Paolo Contis, Kapuso stars defend fellow celebrities jumping into vlogging

by Bernie V. Franco
Oct 1, 2020
Paolo Contis (extreme left) says celebrities have all the right to venture into vlogging: "Inaalagaan mo rin na makita ka ng tao, na okay ka… kasi wala ka namang show.” His fellow Kapuso stars (2nd from left to right) Yasmien Kurdi, Benjamin Alves, and Andrea Torres agree with him.
PHOTO/S: Instagram and Facebook

“Nasa survival mode tayo.”

Ito ang katwiran ni Paolo Contis kaugnay ng pagdagsa ng maraming artista sa social media platform.

Nitong pandemya ay kapansin-pansin ang biglang pagiging aktibo ng mga artista sa social media—Instagram, Facebook, Twitter, at YouTube.

Bago pa man magkaroon ng pandemic, mayroon nang mga artista ang nagba-vlog, o video blog, isang uri ng web TV. Pero bigla ang kanilang pagdami kasunod ng pandemya at pagkawala ng ABS-CBN sa free-to-air TV.

Labis kasing tinamaan ang showbiz industry dahil sa dalawang dahilan na ito. Maraming artista ang nawalan ng trabaho.

Bukod sa pagkakaroon ng malaking exposure sa web, maaari rin kasing i-monetize ang paglikha ng video content via YouTube at Facebook.

Kaya kinakitaan ito ng potensiyal ng mga artista, at mas madali nila itong magagawa dahil may fan base na sila.

PAOLO CONTIS: “KAILANGAN NAMIN, E.”

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Paolo Contis, Andrea Torres, Benjamin Alves, Maey Bautista, at Yasmien Kurdi tungkol sa kanilang opinyon tungkol dito.

Continue reading below ↓

Pangangatwiran ni Paolo, praktikal na paraan ang online media para sa mga artista para patuloy na maging visible.

“When the pandemic happened, hindi natin alam na ito [ay] mangyayari, nasa survival mode tayo,” sabi ng Kapuso actor sa Zoom presscon ng Kapuso drama anthology na I Can See You, nitong Huwebes, October 1.

“Let’s face it, isa sa way na kumita was vlogging. I think that’s our right to make it happen. Kailangan naming kumita.

“Na, ano naman, somehow at the same time, the people need to see us also. Kasi nga nakikita nila rin kami [via social media]."

Hindi raw masisisi ang mga artista sa paglipana nila sa social media para sa karera o kumita ngayong may health crisis.

“Siyempre, di ba, pag inaalagaan mo yung pandemic, inaalagaan mo rin yung career mo, inaalagaan mo rin na makita ka ng tao, na okay ka… kasi wala ka namang show.”

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Paolo, “Ang point ko, kailangan namin, e.

“It’s not like choice namin siya. Pero for us, ako kasi, ako, nag-vlog din ako. I think lahat tayo,” pagtukoy ni Paolo sa co-stars niya sa I Can See You: The Promise.

“Pero I think nasa magandang ano naman yung gusto naming mangyari. Hindi naman namin gustong magkasapawan, di ba?”

Si Paolo ay may halos 300,000 YouTube subscribers at higit isang milyong followers sa Facebook.

BENJAMIN ALVES

Pagsegunda naman ni Ben, gaya ng sinuman, maging mga artista ay may karapatang mag-venture sa social media.

Saad niya, “No one should ever stop anyone from creating, whatever they want. Gusto nilang gawin yun, e, they’re free to do that.

"And most important, I would never stop anyone from earning for their family and for themselves.”

YASMIEN KURDI

Sabi naman ni Yasmien, “’Tsaka artista kasi tayo. Ano pa ba yung ibang platfrom na pwede mong ilabas yung artistic, creativity side mo bilang isang artista kundi ang social media, or online rin lang naman?

Continue reading below ↓

“Wala namang TV na ongoing na production. Yung platform mo lang. Nandun naman yung followers mo. Gusto lang nilang makakita ng updates about you.

“Maganda siya for our generation, na meron ganitong klaseng privilege na nakakalabas tayo ng creativity natin sa mga tao through online.”

Si Yasmien ay may 378,000 YouTube subscribers at higit 1 million Facebook followers.

Continue reading below ↓

ANDREA TORRES

Sabi naman ni Andrea—na may halos 2 million Facebook followers—siya mismo ay naeengganyong panoorin ang vlogs ng kapwa artista.

“Personally, nae-enjoy kong mapanood yung mga kasama ko sa industriya nang normal kasi, di ba, sa YouTube, mas ganoon, mas normal yung pangyayari, yung pang araw-araw nila.”

Si Andrea ay may YouTube channel kasama ang boyfriend niyang si Derek Ramsay. Mayroon silang 255,000 YouTube subscribers.

Sabi naman ni Maey, naging platform niya ang social media para gumawa ng video content para magbigay ng practical tips sa kanyang viewers.

Pahayag niya, “Ako po kasi, gusto kong i-share sa video content ko yung back to basics na akma naman talaga sa sitwasyon nila ngayon… kung paano ka magtitipid. Imbes na bumili ng gulay, magtanim ka na lang.”

Paraan din niya ito para magkaroon ng live interaction sa kanyang fans at makipagkamustahan sa kanila.

Samantala, ipalalabas ng I Can See You: The Promise sa GMA Network simula sa Lunes, October 5.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis (extreme left) says celebrities have all the right to venture into vlogging: "Inaalagaan mo rin na makita ka ng tao, na okay ka… kasi wala ka namang show.” His fellow Kapuso stars (2nd from left to right) Yasmien Kurdi, Benjamin Alves, and Andrea Torres agree with him.
PHOTO/S: Instagram and Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results