Sofia Andres recounts frankly asking Daniel Miranda: “Sinasayang mo yung oras ko. Ano bang gusto mo?”

by Bernie V. Franco
Sep 28, 2020
Sofia Andres recounts candid conversation with Daniel Miranda about the real score between them: “Ang tagal na naming magkausap, pero parang wala pa ring label. E, I don’t want to pursue that kind of situation."
PHOTO/S: @danielmirandaa_ and @iamsofiaandres on Instagram

Nagkuwento sina Sofia Andres at Daniel Miranda kung paano nagsimula ang kanilang love story.

Dalawang taon na ang pagmamahalan nila, at sa kasalukuyan ay nakatira sila sa iisang bubong.

Si Sofia, 22, ay ABS-CBN actress na huling napanood sa legal drama anthology na Ipaglaban Mo noong 2019.

Si Daniel, 23, ay isang race car driver na taga-Cebu.

Noon lamang June 2020, inilantad ni Sofia ang ten-month-old baby nila ni Daniel na si Zoe.

THEIR FIRST MEETING

Pagbabahagi nina Sofia at Daniel, nangyari ang unang pagkikita nila sa isang bar sa The Fort sa Taguig City noong 2017.

“We met in The Fort 2:00 a.m.-3:00 a.m.,” simula ni Daniel sa Star Magic YouTube video, na in-upload noong September 26.

“I saw Sofia there. Sinabi ko, ‘O, maganda ‘to, ah.’ So, I saw Sofia from afar. I was with my cousin. I really told myself, ‘Before this night ends, I have to talk to her.’

Continue reading below ↓

“So, ayun, before that night ended, I talked to her. I got her number. That’s how everything started.”

Naging maganda ang first impression ni Sofia kay Daniel. Inilahad din ng aktres kung bakit sa mga lalaking humihingi ng kanyang phone number, kay Daniel lang niya ito ibinigay.

Kuwento ni Sofia, “Nung una, may kumalabit sa akin. Sabi niya, ‘I think my cousin finds you so pretty.’ Sabi ko, ‘Ah, okay.’ And then lumapit siya [Daniel] nagpa-picture siya.

“Tinatanong ko kung ano pangalan niya, kasi medyo… party, malakas yung tunog. And then sabi niya, ‘Daniel.’

“Sabi ko kamukha niya si Charlie Puth,” pagtukoy ni Sofia sa American singer-songwriter.

Dugtong ng aktres, “Not for anything, madaming humihingi ng number ko, so lagi kong pine-fake yung number ko pag may humihingi.

“Sa kanya [Daniel] ko na lang binigay yung original.”

Nagustuhan daw kasi ni Sofia na hindi alak ang inalok sa kanya ni Daniel.

Continue reading below ↓

“Siya lang nag-offer sa akin ng water inside the club,” ani Sofia.

SOFIA WAS THE FIRST TO SAY “I LOVE YOU”

Sa video, inusisa rin ang magkasintahan kung sino ang unang nagbitaw ng mga salitang “I love you.”

Si Sofia ang sumagot. Aniya, bagamat nagkakamabutihan na sila noon, wala pa ring label ang kanilang relasyon.

Kaya prinangka niya ang race car driver.

“Ang tagal na naming magkausap, pero parang wala pa ring label. E, I don’t want to pursue that kind of situation,” saad ni Sofia.

“Pag walang label kasi, di ba... mga lalaki ngayon, basta lang makipag-usap nang walang label, it’s fine with them… not everyone.

“So sabi ko, ‘Anong plano mo sa buhay? We’re talking na every day, sinasayang mo yung oras ko. Ano bang gusto mo?’

“Parang, ‘What do you want?’ Ako na nagtanong sa kanya na, ‘Do you want to be, like, official boyfriend and girlfriend? Kasi, you know, parang I love you na, e,’” may halong kilig na kwento ng aktres.

Continue reading below ↓

Katwiran ni Sofia, “Tinanong ko lang naman. Naging honest lang naman ako.

“Ayoko yung take advantage kasi, di ba, na ganyan. So I really asked him straightforward.”

October 2018 nang mag-post sina Sofia at Daniel ng kanilang sweet photos sa Instagram.

Maituturing na iyon ang kanilang pag-amin sa kanilang relasyon. Sinundan pa iyon ng mga sweet posts nilang dalawa at nagsasabihan na ng “I love you” sa caption.

Continue reading below ↓

Maliban dito ay naging tahimik si Sofia sa kanyang love life.

“Magkaiba naman ang trabaho sa real life," paliwanag ng aktres.

Hindi raw naging sagabal ang love life sa kanyang trabaho.

"Kung kaya ko naman panindigan yung trabaho, why not meron akong… my own life.

“Hindi lang para ako sumunod na, ‘Yes, yes, yes.’ Kaya ko naman. I can handle it. I think may right naman ako to do it.

“And alam ko naman na hindi naman siya yung tipo na when I announced, biglang bula, wala na. Dun ko na-realize, ‘Why not?’”

DANIEL TO SOFIA: "I'LL NEVER LEAVE YOU."

Noong August 2019, nagtungo si Sofia sa Australia at napaulat na buntis siya. Pero hindi umamin si Sofia.

Noong mga panahong iyon ay nasa Australia rin si Daniel at nag-aaral.

Kasabay ng pag-amin na may anak na sila ni Daniel noong Hunyo, napag-alaman ding November 2019 nanganak si Sofia sa Australia.

Continue reading below ↓

May pagsisisi ba si Sofia pagdating sa kanyang relasyon at panganganak?

Sagot niya, “Wala. Walang regrets. Kasi kung anuman yung dumating sa amin, hinarap namin.

“Kumbaga, we're ready to experience that, yun yung challenges. Kasi we know that we can.”

Inusisa rin sina Sofia at Daniel kung bakit mahal nila ang isa’t isa.

“Kasi hindi mo kami iniwan. Especially, when you knew that I was pregnant,” sambit ni Sofia sa nobyo.

Paniniguro ni Daniel, “Of course, naman. Never in my thought… never kita iiwan. I’ll never leave you."

Pag-amin pa ni Daniel, mahal niya si Sofia dahil hindi nila iniwan ang isa’t isa kahit marami silang pinagdaanang pagsubok.

Kuwento ng race car athlete, "Kasi people think parang it’s so easy,

“I receive messages na parang they want to be like us. They think it’s very easy.

“The relationship means she has been through a lot… parang hindi madali. She’s been through a lot rin for our relationship. She did a lot for our relationship.”

Continue reading below ↓

Giit ni Daniel, hindi biro ang dinaanan ni Sofia sa nakalipas na isang taon.

“At such a young age kasi, it’s very pressuring to have a baby. May work pa si Sofia… that made it more pressuring.”

Pero sa kabila raw nito, masasabi ni Daniel na sulit ang lahat dahil magkasama sila ni Sofia.

Paglalarawan pa ni Daniel sa relasyon nila, “It’s been good… very, very happy."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sofia Andres recounts candid conversation with Daniel Miranda about the real score between them: “Ang tagal na naming magkausap, pero parang wala pa ring label. E, I don’t want to pursue that kind of situation."
PHOTO/S: @danielmirandaa_ and @iamsofiaandres on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results