Frankie Pangilinan declares herself as the ultimate Kathryn Bernardo-Daniel Padilla fan

Oct 8, 2020
Frankie Pangilinan, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla
In May 2020, Frankie Pangilinan joined fans of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla and other celebrities in a call for mass blocking of online trolls using #WeBlockAsOne on Twitter.
PHOTO/S: @frankiepangilinan, @supremo_dp on Instagram

“World’s biggest KathNiel stan.”

Ganito inilalarawan ni Frankie Pangilinan ang sarili bilang tagasuporta sa love team ng real-life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“KathNiel” ang tawag ng fans sa tambalan ng Kapamilya stars na sina Kathryn, 24, at Daniel, 25.

At self-confessed fan ng magkasintahan si Frankie, 19.

Inianunsiyo ito ni Frankie sa isang random tweet nitong Martes ng gabi, October 6.

Tweet ni Frankie (published as is): “i’m the world’s biggest kathniel stan i think u should know that before we all proceed.”

Continue reading below ↓

Ang “stan,” ayon sa Merriam-Webster online dictionary, ay isang “extremely or excessively enthusiastic and devoted fan.”

Isang Twitter user, na stan din ng KathNiel, ang nagkomento na hindi raw niya inakalang kasama nila sa fandom si Frankie.

Ang isang netizen, sinabihan si Frankie na “u stan the right people.”

Continue reading below ↓

Samantala, maraming KathNiel fans ang pabirong nag-tweet na inaangkin ang titulong “world’s biggest KathNiel stan” mula kay Frankie.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

FRANKIE: AN ALLY ON TWITTER

Buwan ng Mayo ngayong taon nang magpakita ng suporta si Frankie para kina Kathryn at Daniel.

Ilang araw makaraang ipasara ng gobyerno ang ABS-CBN noong May 5, matapos mapaso ang prangkisa nito, sabay na ipinagtanggol nina Kathryn at Daniel ang kanilang home network.

Sa magkahiwalay na video na in-upload nina Kathryn at Daniel sa Instagram noong May 13, umapela ang aktres laban sa inequality dahil nabawasan daw ang options ng Pinoy viewers sa pagsasara ng ABS-CBN.

Nanawagan naman si Daniel para sa mga kapwa Kapamilya artists na inuulan ng pambabatikos dahil lang sa pagdepensa sa kanilang network.

Pero naging dahilan ito upang putaktihin ng bashers at trolls ang magkasintahan.

“WEBLOCKASONE”

Kaagad na dumepensa ang KathNiel fans.

Pinag-trend nila ang #WeBlockAsOne laban sa mga umaatake kina Kathryn at Daniel sa social media.

Layunin ng campaign na ipa-block sa mga social media platforms ang bashers at trolls na bumabatikos sa magka-love team.

Continue reading below ↓

Noong May 15, nakiisa si Frankie sa pagpapa-trend sa hashtag.

Matapang ang naging pahayag ni Frankie laban sa mga bashers at trolls na ilang taon na ring kumukuyog sa kanya sa Twitter.

Ginamit ni Frankie ang trending hashtag para kina Kathryn at Daniel.

Mababasa sa tweet ni Frankie: “for all the times you managed to make me question my self worth, for all the times you threatened to find me, hurt me, kill me…

“for all the times you tried to silence me, and for everyone who’s felt the same — for everyone who deserves better. #WeBlockAsOne”

Continue reading below ↓

DEFENDING KATHRYN FROM BODY-SHAMERS

Nagtuluy-tuloy pa rin noon ang pamba-bash kina Kathryn at Daniel sa social media.

Dumating sa punto na nilait ng trolls at bashers maging ang hugis ng binti ni Kathryn.

Noong May 16, nag-trending ang #SakangSiKathryn.

Nang sumunod na araw, May 17, dinepensahan ni Frankie ang Kapamilya actress.

Sa kanyang tweet, pinatamaan ni Frankie ang isang “admin”—o administrator sa social media—na nagpasimuno raw sa panlalait sa pisikal na kaanyuan ng isang babae.

Tweet ni Frankie: “how insecure does an admin have to be to rally people into body shaming a woman seriously”

Sa sumunod niyang tweet, nagpasaring si Frankie kung mas dapat bang pagtuunan ng pansin ang binti ng isang babae kaysa sitwasyon ng bansa sa kasagsagan ng pandemya.

Hindi raw maipagkakaila ang immaturity sa pagtitimbang na ito ng mga prayoridad.

Sabi ni Frankie: “apparently state of her legs > state of the nation

“a little maturity wouldn’t go amiss ya know”

Continue reading below ↓

Hindi tinukoy ni Frankie kung sino ang “admin” na pinasasaringan niya.

BUSY KATHNIEL

Kasalukuyang tinatapos nina Kathryn at Daniel ang 13-part digital movie series nilang The House Arrest of Us.

Ipalalabas ang digi-movie series sa ABS-CBN website na KTX at sa streaming platform na iWant TFC simula sa October 24.

Continue reading below ↓

Wala pang update tungkol sa teleserye na nakatakdang gawin nina Kathryn at Daniel ngayong taon.

Taong 2017 nang huling nagbida sa TV series ang magkasintahan, sa horror-fantasy-drama na La Luna Sangre.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In May 2020, Frankie Pangilinan joined fans of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla and other celebrities in a call for mass blocking of online trolls using #WeBlockAsOne on Twitter.
PHOTO/S: @frankiepangilinan, @supremo_dp on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results