Korina Sanchez not interested in doing hard news for now

by Arniel C. Serato
Oct 16, 2020
Korina Sanchez on refraining from getting back as a news anchor and commentator: "Dahil, siyempre, kahit na sabihin mong wala kang bias, you know, objective ka... May magkukuwestiyon at magkukuwestiyon sa 'yo, e."
PHOTO/S: Courtesy: News5 / Brightlight Productions on Facebook

Wala daw muna sa plano ni Korina Sanchez na bumalik sa paggagawa ng hard news na programa.

Nakilala bilang hard news anchor and commentator si Korina noong nasa Kapamilya network pa siya.

Ang mga hard news na naging palabas ni Korina noon sa ABS-CBN ay ang Hoy Gising! (1992-1997), Bandila (2006-2009), The World Tonight (weekend, 1987-1995), at TV Patrol (1995-1996, 2001-2004, 2010-2015).

Umalis siya sa TV Patrol noong 2015 dahil sa pagtakbo ng kanyang asawang si Mar Roxas sa pagka-presidente para sa 2016 elections.

Natalo ito ng noo'y Davao City Mayor at nanunungkulan ngayong Pangulo na si Rodrigo Duterte.

Mula noon ay hindi nagbalik sa pagiging news anchor si Korina. Nag-focus siya sa Rated K, ang news magazine ng ABS-CBN na umere mula 2004 hanggang nitong taon.

Ngayong lumipat na sa TV5 si Korina, siya ang host ng Rated Korina, isa ring news magazine show na eere sa October 24.

Continue reading below ↓

Sa panayam sa kanya ng programang 'Wag Po ng One PH noong nakaraang Miyerkules, October 14, naitanong sa 56-year-old veteran broadcaster kung may balak pa ba siyang bumalik sa paggawa ng hard news.

Ang mga hosts ng programa ay sina Ed Lingao, Patrick Paez, Lourd de Veyra, Melvyn Calderon, Jove Francisco, at Manuel Mogato.

Ayon kay Korina, wala pa sa isip niya ito sa ngayon.

Hindi rin daw maganda ang timing kung maging hard news anchor at commentator siya dahil nakalaban ni Mar si President Duterte noong 2016 elections.

Paliwanag ni Korina ukol dito, "May mga nagtatanong talaga sa akin niyan 'no, like, 'Okay you're going to TV5, why don’t you do the news, etcetera?'

"And ako mismo naman ang nagsabi na, 'Well, you know, it’s not a secret na yung asawa ko ay nakalaban ng kasalukuyang presidente. And parang hindi tama sigurong panahon na bumalik ako sa hard news.'

Continue reading below ↓

"Siguro pagkatapos na lang siguro ng kasalukuyang administrasyon.

"Dahil, siyempre, kahit na sabihin mong wala kang bias, you know, objective ka... May magkukuwestiyon at magkukuwestiyon sa 'yo, e."

Kahit daw sa kanyang mga posts sa social media, iniiwasan niyang magkomento ukol sa pulitika.

Aniya, "Kaya kahit sa social media hindi ako nagkokomento. Wala akong mga political editorials, I stay away from it.

"The one time I complained about traffic, dyusko, talaga namang grabe! May tsunami.

"You know, regardless whether they are reasonable or not, you know the perception of a conflict of interest is very real so I think it’s better that I don’t for now."

Hindi rin naman daw nagmamadali si Korina dahil mas matutukan niya ang Rated Korina.

"But you can never take that away from you kung dun ka na talaga, di ba? Kung yun na talaga ang pagkatao mo.

"Mababalikan at mababalikan pa rin natin ‘yan sa tamang panahon.

Continue reading below ↓

"For now, I’m really enjoying not having enemies.

"I’m really enjoying just doing light things, human interest stories, helping people regardless of political inclinations. So tahimik muna ang buhay ko ngayon.

"Hanggang kailan? Hindi natin masasabi."

THIN LINE BETWEEN DELIVERING HARD NEWS & COMMENTARY

Sabi naman ng isa sa mga hosts na si Melvyn, mukhang ayaw daw ng kritisismo ng kasalukuyang administrasyon.

Ano ang masasabi niya dito?

Tugon ni Korina, "Pero in fairness, kahit naman nung panahon na nasa kapangyarihan yung asawa ko, at kapag meron akong masamang naibalita tungkol sa hindi nagagawa ng administrasyon…

"No administration is perfect. So there’s always some kind of criticism or exposé or of bad press.

"And I remember, whenever I come up with something that was not complimentary to the administration, makakarinig din naman ako sa kanila."

Sa madaling salita, naniniwala si Korina sa press freedom.

Pero dahil nga wala siyang programa na hard news, tahimik daw ang buhay niya ngayon.

Continue reading below ↓

Nakangiting sabi ni Korina, "Kaya nga, e, sabi ko nga sa 'yo, tahimik ang buhay ko ngayon.

"Gusto kong mabuhay nang matagal para sa mga anak ko, maliliit pa sila. Hahaha!"

May dalawang anak na sina Korina at Mar Roxas, ang kambal na sina Pepe at Pilar.

Dahil sa pagkawala sa ABS-CBN sa free TV, napilitan ang mga talents at empleyado nitong maghanap ng bagong trabaho, isa na nga sa kanila si Korina.

Mapapanood na ang kanyang show na Rated Korina sa TV5 simula sa October 24, Sabado ng 4 p.m.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez on refraining from getting back as a news anchor and commentator: "Dahil, siyempre, kahit na sabihin mong wala kang bias, you know, objective ka... May magkukuwestiyon at magkukuwestiyon sa 'yo, e."
PHOTO/S: Courtesy: News5 / Brightlight Productions on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results