Angelica Panganiban retires from teleseryes

by Arniel C. Serato
Sep 26, 2020
Walang Hanggang Paalam will be Angelica Panganiban's last teleserye: "Siguro hanggang dito na lang po muna ang mga trabahong gagawin ko pagdating sa soap opera.”
PHOTO/S: File

Titigil na sa paggawa ng teleserye si Angelica Panganiban.

Sa online press conference para sa ginagawa niyang teleseryeng Walang Hanggang Paalam, inanunisyo ng 33-year-old star na hindi na siya lalabas sa mga drama series.

Ang Walang Hanggang Paalam ang huli niyang gagawing drama series. Kasama niya rito sina Zanjoe Marudo, Paulo Avelino, at Arci Muñoz.

Saad ni Angelica, “Masaya ako at ang nakasama ko sa project na ito ay ang grupong ito dahil gusto ko na magpaalam sa larangan ng teleserye.”

Hindi naman sinabi ng aktres ang dahilan kung bakit hindi na siya gagawa ng mga teleserye.

Sabi lang niya, “Dito ako nakapag-decide kung ano talaga iyong mahalaga sa buhay.

“But siguro, hanggang dito na lang po muna ang mga trabahong gagawin ko pagdating sa soap opera.”

Pero hindi naman daw ibig sabihin nito ay iiwanan na niya ang ABS-CBN.

“ASK ANGELICA”

May bago namang pagkakaabalahan si Angelica ngayong pass muna siya sa mga teleserye.

Continue reading below ↓

Ito ay ang kanyang podcast na Ask Angelica.

Sabi pa nga niya sa kanyang plug sa Instagram, basta huwag lang Math ay kaya niyang bigyan ng mumunting payo.

Magkakaroon din ng celebrity guests sa show ang aktres.

Aniya, "Pag-ibig in the time of pandemic? Miss na isa't isa? Naninibago dahil hindi magkasama? O nakakaloka kasi wala pa rin si the one?

"#IlabasMoYanMamee kagaya nina Kim Chiu at Bela Padilla na makakasama ng ating mamee Angelica Panganiban sa first episode ng #AskAngelica this Friday!"

Continue reading below ↓

Nagsimula si Angelica sa showbiz sa edad na anim sa pamamagitan ng Ang TV noong 1995.

Ilan sa mga tumatak niyangteleserye ay ang Familia Zaragoza (1995), Sa Puso Ko Iingatan Ka (2001), Mangarap Ka (2004), Vietnam Rose (2005), at Rubi (2010).

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Walang Hanggang Paalam will be Angelica Panganiban's last teleserye: "Siguro hanggang dito na lang po muna ang mga trabahong gagawin ko pagdating sa soap opera.”
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results