Ai-Ai delas Alas lauds lady rider's determination to finish master’s degree

by Arniel C. Serato
Oct 2, 2020
Ai-Ai delas Alas to lady rider: "Napakadami pading babaeng madiskarte mabuhay ka JENNIFER..."
PHOTO/S: File / Courtesy: @msaiaidelasalas on Instagram

Puring-puri ni Ai-Ai delas Alas ang isang female delivery driver dahil sa determinasyon nitong makatapos ng pag-aaral.

Kagabi, October 1, nagkuwento si Ai-Ai ng encounter niya sa lady rider na naghatid sa kanilang bahay ng in-order nilang pagkain ng asawang si Gerald Sibayan.

Sabi ng The Clash judge (published as is), “Gusto ko munang i congratulate si ate lalamove (jennifer name nya)

“nagulat ako nag order asawa ko ng food nag ring ang phone boses babae (so akala ni gerald naka angkas sa asawa) yun pala sya mismo ang delivery driver…”

Kahit daw malakas ang ulan ay hindi napigilan ng Kapuso star na makita at makausap si Jennifer.

“lumabas talaga ko sa bahay kahit malakas ang ulan gusto kong makita ang isang babaeng masipag, matyaga, lakas ng loob...

Kasunod na ibinahagi ni Ai-Ai ang naging palitan nila ng usapan ni Jennifer. Dito raw siya mas lalong na-touch.

Sabi niya kay Jennifer, "Ate congrats ang sipag mo naman.'”

Continue reading below ↓

Sagot ng rider, “Hello mam (medyo excited sya nakita nya ko) mam mag mamasters kasi ako nag ipon ako tuition.”

Sabi pa ni Ai-Ai kay Jennifer, “'congrats ate ang GALING MO IBA KA!!'”

“BABAENG MADISKARTE”

Ayon pa kay Ai-Ai, sana ay tularan pa ng maraming babae si Jennifer na hindi naging hadlang ang kasarian upang sumabak sa pagiging rider nang umunlad sa buhay.

Sabi ni Ai-Ai sa kanyang “papuri” post, “napakadami pading babaeng madiskarte mabuhay ka JENNIFER ..

“sana ay madami pang katulad mo para sa pangarap nila sa buhay...

“GOD BLESS YOU MORE and MORE.

#jennythegreat #jennythelalamovedriver #girlpower #kahitmalakasulanlaban

Continue reading below ↓

Bago pa magkaroon ng COVID-19 pandemic, may mangilan-ngilan na ring babae ang nagtatrabaho bilang Transport Network Vehicle Service (TNVS) drivers. Pero bihira ang lady riders sa mga food delivery sector.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas to lady rider: "Napakadami pading babaeng madiskarte mabuhay ka JENNIFER..."
PHOTO/S: File / Courtesy: @msaiaidelasalas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results