Sarah Wurtzbach says she and sister Pia "have fixed things privately"

by Bernie V. Franco
Oct 15, 2020
Sarah Wurtzbach (left in both photos) on rants against sister Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach and their mother: “Many families fight. I admit I may have done this in the wrong way, but the media has misconstrued my rant and connected the dots in the wrong way.” Sarah adds that it is their mother she is really angry with.
PHOTO/S: @piawurtzbach on Instagram

Nagkaayos na si Sarah Wurtzbach at ang kanyang kapatid na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Kinumpirma ito mismo ni Sarah sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, nitong Miyerkules ng gabi, October 14.

“Me and Pia have fixed things privately. I don’t wish to comment any further about that,” pahayag ni Sarah tungkol sa pag-aayos nila ni Pia.

Nitong linggo ay pinag-usapan nang husto sa social media ang sunud-sunod na Instagram Story ni Sarah tungkol sa ate niyang si Pia, pati na sa kanilang inang si Cheryl Alonzo Tyndall.

Base sa posts, lumalabas na may hinanakit si Sarah kay Pia. Hindi raw nakukuha ni Sarah ang suportang inaasahan niya mula sa nakatatandang kapatid, di gaya ng ibinibigay nitong suporta kapag ang sikat na kapatid ang nangangailangan.

Pero kinabukasan, October 12, tila nahimasmasan na si Sarah.

Nakiusap ito sa publiko na huwag kamuhian si Pia.

Continue reading below ↓

Nilinaw niya sa PEP.ph na hindi siya galit kay Pia, galit siya sa kanilang ina.

Inamin din niyang mali ang kanyang naging paraan ng paghahayag ng sama ng loob, ngunit mali rin daw ang ginawang pagkokonekta ng media tungkol dito.

Sabi niya, “Many families fight. I admit I may have done this in the wrong way, but the media has misconstrued my rant and connected the dots in the wrong way.”

At saka tinukoy ni Sarah na ang tunay na dahilan ng kanyang “pain” ay ang kanilang ina.

Lumalabas na nadamay lang si Pia sa galit ni Sarah. Gayunpaman, tumanggi nang mag-elaborate si Sarah.

Mensahe niya, “As for how I attacked Pia due to this, I can’t comment on that. Not my story to tell.”

Samantala, hanggang ngayon ay nananatiling tahimik si Pia kaugnay ng isyung kinasasangkutan ng kanyang pamilya.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Wurtzbach (left in both photos) on rants against sister Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach and their mother: “Many families fight. I admit I may have done this in the wrong way, but the media has misconstrued my rant and connected the dots in the wrong way.” Sarah adds that it is their mother she is really angry with.
PHOTO/S: @piawurtzbach on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results