Lloyd Cafe Cadena's mother breaks silence on YouTuber's death; thanks Ivana Alawi 

by Rachelle Siazon
Oct 1, 2020
Lorita Cafe Cadena (left photo) on son Lloyd's death: "Mahirap man tanggapin, tanggapin na lang natin kasi alam kong mahal si Lloyd ng Panginoon kaya kinuha na siya."
PHOTO/S: Lloyd Cafe Cadena Instagram / Ivana Alawi Youtube

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na ang ina ng Lloyd Cafe Cadena na si Lorita Cafe Cadena tungkol sa biglaang pagpanaw ng 26-year-old YouTuber.

Mother Kween kung tawagin ang ina ni Lloyd.

Si Lloyd ay pumanaw dahil sa COVID-19 noong September 4.

Nitong Miyerkules, September 30, ibinahagi ni Mother Kween na lubha siyang nagdadalamhati sa maagang pagkawala ng anak.

Pero sinisikap daw niyang maka-recover sa nangyari kay Lloyd.

"Mahirap man tanggapin, tanggapin na lang natin kasi alam kong mahal si Lloyd ng Panginoon kaya kinuha na siya.

"Although mahirap sa aming family, wala tayong magagawa dahil hiram lang naman si Lloyd. Hiram ko lang naman si Lloyd."

Dagdag pa ng ginang sa kanyang vlog, "Ngayon lang ako nagsalita dahil ngayon ko lang kaya magsalita.

"Ayun, nandito na, nangyari na. Wala na tayo magawa."

Siniguro rin ng ina ni Lloyd na negatibo siya sa COVID-19

"Nagpa-swab test kami sa loob ng bahay. Sa awa ng Diyos naman, all negative result naman. Huwag kayo mag-aalala sa health namin."

Continue reading below ↓

LLOYD'S MOM THANKS IVANA ALAWI

Nagpasalamat din si Mother Kween sa mga kaibigan at kapwa YouTuber ni Lloyd na nagpaabot ng pakikiramay at nanalangin para sa kanya.

Pero isa sa mga special mention ay ang YouTuber-actress na si Ivana Alawi.

Ito ay sa dahilang boluntaryong kumilos si Ivana para magbigay ng donasyon sa naulilang pamilya ni Lloyd.

Mensahe ng Mother Kween kay Ivana:

"Maraming salamat kay Ivana 'tsaka sa manager niya. Thank you Ma'am Ivana sa lahat ng tulong mo.

"Napakabait mo. 'Tsaka ang laking tulong niyo sa amin.

"'Tsaka sa parents mo, sa pamilya niyo, thank you very much kasi napakabait ninyong pamilya."

IVANA ON LLOYD'S BUS WASH CHALLENGE

Napag-alaman kasi ni Ivana na noon lamang August 28 ay inilabas ni Lloyd ang vlog sa ginawa nitong bus wash challenge.

Hinamon ni Lloyd si Ivana na gawin din ang bus wash challenge para magkaalaman kung sino raw ang mas mabilis na maglinis ng bus sa kanila.

Continue reading below ↓

Tinanggap ni Ivana ang hamon ni Lloyd.

Sabi ni Ivana sa vlog niya noong September 6, "Para sa akin, hinamon niya ako. Alam mo yung huling hamon? So, kailangan ko siyang gaiwnin.

Continue reading below ↓

"Kahit papaano may nagawa ako, in my own small way, nag-decide ako gawin itong bus wash para kay Lloyd."

Nakita raw ni Ivana ang kabutihang-puso at pagkakawangga ni Lloyd kahit pa hindi ito galing sa marangyang pamilya.

Kaya naisipan ni Ivana na ibigay sa naulilang pamilya ni Lloyd ang lahat ng kita mula sa YouTube ads ng September 6 video ng aktres.

Sa kasalukuyan ay umabot na ng 7.45 million views ang vlog na iyon ni Ivana.

LLOYD & MOTHER KWEEN'S POSERS

Sa huli, umapela si Mother Kween na sana ay tigilan ng posers ang paggamit sa kanyang pangalan, at pati na rin sa pangalan ni Lloyd, para makakuha ng followers sa social media.

"Yung mga ginagamit yung pangalan ko, pangalan ni Lloyd, wag naman kayo ganun.

"Kasi kami family... Sa akin bilang magulang, parang di naman magandang pakinggan na gamitin mo pangalan ko.

"Una pa kayo nagsalita sa akin. This is my first time na nagsalita.

Continue reading below ↓

"Kasi may nababasa ako, nagsasalita ako, dala ang pangalan ko.

"Irespeto naman natin si Lloyd. Kasi mabait naman na bata yun. Matakot kayo sa karma."

Si Lloyd ay may dalawang YouTube channels, na may 8.6 million subscribers.

Si Mother Kween ay may sariling YouTube channel, na may 1.42 million subscribers.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lorita Cafe Cadena (left photo) on son Lloyd's death: "Mahirap man tanggapin, tanggapin na lang natin kasi alam kong mahal si Lloyd ng Panginoon kaya kinuha na siya."
PHOTO/S: Lloyd Cafe Cadena Instagram / Ivana Alawi Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results