Isang makahulugang mensahe ang ibinahagi ni Pokwang sa kanyang followers sa Twitter ngayong Sabado, September 26.
Tungkol ito sa pakikipagkaibigan at sa COVID-19 pandemic.
Saad ng Chika, Besh! host, “Sa isang banda nagpapasalamat ako sa pandemia na ito dahil nalaman ko at nakilala ko sino talaga tunay kong kaibigan bukod sa pamilya ko thank you papa God.”
Wala namang iba pang post si Pokwang tungkol dito.
Umayon naman ang followers ng comedienne sa kanyang post.
POKWANG AS FREELANCE ARTIST
Sa ngayon, freelancer muna ang 50-year-old comedian-TV host.
Noong isang taon pa raw niya planong umalis sa ABS-CBN.
Dalawa ang shows niya ngayon sa TV5, ang morning talk show na Chika, Besh! at ang game show na Fill in the Bank.
Sabi ni Pokwang sa isang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kailangan niyang kumayod dahil may pamilya siya.
Nagkaproblema rin ang dati niyang home network na ABS-CBN dahil sa pagkabasura ng Kongreso sa franchise application nito.
Sabi ni Pokwang, “At alam naman nila kung bakit di ako puwede mawalan ng work.
"Same din sa mga kasama ko na mga may anak din, suportado nila desisyon ko at nauunawaan nila."
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika