KZ Tandingan, TJ Monterde hold "virtual" wedding in the midst of pandemic

by Bernie V. Franco
Oct 8, 2020
Love in the time of COVID. Singer KZ Tandingan marries her fiance TJ Monterde in a secret garden wedding ceremony held last August.
PHOTO/S: @gideonhermosa and Mayad Studios via @labellefete on Instagram

Kasal na ang singer na si KZ Tandingan sa kanyang fiancé na si TJ Monterde, isa ring singer.

Ikinasal sina KZ at TJ sa gitna ng pandemya.

Ang petsa ng sila ay ikasal: August 28, 2020, o higit isang buwan na ang nakalilipas.

Ang kanilang pag-iisang dibdib ay inanunsiyo ng ilang mga nakasaksi sa mahalagang okasyong ito.

Ginawa ng mga saksi ang announcement via Instagram posts, ngayong gabi ng Huwebes, October 8, 2020.

Kabilang sa mga nag-post ay ang stylist, designers, at planners na involved sa naganap na secret wedding.

Ginanap ang garden wedding nina KZ at TJ sa isang resort sa Batangas.

Sa panig ni KZ, ginawa niya ang announcement sa pamamagitan ng pag-release ng music video nila ni TJ via YouTube, bandang ika-9:00 ng gabi ngayong Huwebes.

May titulong “Can’t Wait To Say I Do,” nagsilbi ring wedding video ang music video.

Sa video, mapapanood ang paghahandang ginawa nina KZ at TJ sa araw ng kanilang kasal.

Sa pagtatapos ng video, ito ang mababasa: “just married 08.20.20”.

Ginamit nila ang hashtag na #MrMRsTJxKZ, na hango sa initials ng kanilang first names.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE SECRET WEDDING

Ang stylist ni KZ na si Myrrh Lao To ang isa sa mga piling imbitado sa kasal ng couple.

Sa kanyang Instagram account ngayong gabi, inihayag ni Myrrh na "MARRIED" na sina KZ at TJ.

Kalakip ng post ang larawan ni KZ na naka-veil. Sa caption ng stylist, mababasa ang link sa YouTube video ni KZ.

Sa simula ng video, may notice kung paano at saan idinaos ang kasal sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Ito ang nakasulat: “Safety is our main priority; hence we chose a venue that provides a COVID-free environment.

“Everyone involved underwent a series of COVID-19 testings and were cleared before entry as we complied responsibly with all the strict guidelines.”

Ipinost naman ang ilang larawan sa nangyaring seremonya ng wedding and events planner na La Belle Fete.

Ginanap ang kanilang wedding sa The Farm at San Benito, isang wellness resort sa Lipa, Batangas.

VIRTUAL GUESTS

Binanggit din ng La Belle Fete na may pagka-virtual ang ginawang wedding.

Makikita na naka-pose ang bagong kasal katabi ang TV screen, kung saan makikita ang kanilang pamilya na hindi nakadalo sa kanilang kasal.

Bahagi ng caption: “Due to the pandemic and health protocol observance, everyone had to go through a series of testing, isolation, and health follow ups.

“It was just TJ, KZ, and a few people. Attendees only witnessed the heart to heart event virtually. Still, it was dreamy.”

Sa music video, ang isa mga kilalang dumalo ay si Martin Nievera.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Love in the time of COVID. Singer KZ Tandingan marries her fiance TJ Monterde in a secret garden wedding ceremony held last August.
PHOTO/S: @gideonhermosa and Mayad Studios via @labellefete on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results