Claudine, Marjorie, Dani, Julia commemorate Miguel Barretto's first birthday in heaven

by Arniel C. Serato
Oct 1, 2020
Barretto patriarch, Miguel Barretto, would have celebrated his 83rd birthday last September 29. The Barretto patriarch passed away last year, 15 days after he celebrated his birthday.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Inalala nina Claudine, Marjorie, Dani, at Julia Barretto ang kaarawan ng pumanaw na Barretto patriarch na si Miguel Barretto.

Noong Martes, September 29, sana ang ika-83 kaarawan ni Miguel.

Sa Instagram post ni Claudine kahapon, September 30, sinabi nitong hindi niya kayang batiin ang ama sa mismong kaarawan nito kaya pinalipas muna ng aktres ang isang araw.

Pangako rin ni Claudine "forever" niyang mamahalin ang namayapang ama.

Saad ng 41-year-old actress, “Yesterday was your birthday yesterday.

“i didnt have the courage to greet u yesterday so l do it today instead.

“i want to thank u for being my Father. i will forever & always luv u #doubleinfinity.

“Happy birthday in heaven.”

Si Claudine ang bunso sa pitong anak nina Miguel at Inday Barretto.

Continue reading below ↓

Kahapon din lang nagbigay-pugay sa kanyang lolo ang aktres na si Julia Barretto.

Simpleng mensahe ng 23-year-old Viva star, “Happy birthday, my guardian angel.”

Si Julia ang panganay na anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla.

“WE’LL BE HERE CELEBRATING YOUR LIFE”

September 29, noong mismong kaarawan naman ni Miguel, inalala ng mag-inang Marjorie at Dani ang karaawan ng Barretto patriarch.

Continue reading below ↓

Na-miss daw ni Marjorie ang pagmamahal ni Miguel sa kanyang mga anak. Nakiusap naman siya sa ama na lagi silang gabayan nito.

Saad niya, “Happy 1st birthday in Heaven, Daddy. You know what I miss most about you?

“I miss how much you loved my children. We miss you, your presence in every single event in our lives.

“Keep watching over us, Dad, most especially the kids, watch over them from above.

“We will always need you. I MISS YOU SO MUCH it hurts like crazy!”

Continue reading below ↓

Ayon naman kay Dani, hindi pa rin siya makapaniwalang hindi na niya mayayakap ang lolo sa kaarawan nito.

Sobra na rin daw niyang na-miss ang kanyang “Pikey.”

Nakalagay sa post ni Dani, “Happy Birthday Pikey!

“I can’t believe I won’t be able to hug you so tight today. I miss you so much.. We miss you so much!

“Have the best birthday in heaven, Pikey!! Eat all the ice cream and chocolate chip pancakes in the world!!

“We’ll be here celebrating your life like always.

“I love you forever and ever.”

Continue reading below ↓

Wala pang post si Gretchen Barretto ukol sa kaarawan ng ama.

Pumanaw si Miguel Barretto noong October 15, 2019.

Isinugod si Miguel sa ospital sa mismong kaarawan niya noong nakaraang taon.

Nagdulot ng isang malaking family squabble ang kamatayan ng Barretto patriarch dahil sa kanyang burol ay nagkasakitan ang magkakapatid na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine.

Nadamay rin sa gusot ang kanilang inang si Inday Barretto.

Nasangkot din ang mga apo ni Miguel na sina Dani, Julia, at Nicole Barretto, anak naman ni JJ Barretto, sa kaguluhan sa burol.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barretto patriarch, Miguel Barretto, would have celebrated his 83rd birthday last September 29. The Barretto patriarch passed away last year, 15 days after he celebrated his birthday.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results