Ai-Ai delas Alas on dealing with negative people: “Nire-rebuke ko siya, parang si Satanas, e, no.”

by Bernie V. Franco
Oct 1, 2020
Ai-Ai delas Alas says she is used to bashing: “Kahit naman maganda yung sabihin mo may sinasabi pa rin sila, e."
PHOTO/S: @msaiaidelasalas on Instagram

Hindi napigilang mapa-react ni Ai-Ai delas Alas nang sabihin ni Christian Bautista na hindi ngayon ang tamang panahon para mag-away-away—mapa-asawa man o kaibigan.

Sabi ni Christian, “Now is not really the time to clash in a marriage, in a friendship, kasi ang hirap na ng buhay, mag-aaway pa ba kayo? It’s not the time.”

Habang nagsasalita si Christian ay makikita ang pagtango ni Ai-Ai.

“Tama," sambit ng Comedy Queen, indikasyong sinasang-ayunan niya ang pahayag ni Christian.

Hiningi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Ai-Ai dahil sa marubdob niyang pagsang-ayon sa tinuran ni Christian.

“Dapat!” ani Ai-Ai. “Kasi totoo iyon na napakahirap na kasi ng buhay ngayon.

"So, yung mga pwedeng lahat maging positive, gawin na lang nating positive. Huwag lang COVID.

“Kumbaga sa buhay, [dapat] positive tayo.

“Kasi mahirap talaga buhay ngayon, e. So, kaya dapat puro positivity na lang.

"Kasi nakaka-anxiety attack pag may maraming nega.”

Sina Ai-Ai at Christian, gayundin si Lani Misalucha, ay na-interview ng piling entertainment press via Zoom nitong Miyerkules, September 30, para sa pagsisimula ng The Clash Season 3.

Continue reading below ↓

Ang tatlo ang bumubuo sa panel of judges ng GMA-7 reality-based singing competition.

AI-AI ON DEALING WITH NEGATIVITY

Sinundot ng tanong si Ai-Ai kung ano ang ginagawa niya kapag may kanegahang kinakaharap.

Sagot niya, “Nire-rebuke ko siya, parang si Satanas, e, no. Nire-rebuke agad, agad-agad, e, rebuke.

“’Tsaka erase, erase, erase. Dapat positive lang.”

Hirit pa ni Ai-Ai, “’Tsaka hindi ako nagkakausap ng mga nega. Lahat ng kinakausap ko, mga positive.”

Nasanay na raw siyang maraming batikos na natatanggap niya, kagaya ng bashing sa social media.

Kahit naman daw ang pagiging judge niya sa The Clash, meron at merong masasabing masama sa kanya.

Ito nga raw ang dahilan kung kaya’t kapag may takaw-bashing na senaryo sa The Clash, siya ang sumasalo dahil sanay na siya sa batikos.

“Kahit naman maganda yung sabihin mo, may sinasabi pa rin sila, e.

"So, it’s either parating kunyari yung crucial na iyan, ibibigay nila iyan sa akin, kasi alam nila kaya ko yung bashers. Hindi naman ako nasa-shock.

Continue reading below ↓

“’Tsaka sanay na ako na bina-bash ako.

"Kumbaga, pag yung crucial na alam nila maba-bash, sa akin nila [binibigay]. Tagasalo ng masasakit na salita.”

Natutunan daw ni Ai-Ai na pagdating sa social media, laging may mapupuna sa kanya kahit gaano man kaganda ang intensiyon niya.

“Nung nauso iyang social media, sa experience ko, ha, kahit anong ganda ng intensiyon mo, or kahit anong ganda ang ibinigay mo sa kanila, tumulong ka, charity or mag-comment ka, wala, e.

“Marami pa rin silang hindi magandang sinasabi sa iyo, so might as well be yourself.

"Eto yung gusto kong sabihin. Eto yung totoo, eto yung sasabihin ko.”

Ngayong Sabado, October 3, ay magsisimula na ang bakbakan sa pagalingan ng pagkanta sa The Clash Season 3 sa GMA Network.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas says she is used to bashing: “Kahit naman maganda yung sabihin mo may sinasabi pa rin sila, e."
PHOTO/S: @msaiaidelasalas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results