Maine Mendoza teases boyfriend Arjo Atayde for being an NBA-player lookalike

by Rachelle Siazon
Sep 29, 2020
In a rare moment, Eat Bulaga! Dabarkads Maine Mendoza exchanges banter with Kapamilya actor Arjo Atayde via their Instagram Stories.
PHOTO/S: @mainedcm / @arjoatayde Instagram

Inasar ni Maine Mendoza ang boyfriend na si Arjo Atayde na kahawig daw nito ang isang NBA player.

Sa pamamagitan ng Instagram Story, ipinost ni Maine ang side-by-side photo ni Arjo at Miami Heat player na si Duncan Robinson.

Laman ng mga balita sa sports ang timely 3-point shots ni Duncan Robinson na nakatulong para matalo ng Miami Heat ang Boston Celtics sa Game 6 ng NBA Eastern Conference Finals.

Pasok na ang Miami Heat sa NBA Finals laban sa Los Angeles Lakers.

Kaugnay nito, biniro ni Maine si Arjo na kamukha ng Kapamilya actor si Robinson.

Caption ni Maine kalakip ng laughing-with-tears emoji, "Congrats, @arjoatayde"


Continue reading below ↓

Natatawa na nahihiyang nag-react si Arjo ukol dito.

Ni-repost ni Arjo ang kuwelang artcard na ibinahagi ni Maine.

Sabay sabi ni Arjo, "Delete this photo please .... HAHAHAHHA!"


ALMOST TWO YEARS TOGETHER

Si Maine ay mainstay ng GMA-7 noontime show na Eat Bulaga!, habang si Arjo ay Kapamilya actor na huling napanood sa defunct weekly series na 24/7.

Continue reading below ↓

Si Maine ay 25 taong gulang, habang si Arjo ay 29 ang edad.

Naging magkasintahan sila noong December 21, 2018.

Nagkamabutihan sila habang ginagawa ang Metro Manila Film Festival entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles noong taong iyon.

Unang napabalita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanilang date sa isang Makati restaurant noong October 2018.

Patunay na going strong ang relasyon ng dalawa ay ang napabalitang pamamasyal ni Maine sa rest house ng pamilya Atayde sa Nasugbu, Batangas.

Kasama ni Maine ang tatlo niyang kapatid at ilang kaibigan nang magpunta sila roon nito lang September 2020.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a rare moment, Eat Bulaga! Dabarkads Maine Mendoza exchanges banter with Kapamilya actor Arjo Atayde via their Instagram Stories.
PHOTO/S: @mainedcm / @arjoatayde Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results