Julia Barretto explains decision to leave Star Magic; denies backing out of Cara Y Cruz

by Jojo Gabinete
Sep 30, 2020
Julia Barretto on leaving Star Magic: "Hindi madali, but I think it help a lot that Miss Mariole and Mr. M were very supportive of my decision and they really backed me up with it. Hanggang ngayon naman, they still supervise, they’re still my supervisors and, like, my mentors. Walang goodbye, e, it’s just, like, see you around."
PHOTO/S: Viva Artists Agency Facebook

Malaki ang kinalaman ng retirement ng Star Magic Head na si Mariole Alberto sa desisyon ni Julia Barretto na lumipat sa Viva Artists Agency (VAA).

Ang Star Magic ang talent management arm ng ABS-CBN.

Ang VAA naman ang talent management ng Viva Entertainment, na pag-aari ni Boss Vic del Rosario.

Magre-retire si Alberto bilang pinuno ng Star Magic sa December 31, 2020.

Ang papalit sa kanya ay ang head ng TV Production ng ABS-CBN na si Laurenti Dyogi, na magsisimula sa kanyang bagong tungkulin sa January 1, 2021.

Pahayag ni Julia sa virtual press conference na naganap nitong Miyerkules ng hapon, September 30, "With the announcement of Miss Mariole’s retirement, I just felt like it was going to be a good opportunity for me to really explore all my other options and see other opportunities.

"And when I met with Viva management, they really laid in a really good plan and they’re really willing to just help me out with my journey with them."

Continue reading below ↓

Aminado si Julia na hindi naging madali ang kanyang desisyong iwanan ang Star Magic dahil ito ang namahala sa kanyang showbiz career mula pa noong siyam na taong gulang siya.

Saad ng 23-year-old actress, "Hindi madali, but I think it helped a lot that Miss Mariole and Mr. M were very supportive of my decision and they really backed me up with it.

"Hanggang ngayon naman, they still supervise, they’re still my supervisors and, like, my mentors.

"Walang goodbye, e, it’s just, like, see you around."

Ang "Mr. M" na tinutukoy ni Julia ay si Johnny Manahan, ang founder at chairman emeritus ng Star Magic.

Diin niya, "What really did it for me was when Miss Mariole decided to retire as the head of Star Magic.

"Na-excite naman ako kasi Viva also welcomed me with really open arms and they gave me such a warm welcome.

"Maganda yung mga plano nila para sa akin."

Continue reading below ↓

CARA Y CRUZ

Noong July 2020, naglabas ng pahayag ang ABS-CBN na ang Cara Y Cruz ang bagong drama series na pagbibidahan ni Julia.

Pero nawala siya sa cast ng proyekto nang magpasya siyang lumipat sa VAA.

Sa naganap na virtual presscon, itinuwid ni Julia ang balitang basta na lamang hindi siya nagpakita sa taping ng Cara Y Cruz.

Continue reading below ↓

Saad niya, "May mga nabasa na rin akong articles na medyo may mga hindi naman lahat katotohanan yung ibang nakasulat.

"I will share... when I made the decision to move to Viva, of course, ang mga una ko talagang kinausap ay si Miss Mariole at Mr. M.

"Bakit? Dahil sila po ang head ng Star Magic. At bilang sila po ang head ng Star Magic, sa kanila po ako nagpaalam.

"Regarding Cara Y Cruz naman po, hindi po totoo na hindi na lang ako nagpakita bigla.

"I was present in all our script readings, our general assemblies. I was present for our look test.

"I was present for our one–on-one meeting with the director, nakapag-usap na kami ng mga gagawin namin sa character.

"And if I’m being honest, nakapag-empake na rin po talaga ako, ready for lock-in taping."

Pero ayon kay Julia, tinanggal siya sa cast ng Cara Y Cruz dahil gusto ng ABS-CBN ang "all-Star Magic cast" para sa proyekto.

Continue reading below ↓

"But last minute rin po na napagdesisyunan ng some of our heads from ABS na they would want somebody from Star Magic, Star Magic talent to be taking my role muna sa Cara Y Cruz, which was no problem for me.

"No hard feelings naman, it was just something that I understood and support them with kung what they want muna for Cara Y Cruz is an all-star Star Magic cast, which I have no problem with.

"So, yun lang naman po ang nangyari."

Paglilinaw pa ni Julia, "Pero wala naman pong nangyari na hindi na lang ako nagpakita, na ako po yung nag-back out. That’s no true naman po."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto on leaving Star Magic: "Hindi madali, but I think it help a lot that Miss Mariole and Mr. M were very supportive of my decision and they really backed me up with it. Hanggang ngayon naman, they still supervise, they’re still my supervisors and, like, my mentors. Walang goodbye, e, it’s just, like, see you around."
PHOTO/S: Viva Artists Agency Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results