Maureen Wroblewitz apologizes to BF JK Labajo for dissing his hair-cutting skills

by Jet Hitosis
Oct 13, 2020
Maureen Wroblewitz
In an Instagram post on October 2, Filipino-German model Maureen Wroblewitz expresses regret for letting her boyfriend, singer JK Labajo, cut her hair: “Why did I trust him in the first place?" In her latest post dated October 12, Maureen takes back what she said and says sorry to JK.
PHOTO/S: @mauwrob on Instagram

Binawi ni Maureen Wroblewitz ang nasabi niya kamakailan na pinagsisisihan niyang nagpagupit siya ng buhok sa boyfriend na si JK Labajo.

Para siguradong makakabawi sa 19-year-old singer-songwriter, nag-public apology pa si Maureen sa nobyo nitong Lunes, October 12.

Si Maureen ang 22-year-old Filipino-German model na kauna-unahang Pinoy Asia’s Next Top Model (2017) winner.

Panandalian din siyang naging co-host ng GMA-7 noontime show na Eat Bulaga!.

Si JK ang dating child actor at The Voice Kids Season 1 (2014) finalist na nagpasikat ng kantang “Buwan.”

“WHY DID I TRUST HIM IN THE FIRST PLACE?”

October 2 nang nag-post si Maureen sa Instagram ng sariling pictures upang ipakita ang mas maiksi niyang buhok.

Makikita sa pictures ang bob haircut ni Maureen, na dati ay hanggang balikat ang haba ng buhok.

Sa caption, tagged ni Maureen si JK na tumulong daw sa paggupit sa kanyang buhok.

Gayunman, nagpahayag ng pagsisisi si Maureen na hinayaan niyang pakialaman ng boyfriend ang kanyang hair style.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Maureen na nakakaramdam siya ng “a little bit” na pagsisisi na pinagkatiwalaan niya si JK.

Caption ni Maureen (published as is): “it‘s safe to say @karloslabajo shouldn’t have helped me cut my own hair.

“Why did I trust him in the first place? I don‘t know.

“Do I regret it? A little bit.

“Will I let him do it again? Most probably not.”

Continue reading below ↓

Pero komento ng Instagram followers ni Maureen, maganda raw at bumagay sa modelo ang bago niyang haircut.

MAUREEN APOLOGIZES TO JK

Makalipas ang mahigit isang linggo, nitong Lunes ay muling nag-post ng pictures si Maureen.

Kung sa nauna niyang post ay ramdam na dismayado siya sa pinaiksi niyang buhok, ngayon ay game na game si Maureen sa pagpo-pose para ipagmalaki ang kanyang haircut.

Sa caption, muling tinag ni Maureen si JK.

Iyon ay kahit ilang buwan nang hindi aktibo sa Instagram si JK matapos magpasya ang singer na magsagawa muna ng social media detoxification.

Sa post niyang ito, nag-sorry si Maureen “for indirectly saying” na hindi maayos ang pagkakagupit ni JK sa kanyang buhok.

Kambyo pa ni Maureen, ang bago niyang haircut “wasn’t that bad” para sa isang first-time hair stylist na tulad ni JK.

Saad sa post ni Maureen: “i would like to apologize to @karloslabajo for indirectly saying that he was bad at cutting hair!

Continue reading below ↓

“For a first timer he wasn’t that bad after all [woman shrugging emoji].”

MAUREEN AND JK

Mahigit isang taon nang magkarelasyon sina Maureen at JK.

Bagamat April 2019 pa unang lumutang ang mga suspetsang may espesyal silang pagtatangi sa isa’t isa, March 2020 lang inamin nina Maureen at JK na mayroon silang romantic relationship.

Continue reading below ↓

May mga pagkakataon ding magkasama ang magkasintahan sa panahon ng quarantine, base sa TikTok videos na ina-upload ni Maureen.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In an Instagram post on October 2, Filipino-German model Maureen Wroblewitz expresses regret for letting her boyfriend, singer JK Labajo, cut her hair: “Why did I trust him in the first place?" In her latest post dated October 12, Maureen takes back what she said and says sorry to JK.
PHOTO/S: @mauwrob on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results