Kathryn Bernardo decides to stay with ABS-CBN to show loyalty and gratitude

by Bernie V. Franco
Oct 16, 2020
Like her boyfriend Daniel Padilla, Kathryn Bernardo chooses to stick it out with ABS-CBN and help the network get back on its feet. She says, "Eto yung way ko para pasalamatan yung network."
PHOTO/S: @bernardokath on Instagram

Loyalty.

Ito raw ang main reason ni Kathryn Bernardo kung bakit pinili niyang huwag iwan ang ABS-CBN matapos itong mawala sa free-to-air TV.

Pitumpung miyembro ng House of Representatives ang bumoto ng “Yes” noong July 10, 2020 para hindi makakuha ng panibagong 25-year franchise ang Kapamilya network.

Dahil dito, libu-libong mga empleyado sa ABS-CBN ang nawalan ng trabaho.

Maraming artista—ang ilan ay A-listers, gaya nina Piolo Pascual, Miss Universe 2018 Catriona Gray, at Maja Salvador—ang tumawid sa ibang TV network, para makagawa ng projects.

Pero sina Kathryn at Daniel, mas piniling damayan ang kanilang home network sa gitna ng pagsubok.

Nang mangyari ang pagsasara ng ABS-CBN Channel 2, ang bungad daw nina Daniel at Kathryn sa kanilang bosses ay, “What can we do to help?”

Desidido raw ang magkasintahan na samahan ang kanilang home network hanggang sa makabangon uli ito.

Ito ang tiniyak ni Daniel sa artikulong lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 7.

Continue reading below ↓

KATHRYN SAYS IT IS HER WAY of showing GRATITUDE

Gaya ng kanyang boyfriend na si Daniel, plano ni Kathryn na samahan ang ABS-CBN hanggang makabawi ito mula sa pagkakadapa.

Noong October 14, Miyerkules, tinanong ni ABS-CBN entertainment reporter MJ Felipe si Kathryn kung bakit nagdesisyon itong manatili sa ABS-CBN.

Humarap sina Kathryn at Daniel sa entertainment press sa digital presscon ng kanilang upcoming digital movie series na The House Arrest of Us.

Sabi ni Kathryn, ito raw ang alam niyang paraan para ipakita ang kanyang katapatan at pasasalamat sa istasyong nagpasikat sa kanya.

“Aside from ABS-CBN being our mother network, sobrang malaking bagay kasi sa akin ang loyalty,” sagot ng aktres.

“And eto yung way ko para pasalamatan yung network na kung anong meron ako ngayon, lahat ng blessings na nare-receive namin ni DJ."

DJ ang palayaw ni Daniel.

Dito na sinabi ni Kathryn na, gaya ni Daniel, hindi niya iiwan ang kanyang home network.

Continue reading below ↓

“So, eto yung panahon na pinaka-kailangan niya kami. So, hanggat kaya, magsi-stay kami, makikipaglaban, hanggang makabangon ang ABS-CBN.”

Pagtukoy pa ni Kathryn sa latest project nila ni Daniel, “Ngayon na meron kaming chance para mapasaya ang mga tao, mabigyan ng trabaho itong mga crew, bakit ka magno-no sa ganitong opportunity, di ba?

“Andito kami, patuloy na naniniwala na babangon ang ABS-CBN, and we’re praying for that.”

Unti-unti namang nagkakaroon ng pag-asa ang mga Kapamilya, matapos makabalik sa free-to-air TV ang maraming programa ng ABS-CBN nang maging blocktimer ito sa A2Z Channel 11.

A FEEL-GOOD MOVIE PROJECT

Sabi ni Kathryn, malaki ang pasasalamat nila ni Daniel sa kanilang latest project para patuloy na makapagpasaya, lalo na sa panahong ito.

Si Daniel sinabing laking tuwa niyang manatili sa ABS-CBN at gawin ang kanilang latest acting project.

“Kung hindi namin tinuloy ito, hindi namin makikilala ang mga bago naming kaibigan. Ngayon, isang buong cast ang pamilya namin,” sabi ng aktor.

Continue reading below ↓

Nagustuhan din daw nila na pampamilya at feel-good movie project ang pagbibidahan nila ni Daniel, dagdag ni Kathryn.

“Nung pinitch pa lang, nag-yes agad kami. Kasi ito talaga yung matagal na naming gustong gawin.

“Parang yun yung kailangan nating mapanuod ngayon, and yun yung binigay sa amin. Walang dahilan to say no kasi ito rin ang kailangan ng mga tao ngayon, e.

“Parang pampasaya. Para maaliw lang sila. Napakalapit nitong proyekto na ito sa amin, especially during this time.”

Tampok din sa The House Arrest of Us, na isang romantic comedy movie, sina Gardo Verzosa, Ruffa Gutierrez, Dennis Padilla, Herbert Bautista, Arlene Muhlach, at marami pang iba.

Magsisimula itong umere sa iWantTFC at KTX.ph sa October 24.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Like her boyfriend Daniel Padilla, Kathryn Bernardo chooses to stick it out with ABS-CBN and help the network get back on its feet. She says, "Eto yung way ko para pasalamatan yung network."
PHOTO/S: @bernardokath on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results