Heart Evangelista reacts to ex-BF Daniel Matsunaga’s birthday greeting for Chiz Escudero

Oct 16, 2020
Daniel Matsunaga (left) sends a birthday greeting to Sorsogon Governor Chiz Escudero (in polo shirt). This is seen by fans as a sign that Daniel remains on good terms with ex-girlfriend Heart Evangelista and her husband Chiz.
PHOTO/S: @dandanmatsunaga, @iamhearte on Instagram

Sa pamamagitan ni Heart Evangelista, nagpaabot si Daniel Matsunaga ng birthday greeting para kay Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero.

Si Daniel ay ang Brazilian-Japanese actor-model na napapanood sa ilang Kapamilya shows.

Ex-girlfriend ni Daniel si Heart, ang actress-fashion icon na isa namang Kapuso star.

Si Heart ay 35 years old, habang si Daniel ay 31.

Mister ni Heart si Chiz, na nagdiwang ng kanyang 51st birthday nitong October 10.

Sa isang Instagram post nitong Miyerkules, October 14, ibinahagi ni Heart ang litrato nila ng asawa habang kaharap ang sari-saring birthday cakes para sa gobernador.

Tinag ni Heart si Chiz sa kanyang caption: “Life’s a lot better with you. [heart emoji]”

Continue reading below ↓

Maraming Instagram followers ni Heart ang bumati kay Chiz sa comments section.

Isa sa kanila si Daniel, na nakadirekta kay Chiz ang pagbating tinuldukan ng dalawang praying hands emojis.

Comment ni Daniel: “happy birthday po!”

Sinagot ni Heart si Daniel sa lengguwaheng Portuguese: “kkkkk obrigado makako!”

Sa English, ang translation ng sinabi ni Heart ay “thank you very much.”

Continue reading below ↓

Hindi nag-reply si Chiz sa birthday greetings ni Daniel at ng iba pang Instagram followers ni Heart.

Hindi talaga aktibo sa social media ang dating senador.

HEART AND DANIEL'S PAST RELATIONSHIP

September 2010 nang magkarelasyon sina Heart at Daniel.

Katatapos lang umere noon ng GMA-7 primetime series nilang Langit sa Piling Mo. Bida roon si Heart, katambal si Mark Herras.

Sa TV interviews kay Heart noong panahong iyon, madalas niyang ikuwento na marami siyang natututuhang bagong foreign words mula kay Daniel, partikular na ang Portuguese.

Tumagal ng isa at kalahating taon ang relasyon ng dalawa, hanggang sa nagkahiwalay sila noong April 2012.

Bagamat may suspetsa noon na tutol daw ang pamilya ni Heart kay Daniel, iginiit ni Heart na ang maraming pagkakaiba nila ng actor-model ang dahilan ng breakup.

Kinalaunan ay nanatiling magkaibigan ang ex-couple, at kung minsan ay nagkakapalitan pa rin ng mensahe sa Instagram.

HEART AND CHIZ

Taong 2012 naging boyfriend ni Heart si Chiz, matapos itong ireto sa aktres ni Senator Miriam Defensor-Santiago.

Continue reading below ↓

October 2012 nang aminin ni Chiz ang relasyon nila ni Heart.

Nagpakasal sina Heart at Chiz sa Balesin Island Club, Polilio, Quezon, noong February 15, 2015.

Hindi sumipot noon ang mga magulang ni Heart dahil tutol sila kay Chiz.

Pero makalipas ang tatlong buwan ay naibalita ang pagkakaayos ng mga ito.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Matsunaga (left) sends a birthday greeting to Sorsogon Governor Chiz Escudero (in polo shirt). This is seen by fans as a sign that Daniel remains on good terms with ex-girlfriend Heart Evangelista and her husband Chiz.
PHOTO/S: @dandanmatsunaga, @iamhearte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results