Daniel Padilla asked about relationship with his Tita BB Gandanghari

by Bernie V. Franco
Oct 15, 2020
Daniel Padilla (left) on aunt BB Gandanghari (right): “Matagal na kaming hindi nag-uusap ni Tita BB, e. Pero tuwing nagkikita naman kami, parang lagi kaming magkasama." Dagdag nito, "And Tita BB is really a beautiful person."
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN News, BB. Gandanghari

Tiniyak ni Daniel Padilla na mabuti ang relasyon nila ng kanyang tiyahing si BB Gandanghari.

Gayunpaman, aminado ang Kapamilya A-lister na matagal nang panahon ang nakalilipas mula nang huli silang mag-usap.

Si BB ang dating matinee idol na si Rustom Padilla, kapatid ng action star na si Robin Padilla at ng ama ni Daniel na si Rommel Padilla.

Kasalukuyang nakabase si BB sa U.S.

Natanong si Daniel tungkol sa relasyon niya kay BB sa virtual presscon ng digital movie nila ni Kathryn Bernardo, ang The House Arrest of Us, nitong Miyerkules, October 14.

“Matagal na kaming hindi nag-uusap ni Tita BB, e," sabi ng aktor. "Pero tuwing nagkikita naman kami, parang lagi kaming magkasama."

Sa pahayag ni Daniel, malinaw na gusto niyang iparating na close-knit ang Padilla clan.

“Ganoon naman lagi ang relasyon ko sa kanila, lalong-lalo na sa Padilla side, di ba?

"Hindi naman ako lagi nag-[aalala], dahil alam kong pamilya ko iyon, kadugo ko yung mga Padilla, hindi ba?

Continue reading below ↓

“So, every time magkikita, parang magkasama kami all the time. Walang pinagbabago."

Pahabol pa niya, “And Tita BB is really a beautiful person.”

BB’S RIFT WITH HER FAMILY

Hindi naman itinatago ni BB sa publiko na meron siyang sama ng loob sa pamilya.

Nang simulan ni BB ang kanyang YouTube channel, isa sa mga unang tinalakay niya ay ang kanyang hinanakit sa pamilya, partikular sa kapatid na si Robin.

Himutok ni BB, ni hindi siya kinukumusta ng kanyang pamilya kahit nasa malayo siyang lugar.

Hindi rin daw niya maramdaman mula sa pamilya ang pagmamahal at pag-aalala sa kanya, lalo na nitong panahon ng pandemya.

Samantala, taliwas sa tinuran ni Daniel, hindi itinago ni BB na may tampo siya sa kanyang sikat na pamangkin.

Inilahad ito ni BB sa interview sa kanya ni Gorgy Rula sa DZRH radio station noong September 16, 2020.

Inamin ni BB na nagtatampo siya kay Daniel dahil hindi man lang daw siya nagawang tawagan ng pamangkin nang minsang pumunta ang Kapamilya star sa Amerika.

Continue reading below ↓

Paliwanag ni BB sa DZRH interview, “Isa yun sa mga ibinuhos ko sa vlog ko, kasi my vlog is very personal. Nagkataon na Padilla siya, so madadamay din ang pangalan niya.

“Bilang pamangkin, at magsasalita ako bilang tita, parang, I think I deserve more respect, kasi nauna kami.

“So, kung kaya mo akong deadmahin at pumunta kayo rito sa Amerika na hindi naman kayo magpaparamdam...

"E, hindi naman ako para pumila at magsabing nandito ako, e. Nauna kami. Yun lang ang akin.”

Bukod kay Robin, pinuna rin ni BB si Mariel Rodriguez, asawa ni Robin.

Sa isang nakaraang vlog, sinabi ni BB na ni hindi raw sinasagot ni Mariel ang mga tawag niya noong nasa U.S. ang TV host.

Lumipad papuntang U.S. si Mariel noong 2019 para isilang ang pangalawang anak nila ni Robin.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Padilla (left) on aunt BB Gandanghari (right): “Matagal na kaming hindi nag-uusap ni Tita BB, e. Pero tuwing nagkikita naman kami, parang lagi kaming magkasama." Dagdag nito, "And Tita BB is really a beautiful person."
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN News, BB. Gandanghari
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results