Empress Schuck gets engaged to partner Vino Guingona on their daughter’s 5th birthday

by Jet Hitosis
Sep 29, 2020
Empress Schuck, Vino Guingona, Athalia Guingona
Former model Vino Guingona asks his partner, actress Empress Schuck, to marry him as their daughter Athalia celebrates her 5th birthday, Sunday, September 27.
PHOTO/S: @itsempressita, @niceprintphoto on Instagram

Engaged na ang aktres na si Empress Schuck sa partner niyang si Vino Guingona.

Sinorpresa ni Vino, 28, ng wedding proposal ang 27-year-old actress nitong Linggo, September 27.

Itinaon ni Vino sa celebration ng fifth birthday ng anak nilang si Athalia ang pag-aalok niya ng kasal kay Empress.

Lunes, September 28, nang sabay na ipinost nina Empress at Vino sa Instagram ang mga litrato mula sa Frozen-themed birthday party ni Athalia.

Ayon sa post ni Empress, sorpresa niya kay Athalia ang pinapangarap nitong birthday party na inspired ng patok na Disney movie na Frozen (2010, 2019).

Bukod sa party, niregaluhan din ni Empress ang anak ng inflatable slide set.

Continue reading below ↓

Dahil sa enforced quarantine, walang batang imbitado sa party ni Athalia, bagamat naroon ang kanilang malalapit na kamag-anak.

EMOTIONAL WEDDING PROPOSAL

Pero sa kasagsagan ng picture-taking, makikitang biglaang lumuhod si Vino sa harap ni Empress, hawak ang isang engagement ring.

Sa sumunod na litrato, kapwa luhaan at nagpupunas ng luha sina Vino at Empress—na suot na ang engagement ring.

Continue reading below ↓

Sa post ni Empress, nagpasalamat siya kay Vino na itinaon nito ang wedding proposal sa birthday ng kanilang anak.

Naroon daw kasi—at naging saksi sa proposal—ang lahat ng mahal sa buhay ng aktres.

“A new chapter begins for me,” saad sa post ni Empress.

“And I know by walking with God together, we are on the right path.

Continue reading below ↓

“The goal of our relationship is to honor him and do things what’s right in his eyes and that’s what we’re going to do real soon.”

Labis naman ang pasasalamat ni Vino na dumating sa buhay niya si Empress, na tinawag niyang “My Love, My Everything.”

Post ni Vino (published as is): “Thank you for Inspiring me everyday to be the best Dad, The best partner, The best person that I can be.

Continue reading below ↓

“Thank you for Loving me for who I am and accepting me as your partner for the rest of your life.

“I Love you and always will.”

CELEBS CONGRATULATE EMPRESS & VINO

Nagpaabot naman ng pagbati sa newly engaged couple ang mga kapwa celebrities ni Empress na sina Jessy Mendiola, Enchong Dee, Sheena Halili, Karen Reyes, Chariz Solomon, at Kelly Misa.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Masayang-masaya rin para sa mag-anak nina Empress, Vino, at Athalia sina Kitkat, Melissa Ricks, Iya Villania, Ria Atayde, at DJ Chacha.

EMPRESS’S PREGNANCY

April 2015 nang kumpirmahin ni Empress ang nababalita noong buntis siya.

Nang mga panahong iyon, isa si Empress sa mga bida ng GMA afternoon series na Kailan Ba Tama ang Mali?.

Continue reading below ↓

Sa pag-amin na tatlong buwan na siyang buntis, ipinakilala rin noon ni Empress si Vino, ang kapwa niya taga-Zamboanga at ang ama ng kanyang ipinagbubuntis.

Si Vino ay isang crossfit enthusiast at dating model na mula sa kilalang political clan ng mga Guingona. Apo siya ni dating Vice President Teofisto Guingona Jr. at pamangkin ni former Senator Teofisto Guingona III.

Sa ngayon, freelance actress si Empress, na abala rin sa kanyang milk tea business.

Huli siyang napanood sa Kapuso teleseryeng The Better Woman noong 2019, at sa pelikulang Kahit Ayaw Mo Na noong 2018.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Also, you can use these Zalora promo codes or vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former model Vino Guingona asks his partner, actress Empress Schuck, to marry him as their daughter Athalia celebrates her 5th birthday, Sunday, September 27.
PHOTO/S: @itsempressita, @niceprintphoto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results