Vic Sotto on bashers of daughter Tali: “Pinagpapasa-Diyos ko na lang yun.”

by Arniel C. Serato
Oct 15, 2020
Vic Sotto addresses bashers of daughter Tali Sotto: "I try to understand these people dahil malay natin, baka may pinagdadaanan o may problema lang sa buhay, mainit ang ulo niya at the time."
PHOTO/S: Instagram

Hindi apektado si Vic Sotto sa bashers ng anak nila ni Pauleen Luna na si Tali Sotto.

Katunayan, hindi raw ito pinapansin ng Eat Bulaga! host.

Sa panayam ni Jessica Soho sa Kapuso Mo Jessica Soho noong Linggo, October 11, inusisa ang 66-year-old TV host-comedian tungkol sa mean comments ng ilang netizens laban sa dalawang taong gulang na anak.

Continue reading below ↓

Napag-usapan na ba nila ito ni Pauleen?

Mahinahong sagot ni Vic, “Ang sa akin naman, ang importante naman, higit na nakararami yung napapasaya ni Tali.

“Yung mga napapa-smile niya sa araw-araw, sa tuwing magpu-post ang kanyang nanay.”

Pagdating naman sa bashers, iniintindi na lamang daw ni Vic ang mga ito.

“'Tapos yung mga ilan na hindi natutuwa, ako, hindi ko na lang pinapansin yun.

“Pinagpapasa-Diyos ko na lang yun.

“I try to understand these people dahil malay natin, baka may pinagdadaanan o may problema lang sa buhay, mainit ang ulo niya at the time.

“Iniintindi ko na lang yun.

“Mas importante, mas nakararami yung good comments.”

Continue reading below ↓

Nakiusap naman si Vic sa netizens na maging responsable sa paggamit ng social media.

Aniya, “One of the risks, one disadvantage, lalo na sa social media ngayon, mayroon din talaga tayong mga kababayan ngayon na iresponsable sa paggamit ng social media.

“Hindi naman natin mako-correct ang mga ugali nila. Bahala na sila.

“Kanya-kanya namang opinyon 'yan. Nasa demokrasya tayo.

"Pero let's be responsible sa ating mga posts, sa ating mga comments.”

WIFE PAULEEN CONFRONTS BASHERS

Kung deadma si Vic sa mga haters, ang asawa niyang si Pauleen ay direktang kinukompronta ang bashers ng anak.

Katunayan, nitong Agosto lamang, nagbanta ang 31-year-old TV host-actress na magsasampa ng kaso laban sa netizen na winawalanghiya si Tali sa mga komento nito.

Banta pa ni Pauleen sa basher: “We can take this up in court if you like. Or you can post a public apology to the innocent child you’ve been shaming.”

Noong February 2018, pinagsabihan din ni Pauleen ang basher na nagkumpara kay Tali sa kasamahan sa Eat Bulaga! na si Ryzza Mae Dizon.

Continue reading below ↓

Sabi niya, “If other people think that Tali looks like Ryzza, no problem. But for me, she’s a combination of her mom and her dad.

“Pero para mag-comment ng kung ano ano lang, para lang may masabi, at halatang may malisya yung comment, eh hindi naman pwede yun.

“Pati ako nadadamay na, ang daming imbento tungkol sakin. Hay oh well! May mga tao talagang madaming hanash!”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vic Sotto addresses bashers of daughter Tali Sotto: "I try to understand these people dahil malay natin, baka may pinagdadaanan o may problema lang sa buhay, mainit ang ulo niya at the time."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results