“Angel Locsin” shares old quote about body-shamers: “Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to.”

by Arniel C. Serato
Oct 9, 2020
A netizen posts on Facebook some behind-the-scene photos of Angel Locsin while taping for her show Iba 'Yan. The Facebook thread goes viral after some people commented on Angel's curvy figure.
PHOTO/S: Courtesy: Angel Locsin / Angelica Santos on Facebook

“Ako nga, walang isyu, e.”

Bahagi ito ng dating pahayag ni Angel Locsin na muling ibinahagi ng administrator ng verified Angel Locsin Facebook page.

Ipinost ito ng Huwebes ng gabi, October 8, 2020, kasunod nang pag-viral ng mga litrato ng 35-year-old actress.

Sa post ng netizen na si Angelica Santos, sinabi nitong namataan niya si Angel sa Our Lady of Church sa Caloocan City noong Lunes, October 5.

Nag-taping doon si Angel kasama ang crew ng Iba 'Yan, ang hino-host na ABS-CBN public service show ng aktres.

Saad ni Angelica sa kanyang Facebook post (published as is), “Nagsimba lang naman kami nakita ko na si Angel Locsin super gandaaaa.

“Sabi nya samin 'Hi po sorry sandali lang po ah.'"

Continue reading below ↓

May ilang netizens naman na tila muling pinansin ang paglaki ng katawan ng actress-TV host.

Pero, marami rin naman ang nagtanggol sa aktres.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

"ANGEL" REACTS

Tikom ang bibig ni Angel hinggil sa kanyang viral na litrato.

Pero ilang oras matapos kumalat sa social media ang mga larawan ng Kapamilya star, dinepensahan siya ng administrator ng kanyang Facebook page.

Ibinahagi sa "Angel Locsin" Facebook page ang naging sagot noon ni Angel sa mga body-shamers.

Continue reading below ↓

Mula ito sa interview ng aktres sa Tonight With Boy Abunda noong January 29, 2019.

Sabi noon ni Angel sa mga nangungutya sa kanyang timbang, “May mga bagay kasi na hindi mo dapat gawin sa kapwa mo.

“Kung ang taong ito comfortable siya sa ginagawa niyang ‘yan, ayaw ko mag-deal sa mga ganu’ng klaseng tao.

"Kasi sad ang life niya. Kasi ako, wala akong problema.

"Bakit ikaw ang dami mong isyu?

"Ako nga, walang isyu, e. Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to.

“Eh, ikaw, okay ka ba?”

Continue reading below ↓

JUNE 2020

Noong nakaraang Hunyo lamang, nabiktima na naman ng body-shaming si Angel.

Nakuhaan kasi siya ng netizen ng mga larawan habang nagti-taping ng isang episode ng Iba ‘Yan sa Mauban, Quezon.

May mga nag-react sa curvy figure ng actress-philanthropist.

Base naman sa isa pang post ng administrator ng Facebook page ni Angel, wala silang pakialam sa kung ano man ang timbang o laki ng katawan ng aktres.

Ang mahalaga daw, mataba ang puso nito sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Ayon sa post, “#FridayInspiration: Angel Locsin through the years.

“No doubt, she is the Philippines’ Most Admired Woman.

“Our Real-life Darna from the strongest typhoons to a global pandemic.”

Continue reading below ↓

Hindi rin kasi matatawaran ang lihim na pagtulong ni Angel sa mga nangangailangan, lalo na kapag may mga biktima ng karahasan, lindol, bagyo, at nitong panahon ng pandemic.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A netizen posts on Facebook some behind-the-scene photos of Angel Locsin while taping for her show Iba 'Yan. The Facebook thread goes viral after some people commented on Angel's curvy figure.
PHOTO/S: Courtesy: Angel Locsin / Angelica Santos on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results