Marjorie Barretto castigates Jay Sonza over Julia Barretto pregnancy rumor: “Ang pagkaka-confirm pa ninyo, e, baboy yung style.”

by Arniel C. Serato
Sep 25, 2020
Marjorie Barretto (left) to ex-broadcaster Jay Sonza on pregnancy gossip about her daughter Julia Barretto (right): "Di niyo na nirespeto yung pagkababae niya at saka bata."
PHOTO/S: Courtesy: @marjbarretto on Instagram

Tinawag na "iresponsable" ni Marjorie Barretto ang dating broadcaster na si Jay Sonza dahil sa tsismis nitong buntis ang anak ng dating aktres na si Julia Barretto.

Makakasira rin daw ito sa mga kontratang pinirmahan ni Julia.

“Yung pagka-iresponsable mo lang Mr. Sonza, sobra, e.

“Hindi ka man lang nagtanong sa mga malalapit sa buhay niya.

“Walang pinanggalingan yung sinasabi po ninyo," pahayag ni Marjorie sa panayam sa kanya ni MJ Felipe ng ABS-CBN News ngayong Biyernes, September 25.

Galit pang dagdag ni Marjorie, “Ang pagkaka-confirm pa ninyo, e, baboy yung style.

“’Di niyo na nirespeto yung pagkababae niya at saka bata."

Si Julia ay 23 taong gulang lamang, habang si Sonza ay 65 years old na.

Kaninang umaga ay sinamahan ni Marjorie si Julia sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa pagsasampa ng reklamo ng aktres laban kay Sonza.

THE CONTROVERSIAL FACEBOOK POST

September 21, Lunes, ginulat ni Jay ang netizens sa kanyang “scoop” na post.

Continue reading below ↓

Ayon sa kanya, "may nabuo sa sinapupunan ni Julia" at ang ama ng kanyang dinadala ay ang aktor na si Gerald Amderson.

Bahagi ng fake news ni Sonza: “Napatunayan ni Visoy -- Visayan Tisoy Gerald Anderson at anak nina Dennis Padilla at ni Marjorie na si Julia Barretto na kapwa hindi sila baog.

“After months of love lockdown and ESQ (exact sex quadrant) -- may nabuo sa sinapupunan ni Julia.”

“Nahinayak ang batang Dadiangas, nasiyot man jud oi. Kapugngan pay tren, dili ang gugmang gauros-uros tawon. (Napuruhan ng batang Dadiangas, na-shoot talaga. Mapipigilan pa ang tren, pero hindi ang pag-ibig na umaapaw.)

“Happy Monday po. Makikibalita ako kung kailan ang kasal sa aking neighbor.”

Mariin itong itinanggi ni Julia.

Sabi niya, isa itong malaking “FAKE NEWS.”

Sa panig naman ni Gerald, idinaan niya sa biro ang reaksiyon sa "pasabog" na balita ni Sonza.

Sabi ng aktor sa kanyang Instagram Stories: “Congratulations to me.

Continue reading below ↓

Humingi naman si Sonza ng sorry pero parang hindi naman sorry talaga ukol sa kanyang fake news kinabukasan, September 22.

Pero kahit nag-public apology na ang dating broadcaster, hindi pa rin ito mapapalampas ni Julia.

Sabi ni Julia sa kanyang official statement: “I am pursuing this case because the statements made by Mr. Sonza are untrue and irresponsible.

“The widespread reposting of the news based on his post caused distress to me and my family.

“I don't want to take this matter lightly. Mr. Sonza, and all those who publish these reckless and baseless posts, must be held accountable for their actions so that they think twice before claiming things as fact.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marjorie Barretto (left) to ex-broadcaster Jay Sonza on pregnancy gossip about her daughter Julia Barretto (right): "Di niyo na nirespeto yung pagkababae niya at saka bata."
PHOTO/S: Courtesy: @marjbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results