Joshua Garcia asked about his ideal girl: “Gusto ko yung matatanggap ako nang buong buo.”

by Bernie V. Franco
Oct 1, 2020
Joshua Garcia on qualities he is looking for in a girl. “Maraming alam na gawaing bahay, maglinis, magpunas-punas, may takot sa Diyos, family-oriented."
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)

Inisa-isa ni Joshua Garcia ang mga katangiang hinahanap niya sa isang babae.

Sinabi rin ng 22 anyos na Kapamilya actor na kasalukuyan siyang single. Hindi rin daw niya prayoridad ang love life.

“Wala, hindi ko naman siya focus ngayon. Mas focused ako sa sarili ko,” sagot ni Joshua sa vlog ni Erich Gonzales na in-upload noong Miyerkules, September 30.

Sabi pa niya, “Actually, I started studying na ulit. Nag-enroll ako recently lang.

"Plano kong kunin business entrepreneurship. Sayang yung time na walang ginagawa, e.”

Muling inusisa ni Erich si Joshua sa lagay ng kanyang puso.

“Okay naman. Tumitibok naman siya, pero para sa sarili ko... sa ngayon…" sagot ni Joshua.

“Hindi pa kasi natin masabi… kasi dumadating iyan biglaan, e.”

Naniniwala rin daw ang aktor na destiny ang pag-ibig.

“Kung ako, naghahanap ako, may tao ring naghahanap ng… feeling ko, ha, destiny.

“Baka ngayon, parang sinasabi ni God sa iyo, ‘Mag-focus ka muna sa sarili mo. Mas mahalin mo pa muna ang sarili mo.’ Para pagdating ng time na nasa relationship ka na, commit ka, di ba?’

Continue reading below ↓

“Kasi commitment yun, e. Kailangan mag-commit ka din, e.”

JOSHUA’S IDEAL GIRL

Ano-ano nga ba ang qualities ng isang babaeng hinahanap ni Joshua?

“Gusto ko yung matatanggap ako nang buong-buo. Simple lang ako sa buhay,” sagot niya.

“Pwede akong tumira sa probinsiya, pwede akong tumira sa Maynila… yung ma-accept niya ako nang buong-buo. Kayang tumira kasama ako.”

Ayon pa kay Joshua, nag-iiba rin ang gusto niya sa isang babae sa paglipas ng panahon.

“Nag-iiba yung trip kong babae, yung gusto mong babae. Nag-iiba iyan dahil ikaw mismo ay nagma-mature ka.

“So, ngayon, siguro parang gusto ko yung babae ding mahilig magbasa. Kasi iba rin yung ganoon, kasi may matututunan ka rin.

"Parang gusto ko yung mas mature sa akin.”

Sa paglalarawan ni Joshua, tila naghahanap din siya ng isang babaeng domesticated.

“Maraming alam na gawaing bahay, maglinis, magpunas-punas, may takot sa Diyos, family-oriented. Simple lang.”

Ang huling naging girlfriend ni Joshua ay ang aktres na si Julia Barretto. Inamin nila noong April 2019 na dalawang taon na silang magkarelasyon.

Continue reading below ↓

Subalit nang sumunod na buwan, Mayo, napabalita ang kanilang paghihiwalay.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Read More Stories About
Joshua Garcia, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia on qualities he is looking for in a girl. “Maraming alam na gawaing bahay, maglinis, magpunas-punas, may takot sa Diyos, family-oriented."
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results