Daniel Padilla on girlfriend Kathryn Bernardo: "Handa na siya maging asawa ko."

by Rachelle Siazon
Oct 8, 2020
Daniel Padilla on wanting to marry his girlfriend Kathryn Bernardo three or four years from now: "Sana before 30 maging swabe ang lahat at matuloy ang kasal. Hahaha!"
PHOTO/S: Instagram (CTTO)

Kumpiyansa si Daniel Padilla na ang girlfriend niyang si Kathryn Bernardo ang makakasama niya habang-buhay.

Sa presscon ng Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience noong October 6, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano siya mas napamahal kay Kathryn nitong enforced quarantine.

Diretsahang sinabi ni Daniel na pareho sila ni Kathryn na sumasabak na sa mga responsibilidad na pampamilya.

"Ang napapansin lang namin ngayon, feel na feel na namin yung adulting stage.

"Ramdam na namin, 'Tol. Lalo na nitong nag-lockdown, 'Ugh, tumatanda na ako.' Ganun na napi-feel mo.

"Lahat ng mga babayaran dati, sina Ermat na ang bahala, Mama niya bahala.

"Ngayon sa amin na pinapahawak na lahat. Lahat sa amin na pinapaasikaso."

Sa puntong ito humirit si Daniel na puwede na silang mag-asawa ni Kathryn.

"So dun ko nakikita kay Kathryn na handa na siya. Handa na siya maging asawa ko!" tuwang-tuwa na bulalas ni Daniel.

Halatang kinilig pero tila nahihiyang bawi ni Daniel, "Hindi, loko lang."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

DANIEL APPROVES OF KATHRYN'S COOKING SKILLS

Nabanggit ng PEP.ph na nagpapakitang-gilas na rin si Kathryn pagdating sa pagluluto.

Kamakailan lang ay nag-trend ang video ng pagluluto ni Kathryn ng roasted chicken at soup na ipinatikim niya kay Daniel.

Aprubado ni Daniel ang luto ni Kathryn, base sa kumalat na video noong huling bahagi ng Setyembre.

Continue reading below ↓

Sabi ni Daniel sa PEP.ph, "Dati pa naman si Kathryn mahilig na magluto.

"Baliw yun sa mga appliances. Yun ang nagpapasaya sa kanya. Pero that's good. That's good training," nangingiting sabi ng Kapamilya actor.

Ngayon pa lang ay pinag-iipunan na rin daw ni Daniel ang future nila ni Kathryn.

"Oo naman! Kailangan pa mag-ipon para sa panahon na magpapamilya na.

"Alam mo yun, hindi ka naghahabol sa trabaho, sa pamilya, trabaho, pamilya...

"Para steady ka lang. May oras ka sa pamilya mo. Kung gusto mo magtrabaho, sige."

WEDDING BEFORE 30

Halatang kinikilig din si Daniel nang mapag-usapan kung sumagi na ba sa isip niya na magpakasal na sila ni Kathryn.

Sa ngayon ay 25 taong gulang na si Daniel habang si Kathryn ay 24.

Ayon kay Daniel, gusto niyang makasal bago pa siya tumungtong sa 30 anyos.

Masiglang lahad niya, "Nakikita ko kasi talaga siguro after three or four years [from now]. Basta gusto ko before 30.

Continue reading below ↓

"Ayoko masyado patagalin na umabot na sa range na 30, kasi pag tumapak na ng 30, ang bilis na naman, e.

"Sana before 30 maging swabe ang lahat at matuloy ang kasal. Hahaha!"

Pangarap daw nila ni Kathryn ang magkaroon ng beach wedding balang araw.

Nais din daw ni Daniel na pagkatapos nilang makasal ni Kathryn ay magkaroon agad sila ng baby.

Prangkang sabi ng binata, "Susubukan ko. Hahaha! Why not? Sa totoo lang, why wait?

"Kung okay naman ang sitwasyon. Kapag hindi ka pa masyadong matanda, puwede ka pa makipaglaro."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Padilla on wanting to marry his girlfriend Kathryn Bernardo three or four years from now: "Sana before 30 maging swabe ang lahat at matuloy ang kasal. Hahaha!"
PHOTO/S: Instagram (CTTO)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results