Pokwang's throwback ASAP dance performance gets thumbs down from basher; comedian retorts, “Kapag inggit PIKIT!!!”

by Arniel C. Serato
Oct 2, 2020
Pokwang replies to basher who commented five thumbs down emojis on her throwback dance performance video.
PHOTO/S: Courtesy: @chikabeshtv5 / @itspokwang27 on Instagram

Hindi pinalampas ni Pokwang ang tila panlalait ng isang basher sa dance performance video na ibinahagi niya sa Instagram kahapon, October 1.

Ito ay isang throwback video ng kanyang performance sa Sunday musical-variety show na ASAP ng ABS-CBN.

Sabi ni Pokwang sa caption, “Mga panahon na hindi pa ako masyado nag kakape kaya walang takot.

“Mga panahon na kung saan ay hindi pa ako masyadong nagkakape kaya walang nerbyos!!! #JessieJ

Continue reading below ↓

Isang follower niya ang nagkomento ng limang thumbs down emojis, senyales na hindi nito nagustuhan ang video na ibinahagi ni Pokwang.

Pinatulan naman ito ng Chika, Besh! host ng TV5.

Saad ng 50-year-old host-comedienne, “o eto ka naman [7 pile of poo emojis] kapag inggit PIKIT!!!”

Dalawang beses inulit ni Pokwang ang mensaheng ito na tila nagpapahiwatig ng kanyang pagkainis.

Continue reading below ↓

Kung may naligaw na basher, ang iba pang komento sa post na ito ni Pokwang ay puro positibo na naman.

POKWANG RESPONDS TO BASHERS

Hindi ito ang unang pagkakataong pumatol sa bashers si Pokwang.

Noong Agosto, sinagot niya ang isang netizen na tinawag na “basura” ang mga upcoming programs ng TV5.

Bago pa man nawala ang prangkisa ang ABS-CBN ay ongoing na ang promo para sa dalawa niyang ilulunsad na palabas sa istasyon.

Una na rito ang Fill In The Bank kasama si Jose Manalo, at ang pangalawa ay ang morning talk show na Chika, Besh!, kasama sina Ria Atayde at Pauleen Luna.

Sa isang post ni Pokwang sa Instagram tungkol sa plug ng shows na ilulunsad ng TV5, may isang netizen na nanlait sa upcoming shows ng istasyon.

Komento nito (published as is): “Sa totoo lang yung kay Kris aquino lang ang inaabangan nang tao!!!!!!! Yung iba basura!!!!”

Ang tinutukoy ng netizen ay ang Love Life With Kris na dalawang beses nang nauudlot. Tuluyan na rin itong na-shelve dahil sa hindi pa rin malinaw na kadahilanan.

Continue reading below ↓

Mahinahon naman itong sinagot ni Pokwang.

Saad niya (published as is): “thank you… opinyon mo yan iho, pero tandaan may pera sa basura…

“at minsan nakakapag pasaya, ngiti kana kasi napaka dami na ng nakakapgpalungkot na mga nangyayare sa mundo…

“pag masdan mo paligid mo iho may virus na kumikitil ng buhay, may mga taong nawalan ng trabaho, may mga sumasabog na bulkan at mga nagugutom,

“…be greatful iho kasi malusog ka at may oras ngumiti at iyon ang layunin ng mga shows na basurang sinasabi mo.”

Sa ngayon, marami ng Kapamilya stars ang mapapanood sa TV5 sa pamamagitan ng isang blocktime agreement ng Brightlight Productions ni dating Congressman Albee Benitez.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang replies to basher who commented five thumbs down emojis on her throwback dance performance video.
PHOTO/S: Courtesy: @chikabeshtv5 / @itspokwang27 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results