Jobless for a few months, Christian Bautista asks: "Dapat ba nag-corporate na lang ako?"

by Bernie V. Franco
Oct 4, 2020
Kapuso singer Christian Bautista admits to assessing his career because of pandemic: “Yung mga thoughts ko na dapat ba nag-farming ako, dapat ba nag-corporate na lang ako?"
PHOTO/S: Facebook (Christian Bautista)

Ramdam daw ni Christian Bautista ang hirap ng buhay ngayong may pandemya dahil siya mismo ay nawalan ng trabaho sa loob ng ilang buwan.

Pag-amin niya, mas matindi ang pressure sa kanya dahil may asawa na siya.

“Mahirap din sa akin dahil mas pressure ang napunta sa akin kasi I am the husband. So, suddenly, the husband had no work,” sabi ng Kapuso singer.

Nagsalita si Christian sa virtual conference ng The Clash Season 3, ang reality singing competition ng Kapuso network.

Malaki naman ang pasasalamat ni Christian na may trabaho ang kanyang asawa, si Kat Ramnani.

Ang misis ni Christian ang head ng Strategy and Program Management of Content Business ng isa sa pinakamalaking telecommunications company sa bansa.

“So, I’m blessed and thankful na my wife still has work. Of course, kasi she’s in corporate,” ang sabi ng singer.

Ngayon raw nakapag-isip-isip ni Christian kung dapat ay noon pa siya nagkaroon ng iba pang business ventures.

Continue reading below ↓

“Yung mga thoughts ko na dapat ba nag-farming ako, dapat ba nag-corporate na lang ako, pumapasok...

“Dapat ba meron akong ibang ginawang side business long ago?”

Pag-amin ni Christian, nag-iisip na siya ngayon ng iba pang puwedeng pagkakitaan.

“Ang ginawa ko na lang, ngayon na lang ako magsa-side business. Ngayon na lang ako maghahanap ng ano puwede ko i-broker, ano pwede ko i-social media influence.

“Paano ako kikita sa livestream. Gagawa ba ako ng kanta? Magpo-produce ba ako?

“So, it’s really more on creating. Creating something out of nothing. That’s what I always say.”

Nakahinga raw siya nang maluwag na nakakatanggap na uli siya ng trabaho.

Bukod sa pagsisimula ng The Clash Season 3 ngayong weekend, October 3 and 4, nag-resume na uli ang kinabibilangan niyang Sunday variety show na All-Out Sunday (AOS).

“So, thank God, kahit papano meron din naman pumapasok. Even more thankful na meron na kaming AOS at The Clash, at studio na.”

Continue reading below ↓

Malaki raw ang pasasalamat ni Christian na kahit virtual lang ay gumagawa ng paraan ang GMA-7 na mabigyan ng trabaho ang mga artista.

“Meron silang pa-ayuda sa mga artists na walang trabaho… so, we are so thankful to them.”

CHRISTIAN's advice: LOOK FOR WORK

Natanong si Christian kung ano ang maipapayo niya sa mga kapwa niya singer, baguhan man o hindi, na dapat gawin ngayong panahon ng pandemya.

Halimbawa na lang ang mga singer, malaking kawalan ang pagkakasuspinde sa mga events at pagbabawal sa mass gathering.

“The whole world is in a pandemic and mahirap talaga lahat. Advice ko na lang talaga, find a way to always find work. To work. To create. Don’t be idle,” sabi ni Christian.

“Yes, puwede ka mag-rest, puwede ka mag-break nang konti, puwede kang umiyak nang konti, magalit. Konti lang. Ubusin mo na yung emotion na iyan, ‘tapos trabaho na ulit. Kahit anong trabaho.”

Continue reading below ↓

Sa mga baguhang singer, puwede raw makipag-collaborate at mag-venture sa YouTube. Puwedeng humiram muna raw ng gamit gaya ng mikropono kung walang sariling gamit.

“Kahit ano talaga na pwede mong gawin, gawin mo muna. Discover something new. Discover a drive that you never had,” payo ng singer.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso singer Christian Bautista admits to assessing his career because of pandemic: “Yung mga thoughts ko na dapat ba nag-farming ako, dapat ba nag-corporate na lang ako?"
PHOTO/S: Facebook (Christian Bautista)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results