Fans defend Liza Soberano against DDS vlogger's red-tagging

Oct 17, 2020
Liza Soberano
Liza Soberano is yet to issue a statement on a DDS vlogger's allegation that the star joined the communist New People's Army after Liza spoke at a Gabriela Youth's webinar on Tuesday, October 13, 2020, about the need to look after the welfare of women and children.
PHOTO/S: @lizasoberano on Instagram

Nagkaisa ang fans ni Liza Soberano sa pagtatanggol sa kanya laban sa akusasyong sumapi siya sa komunistang New People’s Army.

Ang akusasyon ay ginawa sa live stream ng vlogger na si Maui Becker/Maui Vega nitong Miyerkules, October 14, 2020.

Ang pinanggagalingan ni Maui ay ang pagsali ni Liza sa webinar ng Gabriela Youth, na bahagi ng women’s rights group na Gabriela, nitong Martes, October 13.

LIZA DELIVERS MOVING SPEECH FOR WOMEN, CHILDREN

Sa webinar ng Gabriela Youth, nag-speech si Liza tungkol sa sari-saring social issues na nakakaapekto sa mga babae at sa mga bata.

Sa kalagitnaan nito, napaiyak ang young actress habang inaalala ang mga babaeng personal niyang kilala na naging biktima ng pang-aabuso pero mas piniling magsawalang-kibo.

Emosyunal na pahayag ni Liza, "I know a lot of women in my life who have struggled with this.

"And I find it so unfair that we women have to go out every day in fear of being catcalled, in fear of dressing a certain way, and getting called out for the way we're dressed.

Continue reading below ↓

"And I fear that my nieces and my future children won't be able to go out into a safe environment."

Nabanggit din ni Liza na dati-rati ay takot siyang maghayag ng opinyon tungkol sa mga isyung panlipunan.

Pero napagtanto raw niyang mahalaga ang manindigan nang siya mismo ay masabihan ng "sarap ipa-rape" ng isang babaeng netizen.

Dahil dito, hinikayat ni Liza ang mga kilalang personalidad na manindigan at suportahan ang mga kababaihan at kabataang nabibiktima ng pang-aabuso at karahasan.

VLOGGER TAGS LIZA As COMMUNIST, TERRORIST

Nitong October 14, ang speech na ito ni Liza ang paksa ng live stream ng vlogger na si Maui.

May mahigit 9,000 subscribers ang vlogger, na ang tawag sa sarili ay “DDS Princess.”

Ang ibig sabihin ng DDS ay Diehard Duterte Supporters o mga masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ugali ng DDS na mangkuyog ng sinumang hindi botong-boto sa Pangulo. Dahil nagsalita si Liza tungkol sa pang-aabuso, na isang kahindik-hindik na krimen, siya ay naging target.

Sa mundo ng DDS, hindi inuungkat ang mga krimeng nagaganap sa kapaligiran dahil tinitignan nilang kritisismo ito sa gobyerno ni Duterte, na malakas ang claims na may peace and order sa bansa.

Ito ang dahilan ng pag-red tag ng DDS vlogger kay Liza.

Mapanganib naman ang reg-tagging dahil kapag tinawag na "red" ang isang tao, ito ay hinahanay sa outlawed Communist Party of the Philippines (CPP). Maaari kang maaresto, makulong, masaktan, kundi man mapatay.

Continue reading below ↓

Mababasa sa titulo ng live stream video ng DDS vlogger ang: “LIZA SOBERANO, MIYEMBRO NA NG NEW PEOPLE’S ARMY?”

Sa teaser photo ng video, edited ang litrato ni Liza, at sa kanyang noo'y may maso't karet na simbulo ng CPP.

Ang CPP ay isang 51-year-old revolutionary organization sa Pilipinas. Ang NPA ang armed unit ng CPP.

Sa teaser photo pa rin, napapagitnaan ng dalawang mas maliliit na litrato ang mukha ni Liza.

Mga armadong miyembro ng NPA ang nasa kanan at mga dayuhang bihag ng teroristang Abu Sayyaf Group sa kaliwa.

Continue reading below ↓

Ang Abu Sayyaf ay ang kilabot na terrorist group sa Mindanao.

Magkaibang puwersa, at walang direktang kaugnayan ang Abu Sayyaf at NPA.

Ngunit ang Abu Sayyaf at NPA ay parehong nasa listahan ng Foreign Terrorists Organizations ng gobyerno ng Amerika.

“WALA KANG KAALAM-ALAM, LIZA, MANAHIMIK KA”

Sa live stream video, ilang beses sinabi ng DDS vlogger na sumali na sa grupong Gabriela si Liza.

Diretsahang pinaratangan ng vlogger ang Gabriela na isang “kilalang front ng NPA.”

Ang umano'y pagsapi ng young actress sa Gabriela ang dahilan ng pag-uugnay ng DDS vlogger kay Liza sa NPA.

Bungad ng vlogger: "Si Liza Soberano raw ay sumali sa Gabriela Youth, isang kilalang front ng NPA... Ano ang nagbuyo sa iyo na makiisa sa grupo na iyan?"

Ipinalabas din ng Diehard Duterte Supporter sa kanyang live stream vlog ang clip ng speech ni Liza.

Ginaya-gaya pa nito ang pag-iyak ni Liza habang nagpapaliwanag ang aktres kung bakit natatakot ito noong magsalita noon tungkol sa social at political issues.

Continue reading below ↓

Sabi ni Liza sa ipinakitang video clip: “I was afraid that people would judge me. They would say what do I know, I’m just a girl, I’m just an actress.”

Sa puntong ito, nagkomento ang DDS vlogger na dapat ngang atupagin na lang ni Liza ang pag-aartista.

Mensahe kay Liza ng DDS vlogger: “Yes, tama. Gano'n. Intindihin mo na lang ang trabaho mo.

“Pero sige, kalayaan mo iyan. Pero make sure lang na knowledgeable ka sa mga bagay-bagay.

“E, ngayon, mukhang wala kang alam na yung Gabriela ay salot sa lipunan. Miyembro ng mga terorista at komunista, rebelde, NPA, front ng NPA. At wala kang kaide-ideya.

“E, kung ganyan na wala kang kaalam-alam, Liza, e, manahimik ka.”

Continue reading below ↓

FANS CONDEMN RED-TAGGING OF LIZA

Matagal nang iniuugnay ng gobyerno ang mga militanteng grupo—katulad ng Gabriela—sa CPP-NPA.

Ang tawag dito ay red-tagging, o ang awtomatikong pag-identify sa mga indibidwal o grupong bumabatikos sa pamahalaan bilang tagasuporta ng CPP-NPA.

Kasunod nito, dumagsa ang fans ni Liza sa comments section ng YouTube channel ng vlogger.

Anila, malinaw na “red-tagging” ang ginagawa ng vlogger kay Liza at sa Gabriela.

Gawaing kriminal ang red-tagging, anila, dahil maaari itong ikapahamak ng tao at grupong ni-red tag.

Nanawagan silang i-mass report ang channel ni Maui.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Maraming YouTube users ang humiling na kasuhan ng kampo ni Liza ang vlogger.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

#DEFENDLIZASOBERANO TRENDS

Ang panawagan ay dinala rin ng netizens sa Twitter, kung saan nag-trend ang #DefendLizaSoberano noong Huwebes, October 15.

Nanawagan ang netizens kay Liza at kay Ogie Diaz, manager ng aktres, na panagutin ang vlogger sa pagkaka-ugnay nito sa aktres sa isang armed rebel group na gaya ng NPA.

Si Liza ay isang box-office star sa big screen at laging nagdadala ng mataas na ratings sa TV. Sa mga batang artista, kahanay niya si Kathyrn Bernardo.

Sa mundo ng advertising, na totoong source ng pinakamalaking kita ng isang artista, si Liza ang kinikilalang top female celebrity endorser sa kasalukuyan.

Kung sakali, hindi ito ang unang pagkakataong kakasuhan ni Liza ang isang naninira sa kanya sa social media.

Nito lang September 24, nagsampa si Liza ng patung-patong na reklamo sa Quezon City Prosecutor’s Office laban sa babaeng netizen na nagbitaw ng “sarap ipa-rape” comment tungkol sa aktres.

Samantala, nag-tweet ng pasasalamat ang manager ni Liza sa lahat ng dumedepensa sa Kapamilya star.

Continue reading below ↓

Tweet ni Ogie Diaz nitong Huwebes: “Maraming salamat sa lahat ng pumupuri sa pagpoprotekta ni Liza Soberano sa mga kababaihan at kabataan.

“Ganon talaga ang may tunay na malasakit sa kapwa.”

Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng opisyal na pahayag ang kampo ni Liza tungkol sa insidente, pero wala pa silang tugon at press time.

Continue reading below ↓

Kasalukuyang nasa Amerika si Liza upang alagaan ang maternal grandmother niyang may sakit.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Liza Soberano is yet to issue a statement on a DDS vlogger's allegation that the star joined the communist New People's Army after Liza spoke at a Gabriela Youth's webinar on Tuesday, October 13, 2020, about the need to look after the welfare of women and children.
PHOTO/S: @lizasoberano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results