Mayor Vico Sotto trends after video of confrontation with businessman goes viral

by Jet Hitosis
Sep 28, 2020
Pasig City Mayor Vico Sotto (in blue jacket) can be seen fuming with anger as he argues with a businessman (in yellow shirt) who allegedly violated several local government laws.
PHOTO/S: Screengrab from Sakto News on YouTube

Isang naiibang Pasig City Mayor Vico Sotto ang napanood ng netizens sa viral ngayong video ng pagkumpronta ng alkalde sa isang negosyanteng nagsagawa ng illegal demolition sa lungsod.

Ang 30-year-old local executive, na kilala sa pagiging kalmado at palabiro, galit at mataas ang boses na kinumpronta ang isang businessman na pabulyaw na nangangatwiran sa kanya.

September 19, 2020 pa na-upload ang video sa Facebook page at YouTube channel ng news website na Sakto News.

Pero ngayong Lunes, September 28, lang nag-viral sa social media ang video.

Dahil sa video, maghapong trending ngayong araw ang pinakabatang mayor sa Metro Manila.

Si Mayor Vico ay anak ng sikat na TV host-comedian na si Vic Sotto at ng beteranang aktres na si Coney Reyes.

ILLEGAL DEMOLITION

Makikita sa video nang namagitan si Mayor Vico sa pakikipagtalo ng negosyante sa mga tauhan ng Pasig City Hall dahil sa nangyaring demolisyon sa Barangay Bambang sa siyudad.

Continue reading below ↓

Hindi makumpirma kung anong petsa kinuhanan ang video.

Kinastigo ni Mayor Vico ang negosyante sa pagpapagiba sa isang maliit na bahay kahit na may mga tao raw—kabilang ang isang bata—sa loob nito.

Malumanay na tanong ng negosyante sa alkalde: “Alam mo ba kung ano'ng nangyari dito?”

“Oo, alam ko,” sagot ni Mayor Vico. “Sinubukan mong mag-demolish nang may tao sa loob ng bahay.”

Itinanggi ng negosyante ang alegasyon, pero sinabi ng mayor na nakuhanan ng video ang demolisyon.

Dito na pasigaw na nangatwiran ang negosyante: “Drug den 'yang dinemolish ko!”

Tinanong siya ni Mayor Vico: “May karapatan ka bang mag-demolish?”

Giit ng negosyante, bukod sa lupa niya ang kinatitirikan ng bahay at mga empleyado niya ang nagtayo sa istruktura, may pinanghahawakan daw siyang dokumento sa ginawa niya.

Sunud-sunod ang tanong ni Mayor Vico: “Bakit hindi ka tumawag ng pulis?

“May karapatan ka bang mag-demolish?

“May court order ka ba? Wala.”

Continue reading below ↓

“MAY KARAPATAN KA BANG MAG-DEMOLISH NG BAHAY?”

Ayon kay Mayor Vico, kahit pa totoo ang akusasyon ng negosyante na may illegal drug activities sa bahay, wala ito sa posisyon para gibain ang istruktura.

Maaari naman daw itong magsuplong sa mga awtoridad para ang mga ito ang magpapatupad ng dapat gawin, ayon sa batas.

Sabi ni Mayor Vico: “Kahit sabihin pang totoo 'yang sinasabi mo, PDEA ka ba? PNP ka ba?

“May karapatan ka bang mag-demolish ng bahay? Wala.”

Tinukoy ng Pasig mayor ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP). Ito ang dalawang ahensiya ng gobyerno na nangunguna sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Iginiit muli ng negosyante na hindi bahay ang ipinagiba niya kundi isang lugar para sa mga palihim na bumabatak ng droga.

HEAVY EQUIPMENT RUINING ROAD HUMPS

Bukod sa isinagawang demolisyon, binanggit ni Mayor Vico sa negosyante ang maling pagkakatayo ng isang building nito, na ang second floor ay sinakop ang bahagi ng bangketa.

Continue reading below ↓

Inireklamo rin ng alkalde ang container van at crane ng negosyante na iniwan nitong nakahambalang sa isang makipot na kalsada malapit sa bahay nito.

Dahil daw sa mga heavy equipment na iyon ay nasira ang kalsada kung saan pinarada ang mga ito.

Itinanggi ng negosyante na nasira ng kanyang heavy equipment ang kalsada, kaya hinamon siya ni Mayor Vico na sabay nilang inspeksiyunin ang lugar.

Makikita sa video na nagkaroon nga ng mga bitak ang humps sa kalsada.

Nangako naman ang negosyanteng ipapaayos iyon.

HOT STORIES

ILLEGAL CONSTRUCTION OF A BUILDING

Nagtalo rin si Mayor Vico at ang negosyante tungkol sa isa pang gusali na ipinapatayo ng huli sa parehong barangay.

Ayon sa alkalde, walang building permit ang negosyante para sa ginagawang gusali.

Sa kabila nito, ang negosyante pa ang nagreklamo sa Malacañang laban sa Pasig City government.

Pagkastigo ni Mayor Vico sa negosyante, nagawa pa raw siya nitong idamay sa letter of complaint na ipinadala nito sa Malacañang.

Continue reading below ↓

Matapang na tanong ng negosyante sa alkalde, habang sinisipat ang letter of complaint: “Nasaan ang pangalan mo diyan?”

Sagot sa kanya ni Mayor Vico: “Lokal na pamahalaan ng Pasig.”

Ibig sabihin ni Mayor Vico, bilang pinuno ng siyudad, siya ang kumakatawan sa Pasig City. Kaya malinaw na siya ang inireklamo ng negosyante sa Malacañang.

BUSINESSMAN COMPLAINS TO MALACAÑANG

Sa letter of complaint, inireklamo ng negosyante ang tangka raw pagpapagiba ng “Pasig Army” sa ipinapatayo nitong gusali.

Natatawang baling ni Mayor Vico sa negosyante: “Anong Pasig Army? Army? Peace and order people yun, anong Army?”

Sa kainitan ng pagtatalo ng Pasig mayor at ng negosyante, sumingit ang anak na babae ng huli.

Ayon sa anak ng negosyante, nagpakita raw sa kanila ng “demolition order” ang nasa 40 tauhan ng Pasig City Hall na nagpunta sa kanilang lugar.

Natakot daw ang kanilang pamilya para sa sariling kaligtasan kaya nagawa nilang lumiham sa Malacañang.

Continue reading below ↓

Paglilinaw ni Mayor Vico, hindi magde-demolish kundi mag-iinspeksiyon lang ang kanyang mga tauhan.

Kasunod nito, hiningi ng alkalde sa babae ang pruweba ng binanggit nitong demolition order mula sa local government.

Walang naipakita ang babae dahil hindi raw sila binigyan ng kopya ng sinasabi nitong order.

Sa huli, binigyang-diin ng Pasig mayor na prayoridad na maialis kaagad ang container van at crane na nakahambalang sa kalsada.

“Lahat idadaan natin sa tamang proseso,” pagtatapos ni Mayor Vico sa mainitang diskusyon.

“Kung may kailangang managot, mananagot. Kung may kakasuhan, may kakasuhan tayo.

“Pero tanggalin niyo muna itong dalawang ito,” aniya, sabay turo sa heavy equipment.

MAYOR VICO: THE PUBLIC SERVANT

Nag-trending si Mayor Vico ngayong Lunes matapos bumaha ang tweets ng mga napabilib sa paninindigan ng alkalde.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ito ay kahit na iyon daw ang unang beses na nakita ng mga taga-Pasig na nagalit ang kanilang mayor.

Hiling ng netizens na lahat daw sana ng elected officials sa bansa ay katulad ni Mayor Vico, na matapang na ipaglalaban ang kapakanan ng kanyang nasasakupan.

Continue reading below ↓

Para sa kanila, si Mayor Vico ang kumakatawan sa isang tunay na “public servant.”

Continue reading below ↓

BUSINESSMAN TO FACE CHARGES

Sa latest update ng alkalde ngayong Lunes, napansin niyang nagsanga-sanga na ang punto ng netizens na nagkomento tungkol sa insidente.

Para hindi na lumala ang kuwento, binigyang-linaw ng alkalde kung ano talaga ang mga atraso ng negosyante.

Tweet ni Mayor Vico: “Marami siyang violation, pero ang MAIN ISSUE rito: Ilang beses na nilang sinubukan magpatayo ng building na WALANG BUILDING PERMIT.

Continue reading below ↓

“Tapos hinarangan ng truck at crane nila ang PUBLIC ROAD. Nakasira pa sila ng humps.”

Sa isa pang tweet, kinumpirma ni Mayor Vico na inihahanda na ng local government ang mga kasong isasampa laban sa negosyante.

“Criminal and civil cases are being prepared,” pagtitiyak ni Mayor Vico.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pasig City Mayor Vico Sotto (in blue jacket) can be seen fuming with anger as he argues with a businessman (in yellow shirt) who allegedly violated several local government laws.
PHOTO/S: Screengrab from Sakto News on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results