Janella Salvador briefly appears on Markus Paterson’s live streaming

by Bernie V. Franco
Sep 30, 2020
Janella Salvador is becoming more visible on social media. She also appeared on boyfriend Markus Paterson's live streaming recently.
PHOTO/S: Screengrab from YouTube (KUMU) / @superjanella on Instagram

“Hello.”

Ito ang sorpresang pagbati ni Janella Salvador, 22, sa live streaming ng kanyang boyfriend na si Markus Paterson, 22, noong Martes ng gabi, September 29.

Visible nitong mga nakalipas na araw si Markus sa pamamagitan ng streaming app na Kumu.

Nasa United Kingdom (U.K.) ngayon ang binata kasama ang kanyang amang Briton.

Sa bahay nina Markus namamalagi ngayon si Janella, na buntis sa magiging anak nila ni Markus. Nakatakdang manganak ang young actress ngayong Oktubre.

Kinumpirma ng isang source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagbubuntis ni Janella, sa artikulong nailathala noong September 17.

Noong September 10 naman ay nag-post si Jenine Desiderio, ina ni Janella, na lumipad siya at ang bunsong anak na si Russel patungong U.K. para makasama ang buntis na anak.

JANELLA IS LOOKING FRESH

Sa live streaming ni Markus, nagpakita si Janella ilang minuto bago ito matapos.

Kapansin-pansing walang make-up si Janella at laging nakahawak sa kanyang pisngi.

Continue reading below ↓

“I just showered. So, ayan... fresh,” sabi ng Kapamilya actress.

Tight shot din ang video kaya’t hanggang balikat lang ang kuha nina Janella at Markus.

Kasunod nito ay nagkulitan ang magkasintahan.

Pangungulit ni Janella, “Ayan, maraming salamat sa pag-support ng stream ko,” pagtukoy sa pag-i-“invade” niya sa streaming ng boyfriend.

Continue reading below ↓

Ibinahagi rin ni Markus na tinatawag daw ng kanyang ina si Janella na “JJ.”

“So, guys, so pag nakita niyo si Janella out in public, kailangan niyong sumigaw ng JJ,” ani Markus.

JANELLA STARTS POSTING PICS, VIDEOS OF HERSELF ON IG

Simula rin nang pumutok ang balitang buntis si Janella ay kapansin-pansin na naging aktibo muli siya sa pagpu-post ng kanyang recent photos.

Nagsimula ito nang mag-post ang kanyang inang si Jenine ng 50th birthday celebration niya sa tahanan nina Markus.

Nag-post ang seasoned singer-actress ng picture niya kasama sina Janella, Markus, ang nakababatang kapatid ni Janella na si Russel, at ama ni Markus.

Natatakpan dito ang tiyan ni Janella.

Nitong weekend ay nag-post naman si Janella ng kanyang larawan sa Instagram.

Naka-side view siya habang nakaupo at kumakain ng strawberries at may hawak na tasa.

Naka-shades si Janella at nakasuot ng dark blue loose dress.

Continue reading below ↓

Kagabi rin ay nag-post si Janella ng video sa Instagram Story habang kumakain ng chicken nuggets.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janella Salvador is becoming more visible on social media. She also appeared on boyfriend Markus Paterson's live streaming recently.
PHOTO/S: Screengrab from YouTube (KUMU) / @superjanella on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results