Gerald Anderson’s resort business gets support from Julia Barretto

Oct 1, 2020
What's the real score between Julia Barretto and Gerald Anderson?
PHOTO/S: Instagram

Suportado ng aktres na si Julia Barretto ang pagbubukas ng bagong private resort ng aktor na si Gerald Anderson.

Nitong Miyerkules, September 30, inianunsiyo ni Gerald sa Instagram na bukas na sa publiko ang pagmamay-ari niyang Hayati Private Resort.

Ang resort ay matatagpuan sa Botolan, Zambales.

Tampok sa post ni Gerald, 31, ang mga litrato ng iba’t ibang amenities sa resort, gayundin ang business logo nito.

Continue reading below ↓

Nang araw ring iyon ay ini-repost ni Julia, 23, sa kanyang Instagram Story ang logo ng resort ni Gerald.

Walang caption si Julia sa kanyang post, pero tagged niya si Gerald.

Makalipas ang ilang oras, binura ni Julia ang logo ng resort ni Gerald mula sa kanyang Instagram Stories.

Continue reading below ↓

DID JULIA EVER VISIT GERALD’S RESORT?

Nitong August, usap-usapan ng mapanuring netizens na ilang beses umanong namataan si Julia sa beachfront property ni Gerald sa Zambales.

Iyon din ang private resort na binuksan ni Gerald sa commercial business nitong Miyerkules.

Base sa impormasyon ng mga netizens, ilang araw raw nanatili si Julia sa resort na iyon ni Gerald.

Isang netizen ang nagpaabot ng video sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung saan makikitang isang babae at isang lalaki ang magkausap sa labas ng glass house ng resort habang nakatanaw sa beach.

Pero hindi malinaw ang video dahil malayo ang kuha nito kaya imposibleng makumpirma kung sina Julia at Gerald nga ang babae at lalaking nasa video.

RUMORED LOVERS

Hindi matapus-tapos ang pag-uugnay ng fans kina Julia at Gerald.

Iyon ay kahit mahigit isang taon na ang nakalipas simula nang masangkot ang dalawa sa kontrobersiya kaugnay ng breakup ni Gerald sa aktres na si Bea Alonzo.

Continue reading below ↓

Si Julia ang itinurong dahilan sa pakikipaghiwalay ni Gerald kay Bea.

Kaagad naman itong itinanggi nina Julia at Gerald.

Sa kabila nito, marami pa rin ang naniniwalang may relasyon nga ang dalawa.

Sa katunayan, sina Julia at Gerald ang naging paksa ng fake news na ipinakalat ng dating broadcaster na si Jay Sonza nitong September 21.

FAKE NEWS

Sa isang Facebook post, sinabi ni Sonza na buntis daw ngayon si Julia at si Gerald ang ama.

Tinawag ni Julia na “FAKE NEWS” ang post ng dating broadcaster.

Itinanggi rin ng Star Magic, ang dating talent management agency ni Julia, at ng inang si Marjorie Barretto na buntis ang young actress.

Kasunod nito, sarkastikong binawi ni Sonza ang kanyang post.

Nitong September 25, dumulog sa National Bureau of Investigation (NBI) si Julia upang magsampa ng reklamo laban kay Sonza.

Nahaharap ngayon ang dating broadcaster sa mga reklamong cyberlibel at paglabag sa Safe Spaces Act.

Continue reading below ↓

Samantala, maliban sa patuyang “Congratulations to me” na ipinost ni Gerald sa kanyang Instagram Stories, walang direktang reaksiyon ang aktor sa fake news ni Sonza.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
What's the real score between Julia Barretto and Gerald Anderson?
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results