Ramdam na ramdam daw ni Sarah Wurtzbach at ng kanyang British partner ang pagiging toxic ng social media.
Ito ay matapos pagpiyestahan ng netizens ang pag-atake ni Sarah sa nakatatandang kapatid na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa pamamagitan ng sunud-sunod na Instagram Stories nitong Linggo, October 11.
Lumalabas na naipon ang sama ng loob ni Sarah kay Pia at sa kanilang inang si Cheryl Alonzo Tyndall.
Ilang saglit lang matapos ang posts ni Sarah, nag-viral sa social media ang pagsasapubliko ng sama niya ng loob sa kanyang ina at kapatid.
SARAH SLAMS GOSSIPMONGERS
Sa Twitter, isang netizen ang nagbahagi ng isa pang Instagram Story ni Sarah nito ring Linggo.
Base sa timeline ng netizen, ang IG Story ay ginawa ni Sarah ilang sandali matapos ang sunud-sunod niyang batikos kay Pia.
Sinita ni Sarah ang mga netizen na nag-follow raw sa kanya para lang makiusyoso sa kanilang away-pamilya.
Mensahe niya (published as is): “If your following for the sake of getting some gossip, then just unfollow me.
“I’m not tolerating idi*ts that don’t understand the gravity of the situation.
“Idi*ts.”
Kapansin-pansing naka-private na ang Instagram account si Sarah.
SARAH’S PARTNER SAYS SOCIAL MEDIA IS TOXIC
Kahapon ay nag-post din sa Instagram si Charlie Manze, ang British partner ni Sarah, tungkol sa alitan ng magkapatid.
Sina Sarah at Charlie—na may dalawang maliit na anak—ay nakatira sa London, England.
Malaki ang kinalaman ni Charlie sa away nina Pia at Sarah.
Ayon kay Sarah, gusto raw ni Pia at ng kanilang ina na iwan na niya si Charlie dahil wala umano itong pera.
Samantala, sa IG Story ni Charlie noong Linggo, mapapansing pinatungan niya ang nauna niyang post na hindi na mabasa ang nakasulat. Binura ito ng Briton ng black shade.
Pero nagulat si Charlie dahil wala pang isang oras matapos i-post ang naunang Instagram Story, nagkaroon na raw ito ng halos 1,000 views.
Ang ipinupunto ni Charlie, marami ang gustong makiusyoso hinggil sa isyu. Ganoon daw ka-toxic ang social media.
Pero wala raw pakialam ang netizens kung may mabigat na pinagdadaanan ang tao.
Post ni Charlie: “Not even an hour and nearly 1k views…
“Just shows how toxic social media can be init..
“Everyone ‘needs’ to know..
“Barely anyone wants to help someone with mental health issue.”
Hindi malinaw kung anong "mental health issue" ang tinutukoy ni Charlie. Pero sa IG posts ni Sarah ay sinabi nitong siya ay “triggered” at “depressed.”
Sa sumunod na IG Story ni Charlie, animo’y pinapagaan niya ang mood ng sitwasyon.
May halong birong paalala niya sa netizens na sumusubaybay sa kanyang posts:
“Just remember guys, if you’re gonna follow my shit.. Like my meme.. [laughing face moji]
“It takes time and effort to steal such good quality material and I don’t want it wasted on eyes that won’t like them. [peace sign emoji]”
Sa isa pa niyang IG Story, nag-react si Charlie sa mga nag-report ng “harassment” sa kanyang naunang IG Story.
Nangatwiran si Charlie na naglabas siya ng hinaing tungkol sa pagiging toxic ng social media.
Bahagi ng kanyang post: “I’m venting the fact that people are only breeding toxicity and perpetrating hate.
“But I’m the one that’s being the bad guy!?
“Social media is a madness mate..” [face slap emoji]
SARAH VS. PIA AND MOM
Pinagkaguluhan ng netizens ang paglalabas ng sama ng loob ni Sarah kay Pia at sa kanilang ina.
Sa pagkakaalam kasi ng publiko ay close sina Sarah at Pia.
Himutok ni Sarah, hindi raw siya sinusuportahan ng sikat na kapatid kapag ito ang may problema.
Lumalabas na dinibdib ni Sarah ang mga binitawang salita ni Pia laban sa kanya noong “NOT SOBER” ang beauty queen.
Triggered at depressed din daw siya dahil sa mga sinabi laban sa kanya ng kanilang ina.
Nabanggit ni Sarah na sa pag-aaway nilang magkapatid, binantaan niya si Pia.
Bahagi ng post ni Sarah: “I told you I was serious when I threatened you. I’m your sister but I’ll be our worst enemy, no problem.”
Ayon pa kay Sarah, sinabihan umano siya ni Pia na huwag nang lalapit sa kanya kapag ginawa ang bantang ilalabas “ang baho” ng beauty queen.
Makailang ulit binanggit ni Sarah na gusto niyang mag-sorry sa kanya si Pia, dahil sa mga binitawang salita ng former Miss Universe.
Habang isinusulat ang balitang ito, tahimik pa rin ang kampo ni Pia hinggil sa mga rebelasyon ni Sarah.
Kahapon, October 11, ay nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Pia, via direct messaging, upang hingin ang kanyang panig.
Hindi pa kami nakakatanggap ng sagot.
Nakipag-ugnayan din kami kahapon kay Rikka Infantado-Fernandez, business manager ni Pia at public relations officer ng Empire/Mercator Talent Agency, na kinabibilangan ni Pia.
Sagot ni Rikka, “family matter” umano ang isyung kinasasangkutan nina Pia, Sarah, at ng kanilang inang si Cheryl.
Muli kaming nagpadala ng mensahe kay Pia ngayong hapon ng Lunes, October 12, para hingan muli siya ng reaksiyon.
Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ng mga taong sangkot kaugnay ng isyung ito.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika