Ellen Adarna’s comment about cheating trends on Twitter: "You deserve what you tolerate."

by Arniel C. Serato
Sep 30, 2020
Ellen Adarna to netizen who caught her boyfriend cheating again: "Ulit? Oh, my God 'Day. Kawawa ka naman 'Day."
PHOTO/S: Courtesy: @maria.elena.adarna on Instagram

Nag-trend sa Twitter ngayong araw, September 30, ang komento ni Ellen Adarna, 32, tungkol sa cheating.

Nag-ugat ito sa isang sagot ni Ellen sa kanyang “Ask me a question” session sa Instagram Stories kagabi, September 29.

Continue reading below ↓

Tanong ng isang netizen sa salitang Bisaya, “Nasakpan nasad nko akong uyab nay lain, unsaon nko mamsh?"

["Nahuli ko na naman ang boyfriend ko na may iba, anong gagawin ko mamsh?"]

Sagot ni Ellen sa kanya, “Nasad? Oh, my God 'Day. Kalooy nimo 'Day. But you deserve what you tolerate yourself."

Continue reading below ↓

["Ulit? Oh, my God 'Day. Kawawa ka naman 'Day. But you deserve what you tolerate yourself."]

Kinagiliwan naman ng netizens sa Twitter ang prangkang sagot nng Cebuana actress.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

ON CHEATERS

Noong May 2020 ay nagdaos din ng "Ask me a question" si Ellen.

Dito tinanong siya kung naranasan na ba niyang pagtaksilan ng dating karelasyon.

Tugon niya: "Yes ‘Day."

Kasunod nito ay ikinuwento ni Ellen kung paano niya nahuli ang isang dating karelasyon at kung ano ang ginawa niya.

Continue reading below ↓

"Nagbakasyon siya unya nasakpan nako, so pag-uli niya sa among balay that time, wala na akong mga gamit [Nagbakasyon siya at nahuli ko, pag-uwi niya sa aming bahay noon, wala na ang mga gamit ko.]

“Wa ko mangaway niya, wa koy pangotana [Hindi ko siya inaway, hindi ako nagtanong].

“I just left. Guwapa ko [Maganda ako, e].”

Mabilis daw naka-move on si Ellen sa hiwalayang iyon.

“Nahibong kaayo tong akong ex, pag-uli niya asa kuno ko, aw, ka-move on naku pag abot niyas balay. [Nagtataka yung ex ko, pag-uwi niya, asan na daw ang mga gamit ko, ayun, naka-move on na ako bago pa siya dumating sa bahay].”

Ayon pa sa kanya, hindi raw dapat naghahabol ang mga babae sa lalaki.

Pahaging ni Ellen: “So, you know, he's not worth chasing. I never chase.

"And you shouldn't be chasing also, you know, because you're a woman.

"You shouldn't be chasing because you're a woman.

Continue reading below ↓

“The egg doesn't swim to the sperm, it doesn't work that way.

"It's not natural."

Marami naman ang nagkomento na baka ang tinutukoy niyang nag-cheat sa kanya noon ay ang dating karelasyong si John Lloyd Cruz.

Pero kaagad na nilinaw ni Ellen na hindi si John Lloyd ang kanyang tinutukoy sa kanyang sagot sa Instagram.

"Just to clear everything... Nope. Dili cya [Hindi siya].

"Dili cya ang ni ghost and dili cya ang ni cheat [Hindi siya ang nang-ghost and hindi siya ang nanloko]."

Dagdag pa niya tungkol kay John Lloyd: "Leave him alone kay dili dyd cya [at hindi talaga siya]."

May anak na sila Ellen at John Lloyd, ang dalawang taong gulang na ngayon na si Elias Modesto.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Also, you can use these Shopee promo codes or vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna to netizen who caught her boyfriend cheating again: "Ulit? Oh, my God 'Day. Kawawa ka naman 'Day."
PHOTO/S: Courtesy: @maria.elena.adarna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results