Matteo Guidicelli proud of wife Sarah Geronimo placing 3rd on Most Admired Women in PH list

Oct 1, 2020
Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli
On Wednesday, September 30, actor Matteo Guidicelli shares how proud he is of wife, singer-actress Sarah Geronimo, who ranked third in YouGov's Most Admired Women in PH for 2020 list.
PHOTO/S: @ashmatt_love on Instagram

Hindi nauubusan ng dahilan si Matteo Guidicelli upang ipagmalaki ang misis niyang si Sarah Geronimo.

Sa nakalipas na mga buwan, madalas na ang niluluto o baked pastries ng 32-year-old singer-actress ang makikita sa Instagram Stories at posts ni Matteo, 30.

Tulad na lang nang ibahagi ng aktor nitong September 17 ang litrato at video ng katakam-takam na Lemon Blueberry Buttermilk cake na gawa ni Sarah.

Gumamit si Matteo ng "#shesthebest" sa post niyang ito bilang papuri sa kanyang misis.

Continue reading below ↓

Pero kahapon, September 30, hindi ang cooking skills ni Sarah ang ipinagmayabang ni Matteo sa kanyang Instagram Stories.

Ibinahagi ng aktor ang art card ng “5 MOST ADMIRED MEN AND WOMEN IN PH FOR 2020.”

Ang listahan ay resulta ng online poll ng market research at data analytics firm na YouGov, na nakabase sa United Kingdom.

Pumangatlo si Sarah sa listahan ng “Most Admired Women” sa Pilipinas, sa nakuhang 7.48 percent “admiration scores.”

Nangangahulugang sa kabuuan ng mga sinurvey sa Pilipinas, 7.48% ng mga Pinoy ang humahanga sa tinaguriang Popstar Royalty.

Ramdam sa one-liner caption ni Matteo na proud na proud siya sa bagong pagkilalang natanggap ng asawa.

Araw-araw raw na ipinagmamalaki ni Matteo ang misis niyang si Sarah.

Sabi ni Matteo: “Proud of my wife every single day.”

Continue reading below ↓

February 20, 2020 nang magpakasal sina Sarah at Matteo.

DUTERTE TOPS MOST ADMIRED MEN IN PH LIST

Pinakamaraming nahakot na admiration scores si Pangulong Rodrigo Duterte, kaya nanguna siya sa listahan ng “Most Admired Men in PH.”.

Nasa 19.67% ng Pinoy na sinurvey ng YouGov ang bilib sa 75-year-old leader.

Pumangalawa kay Duterte ang boxing champion na si Senator Manny Pacquiao (10.65%).

Pangatlo si Manila Mayor Isko Moreno (7.96%).

Pang-apat ang legendary Chinese actor-director na si Jackie Chan (7.43%).

At panglima ang Roman Catholic leader na si Pope Francis (6.89%).

ANGEL IS MOST ADMIRED WOMAN IN PH

Ang actress-philanthropist na si Angel Locsin, 35, naman ang nanguna sa “Most Admired Women in PH” list, sa nakuhang 15.03% admiration scores.

Nasa second place si Miss Universe 2018 Catriona Gray (11.09%), kasunod si Sarah sa third spot.

Pang-apat ang American singer-songwriter na si Taylor Swift (7.36%).

At panglima ang Hollywood superstar na si Angelina Jolie (6.93%).

Continue reading below ↓

LIZA PLACES 6TH, VP LENI AT 15TH SPOT

Sina Duterte, Pacquiao, at Mayor Isko lang ang Pilipino sa listahan ng 20 lalaking personalidad na hinahangaan ng mga Pinoy.

Samantala, sa listahan ng 20 pinakahinahangaang babae sa Pilipinas, lima lamang ang Pilipino.

Bukod kina Angel, Catriona, at Sarah, pasok din sa listahan ang Kapamilya actress na si Liza Soberano at si Vice President Leni Robredo.

Nasa sixth place si Liza sa admiration score na 6.67%.

Pang-15 naman si VP Leni, na nakuha ang 2.71% ng mga boto.

MOST ADMIRED: BARACK & MICHELLE OBAMA

Ang mag-asawang sina dating U.S. President Barack Obama at Michelle Obama ang Most Admired Man and Woman ngayong 2020.

Base ito sa worldwide results ng online poll.

Sa Pilipinas, pumuwesto sa eight spot si Barack, habang pang-11 naman si Michelle.

Narito ang listahan ng 20 Most Admired Men and Women in PH for 2020:

Continue reading below ↓

Taunang isinasagawa ng YouGov ang online survey na ito para matukoy ang mga pinakahinahangaang personalidad sa 42 bansa.

May kanya-kanya namang Most Admired List ang bawat isa sa 42 bansang nag-participate sa online poll.

HOT STORIES

***

Shopping online? Enjoy promos and discounts using this Shopee voucher.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On Wednesday, September 30, actor Matteo Guidicelli shares how proud he is of wife, singer-actress Sarah Geronimo, who ranked third in YouGov's Most Admired Women in PH for 2020 list.
PHOTO/S: @ashmatt_love on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results