Umapela si Sarah Wurtzbach sa publiko na huwag kamuhian ang kapatid niyang si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Ginawa ni Sarah ang pakiusap isang araw pagkatapos niyang batikusin si Pia sa pamamagitan ng Instagram Stories.
Nitong Linggo, October 11, inilabas ni Sarah ang naipong galit kay Pia at sa kanilang ina na si Cheryl Alonzo Tyndall.
Ang hindi raw pagiging supportive ni Pia ang ikinagalit ni Sarah, bagamat lagi raw siyang nakaalalay kapag ang kapatid na beauty queen ang nangangailangan ng suporta.
Binatikos din ni Sarah ang netizens na nagpa-follow sa kanya para makiusyoso sa isyu ng kanilang pamilya.
SARAH APPEALS; STILL ANGRY
Base sa kumalat niyang Instagram Story ngayong Lunes, October 12, tila nahimasmasan na si Sarah mula sa kanyang galit kahapon.
Nakiusap si Sarah sa publiko na tigilan na ang pagbatikos sa kanyang nakatatandang kapatid, bagamat aminado siyang may galit pa rin sa kanyang dibdib.
“Stop hating on Pia.
"Yes I am angry and I still am, but your negative words will not fix anything.
“If anything, you’re condoning negativity and that’s what’s wrong with the world,” saad niya.
Sa mga sumunod niyang salita ay matutukoy na may pinagdadaanan si Sarah. Pero humingi siya ng paumanhin na umabot sa ganito ang galit niya sa nakatatandang kapatid at sa kanilang ina.
“I’m fighting a losing battle everyday and I’m sorry if I took it this far, but being silenced for many years takes a toll on you.”
Kahapon, sinabi ni Sarah na “triggered” at “depressed” siya sa alitan nila ng kapatid at ina.
Makahulugan ang iba pang inilahad ni Sarah noong linggo. Dinibdib daw niyang tinawag siyang “may sira na sa utak” at loka-loka” ng nanay nila.
Ginamit din ni Sarah ang salitang “abused.”
Sabi pa niya, “AND I’m never allowed to talk about it? So suffer in silence while everyone else is okay and moving forward?”
Bakas sa pinakabagong Instagram Story ni Sarah na may mabigat siyang dinadala.
Nilinaw rin niya ang mga paratang na may motibo siya sa paglalahad ng sama niya ng loob kahapon.
“I don’t want fame, or be acknowledged by others, or money, or things.
“I really just want a hug.. I feel so alone everyday.”
At ang paglalabas daw niya ng galit ay isang paraan para gumaan ang bigat ng loob.
“Id rather vent my anger however I can, any way I can so long as it can release from within.
“I wanna be able to make it to tomorrow and wake up to my kids knowing that mommy hasn’t given up and she’s staying alive for us.
“Even though it’s easier to just end it all.”
PIA AND SARAH’S MOM APPEALS TO REMAIN POSITIVE
Samantala, kaninang umaga ay nag-post sa Instagram ang ina nina Pia at Sarah tungkol sa sa pagiging positibo.
Ganito sinimulan ni Cheryl ang caption (published as is): “Let’s be positive during Pandemic.”
Ipinromote din niya sa Facebook ang kanyang bagong video, pero isiningit din niya sa caption ang mga salitang “Be positive lang! Salamat po.”
Nananatili namang tahimik si Pia tungkol sa isyu.
Ang depresyon ay seryosong usapin.
May mga organisasyong handang tumulong sa mga taong dumaraan sa ganitong kondisyon.
Katulad na lamang ng National Center for Mental Health na inilunsad ng Department of Health.
Maaari silang tawagan sa mga sumusunod na 24/7 hotline:
0917 899 8727 (USAP); at 989 8727 (USAP)
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika