Megan Young suddenly cries during brainstorming with husband Mikael Daez

by Rachelle Siazon
Oct 5, 2020
Mikael Daez on wife Megan Young: "Yesterday was one of those sessions and we challenged ourselves to think of juicy topics and I was on fire—blurting out topics left and right. The next thing i know, umiiyak na si Bonez."
PHOTO/S: @mikaeldaez Instagram

Hindi inaasahang napaiyak si Miss World 2013 Megan Young sa gitna ng kaswal na pag-uusap nila ng asawang si Mikael Daez.

Parehong Kapuso stars sina Megan, 30, at Mikael, 32.

Ayon kay Mikael, nagbabatuhan sila ni Megan ng ideas para sa susunod nilang vlog nang bigla na lang naiba ang mood ng aktres.

"Every week, we have brainstorming sessions for the podcast," sabi ni Mikael sa kanyang Instagram post noong October 2.

Patuloy niya, "Yesterday was one of those sessions and we challenged ourselves to think of juicy topics and I was on fire—blurting out topics left and right.

"The next thing i know, umiiyak na si Bonez."

Nagulat daw si Mikael sa reaksiyon ni Megan, na kung tawagin niya ay Bonez.

"Huy! Anong nangyari sa iyo?" natatawang tanong ni Mikael kay Megan.

Nakunan ni Mikael ng video ang pagpahid ni Megan ng luha at pagtakip nito sa mukha nito.

Continue reading below ↓

Nahihikbing saad ni Megan sa video: "Kasi naman ikaw, e...

"Because we were talking about podcast topics. And then Fofo said, 'Our topic: paano kung naghiwalay tayo?'

"Ayoko naman nun..."

Fofo ang term of endearment ni Megan kay Mikael.

Hindi napigilan ni Mikael ang matawa dahil sa babaw ng luha ng asawa.

Natatawang paglilinaw ni Mikael, "Theoretical lang para juicy yung topic."

Bagamat kumpiyansa sa pagmamahalan at commitment nila sa isa't isa, hindi pa rin daw maiwasang masaktan ni Megan.

Nahihikbi at napapailing pa ring sambit ni Megan, "Just the thought... Oh my god!"

Tanong ni Mikael, "So hindi natin gagawin podcast topic?"

"I wrote it down," lukot ang mukhang sabi pa rin ni Megan.

Sa caption ng post, mapang-asar na humirit ulit si Mikael na isinulat pa rin daw pala ni Megan ang suggestion niya kahit na hindi nito gusto iyon.

Narito ang kuwelang hashtags ni Mikael bilang paglalarawan kung gaano kaapektado si Megan: "#UsapanLangHindiMagkakatotoo #PodcastIsLifeButNotRealLife #EmotionalIntensityInTheWorkplace #SinoAngKasingEmotionalNiBonez?!"

Continue reading below ↓

LAUREN TEASES MEGAN

Sa comments section, inasar din si Megan ng kanyang nakababatang kapatid na si Lauren Young.

Ani Lauren, "Omg arte talaga."

Sagot ni Megan, "huy ganyan ka din no excluse me."

Continue reading below ↓

EMOTIONAL MEGAN ON PEP CHALLENGE

Minsan na ring napaiyak si Megan nang sumalang sila ni Mikael sa PEP Challenge noong January 2020.

Hindi napigilan ni Megan na maging emosyonal habang ibinabahagi kung bakit siya in love na in love kay Mikael, na kung tawagin din ng aktres ay Mik.

"Mik has really made me a better person kaya sobrang in love ako..."

Napahinto pa si Megan para kumuha ng tissue na ipupunas sa kanyang luha.

Mahihinuhang tumimo sa puso ng aktres ang dami ng pinagsamahan nila ni Mikael.

Dagdag ni Megan, "Mik has taken care of not only be but also my brother and sister.

"Sobrang napamahal ako sa kanya. Ugh! Ugly cry."

Siyam na taon silang magkasintahan bago sila nagpakasal noong January 10, 2020 at January 25, 2020.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mikael Daez on wife Megan Young: "Yesterday was one of those sessions and we challenged ourselves to think of juicy topics and I was on fire—blurting out topics left and right. The next thing i know, umiiyak na si Bonez."
PHOTO/S: @mikaeldaez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results