya bilang artista.

Continue reading below ↓

Bahagi si Katrina ng Kapuso reality search na StarStruck Season 1 noong 2003. Ka-batch niya ang Ultimate Female Survivor na si Jennylyn Mercado at Ultimate Male Survivor na si Mark Herras.

Pero hindi raw tulad ng ibang contestants, sinabi ni Katrina na aksidenteng nadiskubre lang siya noon ng staff ng show.

Wala raw talaga siya noong balak mag-artista kaya hindi niya nakitang tatagal siya sa industriya.

"Hindi niyo nga alam na dati okay ako. Hindi ko naman pala mahal yung work ko, gusto ko lang umuwi ng Palawan."

Lagi lang daw talaga nauudlot ang plano niyang mag-quit na ng showbiz.

"'Tapos after nung nangyari, dun ko palang pala minahal yung work ko. Dun ko pa lang pala na-appreciate lahat.

"Buti na lang kahit nung nagka-issue ako, nandito pa rin ako. Sobrang hindi ako pinabayaan."

Natutuwa rin si Katrina dahil hanggang ngayon ay hindi bumibitiw ang kanyang fans na naniniwala sa kanyang kakayahan bilang artista.

Continue reading below ↓

Marami raw sa mga ito ang nagsasabing mabuti na lang at hindi siya sumuko sa pag-aartista sa kabila ng mga dinaanan niyang pagsubok.

"Siyempre alam naman nila yun. 'Sobrang happy ako for you kasi after ng mga pinagdaanan mo, nandiyan ka pa rin. Sobrang hanga kami sa 'yo.'

"Ako siguro, kung anuman pinagdaanan ko, happy ako na makita ng mga tao na after ng mga nangyari, may buhay pa. May bukas pa.

"Hindi matatapos buhay niyo dun."

Ano sa tingin ni Katrina ang nagdulot ng mga hindi inaasahang blessings sa kanyang buhay?

Napapangiting sagot ni Katrina, "I'm sure ginamit talaga ni God si Direk Maryo para lang, 'Hoy! Ano ka ba?! Sumali ka nga dito. Para kang others.' Hahaha! 'Tao ka rin. Sumali ka diyan!'

"Thankful din ako. Sobrang happy ako."

Sa kasalukuyan, si Katrina ay masusubaybayan sa hit GMA-7 afternoon series na Prima Donnas. Ka-love triangle rito ni Katrina sina Wendell Ramos at Aiko Melendez.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Katrina Halili on 17 years in showbiz: "Thank you sa GMA, na kahit may pinagdaanan ako, tuluy-tuloy pa rin tiwala na ibinigay nila."
PHOTO/S: PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results