Katrina Halili on finding love: "Gusto ko nga sana maging choosy, wala naman ichu-choose."

by Rachelle Siazon
Sep 29, 2020
Katrina Halili on her foiled game plan to look for love this 2020: "Sabi ko, pag 34 na ako, aba kung wala pa rin dumating, magta-travel-travel na ako, maglalabas-labas na ako. E, ending, nagka-pandemic. Paano?!"
PHOTO/S: @msvansoyosa via @katrina_halili Instagram

Kuwelang sinabi ni Katrina Halili na pitong taon na siyang single, at naudlot pa ang plano niyang makahanap sana ng bagong pag-ibig.

"Parang seven years na ata akong single. Wala talaga, e.

"Gusto ko nga sana maging choosy, wala naman ichu-choose!" natatawang saad ni Katrina.

Ang huli niyang nakarelasyon ay ang singer na si Kris Lawrence. Isinilang ni Katrina ang anak nilang babae noong 2012.

Ngunit October 2014 nang aminin ni Katrina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na siya ang nag-initiate na maghiwalay sila ni Kris dahil tingin niya ay mas mabuting magkaibigan na lang sila.

Mula noon ay hindi pa raw ulit nagkanobyo si Katrina.

"Open naman ako," sabi niya sa panayam niya sa PEP Exclusives nitong September 25, 2020.

"Actually, dati sinabi ko, pag 35 na ako sana may boyfriend na ako. Sinasabi ko yun, pero wala rin kasing dumadating.

"'Tapos sabi ko, pag 34 na ako, aba, kung wala pa rin dumating, magta-travel-travel na ako, maglalabas-labas na ako.

Continue reading below ↓

"E, ending, nagka-pandemic. Paano?!"

Ipauubaya na lang daw niyang kusang dumating ang taong itinakda para sa kanya.

Kuwelang hirit ng 34-year-old Prima Donnas star, "So, mukhang mamu-move na naman ito. Baka i-surprise na lang ako ni Lord, dahil sinabi ko 35. Hindi natin alam.

"Destiny ko ba ang maging single? Or may ka-destiny ba ako? Yun ang mga dapat nating abangan."

IDEAL BOYFRIEND

Dati man siyang bigo sa pag-ibig, naniniwala pa rin daw si Katrina sa true love.

Minsan ay nai-post pa niya sa kanyang Instagram account, "No one is too old for fairytales."

Sabi ni Katrina sa PEP.ph ukol dito, "Nagpaparinig-parinig na nga. Wala pa rin."

Ano ang mga katangiang hinahanap niya sa isang ideal boyfriend?

"Ang hinahanap ko siyempre yung mapapangasawa ko na.

"Hindi ako para maghanap ng pabebebehan ko. Siyempre yung may pakinabang, di ba?

"Siyempre ako, yun naman hinahanap ko. Hindi lang yung kaemehan lang diyan!"

Continue reading below ↓

Mahalaga rin daw na mamahalin ng lalaki ang kanyang eight-year-old daughter na si Katie.

"Yung magiging tatay sa anak ko. Mahal ako, mahal si Katie. Yung magpapamilya na talaga.

"Yun naman ang hinihintay ko. Hindi yung boyfriend-boyfriend na eme-eme lang diyan.

"Siyempre yung kaya akong buhayin. Alangan naman buhayin ko pa, di ba? Aba, sandali lang!"

ON BEING A SINGLE MOM

Pero kahit na single siya ngayon, masaya raw si Katrina sa buhay.

Hands-on mom siya kay Katie, lalo na nitong nakalipas na anim na buwan na quarantine period.

Todo raw ang bonding nila pagdating sa pag-bake ng cookies, at tinuruan daw niya ang anak ng ilang gawaing-bahay.

Mahirap bang maging single mom?

Sagot ni Katrina, "Wala naman akong struggles. Happy naman ako kasi isa si Katie sa bumuo sa pagkatao ko para magkadireksiyon.

"Mas mahal mo na sarili mo, yung trabaho mo. Gusto mo magtrabaho for her.

"And lagi mo pinagbubutihan ang work mo para naman siyempre maging proud din siya sa iyo."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Katrina Halili on her foiled game plan to look for love this 2020: "Sabi ko, pag 34 na ako, aba kung wala pa rin dumating, magta-travel-travel na ako, maglalabas-labas na ako. E, ending, nagka-pandemic. Paano?!"
PHOTO/S: @msvansoyosa via @katrina_halili Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results