Korina Sanchez reveals husband Mar Roxas has retired from politics: "Ayaw na niyang bumalik."

by Arniel C. Serato
Oct 16, 2020
Korina Sanchez on husband Mar Roxas: "Wala rin sa pulitika si Mar. Ang sabi niya sa akin, ayaw na niyang bumalik..."
PHOTO/S: Ocs Alvarez

Retirado na sa pulitika si Mar Roxas ayon sa misis nitong si Korina Sanchez.

Nabanggit ito ni Korina sa panayam sa kanya ng programang ‘Wag Po ng One PH news channel nitong nakaraang Miyerkules, October 14.

Ang mga hosts ng programa ay sina Ed Lingao, Patrick Paez, Lourd de Veyra, Melvyn Calderon, Jove Francisco, at Manuel Mogato.

Nabanggit ang paglayo ni Mar sa pulitika nang usisain si Korina kung paano niya nabalanse ang buhay bilang journalist na may asawang pulitiko.

Si Korina ay ikinasal kay Mar sa Sto. Domingo Church sa Manila noong October 27, 2009.

Kung si Korina ay established broadcaster ng ABS-CBN, si Mar ay batikan din sa mundo ng pulitika.

Naging kongresista si Mar sa First District ng Capiz mula 1993 hanggang 2000; saka naging senador mula 2004 hanggang 2010.

Nanunungkalan din si Mar bilang chief ng Department of Transportation (2011-2012) at Department of the Interior and Local Government (2012-2015).

Continue reading below ↓

Sa puntong ito, ipinaliwanag ni Korina na malaking bagay na napatunayan niya ang sariling kakayahan bilang journalist.

Lahad ng 56-year-old veteran broadcaster: “Well, I think I had a great fortune of working for our bosses in ABS-CBN who recognized the fact that I was and am a journalist.

“I was a journalist long, long before I fell in love with a politician.

“And I guess, in this country, credibility as you yourselves will see today...

"Credibility is in the eye of the beholder. Meaning, credibility cannot be defined in a box.

“So that even then as it is today, the audience was accepting of a Korina even if I had a Mar.”

ABS-CBN'S STRICT GUIDELINES

Siniguro rin daw ng ABS-CBN News and Current Affairs na ingatang hindi siya gagawa ng istorya tungkol sa asawa para maiwasan ang conflict of interest.

Aniya, “But I tried, in the organization, talagang sinubukan talaga… so that even in the eyes of the audience, I would never do a story that had anything to do with my husband.

Continue reading below ↓

“It’s very tricky. As you yourself probably have seen, I’ve been to the principal’s office more than too many times in my lifetime.

“Oo, napapagalitan din ako nun, hindi naman parati pero konting mali mo lang, they will get you to task.

“I got suspended a few times because they say I cross the line etcetera, which I accepted.”

Kaya daw, sa kanyang personal na opinyon, mas maigi na daw na ang mga nagbabalita o newscasters ay hindi gumagawa ng political commentary shows.

Dagdag niya, “So that’s why I really think, first of all commentators, for me ha, ito’y para sa akin lang, editorial commentators on radio should not be doing hard news, that’s what I think.

“I think there’s too many accidents, too many miscommunication, image confusion, if an anchor of a TV news program is also very opinionated and is in radio doing political commentary.

“I really think there should be a defining line pero kasi napunta ako dun sa panahon na wala, all those lines were blurred.”

Continue reading below ↓

ON MAR turning his back on POLITICS

Dito na nabanggit ni Korina na nagsabi na daw si Mar na tinalikuran na nito ang pulitika.

Tatlong national elections na ang tinakbuhan ni Mar kung saan siya natalo.

Una noong 2010 bilang vice president kung saan tinalo siya noon ni Makati City Mayor Jejormar Binay.

Noong 2016 naman, tumakbo si Mar sa pagka-presidente ngunit tinalo naman siya ni Davao City Mayor at nanunungkulan ngayong Pangulo na si Rodrigo Duterte.

Nitong nakaraang 2019 election, tumakbo muling senador si Mar ngunit hindi siya pinalad na manalo.

Sabi ni Korina, “So in hindsight, now that I’m away from all of that... And Mar, wala rin sa pulitika si Mar.

“Ang sabi niya sa akin, ayaw na niyang bumalik, parang mas malinaw na sa akin yun, yung mga delineation na ganyan."

Ang pagtalikod ni Mar sa pulitika ang isa rin daw dahilan kung bakit hindi nagmamadali si Korina na magkaroon ng programang hard news.

Continue reading below ↓

“And that’s why I also think that maybe hard news can wait for a while before I can go back to it.

“So there. So to answer your question, oo, oo, mahirap talaga.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez on husband Mar Roxas: "Wala rin sa pulitika si Mar. Ang sabi niya sa akin, ayaw na niyang bumalik..."
PHOTO/S: Ocs Alvarez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results