Karla Estrada on celebs venturing into social media platforms: “Saan po kami pupunta, e, entertainers kami.”

by Bernie V. Franco
Sep 29, 2020
Karla Estrada is all-out support to fellow celebrities who are venturing online as an alternative platform to continue to entertain.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)

Ipinagtanggol ni Karla Estrada, 45, ang paglipana ng mga artista sa social media bilang alternative platform bukod sa telebisyon.

Kapansin-pansin kasi ang biglang pagdagsa ng maraming artista sa social media ngayong panahon ng pandemya.

Hindi maikakailang tinamaan nang matindi ang showbiz industry dahil sa pandemya.

Maraming mga proyekto ang natigil o kaya naman ay hindi natuloy pagdating sa telebisyon, movies, at concerts.

Isama pa riyan ang pagkakait ng pamahalaang Duterte, sa pamamagitan ng Kongreso, ng panibagong prangkisa sa broadcast giant na ABS-CBN.

Dahil sa mga rason na ito, nagsipuntahan ang mga artista sa Facebook, Instagram, Twitter, at YouTube upang makipag-ugnayan sa kanilang fans at followers.

KARLA DEFENDS CELEBS’ TRANSITION TO ONLINE PLATFORMS

Sa episode ng Magandang Buhay nitong Martes ng umaga, September 29, nagsalita si Karla bilang depensa sa mga kritikong minamasama ang transition ng mga artista sa digital at online platforms.

Sinimulan niya ito tungkol sa isang komento na nabasa raw niya.

Continue reading below ↓

Sabi raw ng isang netizen, “O, lahat ng artista nasa online na kayo lahat.”

Katwiran ng actress-TV host, “E, alam niyo po… saan po kami pupunta, e, entertainers kami, di ba?”

Paliwanag ng ina ni Daniel Padilla, hindi maitatangging malaki ang naidudulot na kasiyahan ng mga artista, lalo na sa mga ganitong panahon.

“Lahat ng plataporma na kami po ay makakapagpasaya at makaka-entertain ng ating mga kababayan, especially ngayong may pandemic, ay gagawin po naming lahat iyon.

“Actually, mas maganda ang ginagawa ng mga kapatid natin sa industriya—lahat na nag-o-online at nag-e-entertain ngayon sa digital platform—kasi talagang ang laking tulong natin.”

Bagamat may mga pumupuna raw sa ginagawang adjustment na ito ng mga artista, mas marami pa rin daw ang pumapabor.

Sabi ni Karla, “Yung isang comment na hindi maganda, ang katumbas noon ay isang libong magaganda at pasasalamat na comment na, ‘Thank you, napapasaya niyo kami. Nandidiyan kayo ngayon and everything,’ di ba?"

Continue reading below ↓

Sinegundahan ito ng kanyang co-host na si Melai Cantiveros, na sinabing hindi lang naman mga artista ang gumagawa nito.

“Kahit iba din, kahit mga simpleng tao, mga normal na tao, nag-i-stream na rin, mga vlogger, andami na nila,” hirit ni Melai.

Kinatigan ito ni Karla, “Nandidiyan na sila lahat, politicians, lahat… nakakalat ngayon din sa digital, sa social media, di ba?"

At bilang entertainers, hindi raw mapipigilan ang mga taga-showbiz na humanap ng paraan upang patuloy na makapagbigay-aliw sa mga tao.

“Of course, the actors, entertainment world, nandidiyan because we are all entertainers.

“At kung saan kami makakapag-entertain na plataporma, nandodoon kami. Makikita niyo kami lahat para pasayahin kayo,” sabi pa ni Karla.

Si Karla ay may sariling YouTube account na may halos 200,000 subscribers.

Sa Instagram ay mayroon siyang higit three million followers, at sa Twitter naman ay mayroon siyang 674,000 followers.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Karla Estrada, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karla Estrada is all-out support to fellow celebrities who are venturing online as an alternative platform to continue to entertain.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results