Maine Mendoza congratulates BF Arjo Atayde for Best Actor win: “Pwede pa-fansign?”

3 days ago
Maine Mendoza, Arjo Atayde
Actress-TV host Maine Mendoza (left) is one proud girlfriend to Arjo Atayde (right), national winner para sa Best Actor in a Leading Role category ng Asian Academy Creatives Awards 2020.
PHOTO/S: @mainedcm on Instagram, iWant

Proud na proud si Maine Mendoza sa pagkakapili ng nobyong si Arjo Atayde bilang national winner sa Best Actor in a Leading Role category sa Asian Academy Creative Awards 2020.

Kinilala ng Singapore-based award-giving body ang husay sa pagganap ng 29-year-old Kapamilya actor sa iWant series na Bagman.

Sa Bagman, ginampanan ni Arjo ang papel ng isang barbero na matapos ipasara ang barberya ay naging bagman sa mga ilegal na transaksiyon ng gobernador.

Ngayong Sabado, October 17, ibinahagi ni Maine, 25, sa isang Instagram Story ang post ni Arjo tungkol sa natanggap na acting award.

Sa caption, tinag ni Maine si Arjo at sinabing inasahan na niyang mabibigyan ng pagkilala ang galing sa pag-arte ng nobyo.

Nagbiro pa si Maine nang hingan ng “fansign” ang boyfriend.

Sulat ni Maine sa caption: “Not surprised at all. Iba talaga yung Arjo.

“Congrats, @arjoatayde! [red heart emoji] (Pwede pa-fansign?)”

Continue reading below ↓

“THIS ONE’S FOR YOU… THANK YOU BUBS”

Sa Instagram Story din sinagot ni Arjo si Maine nang i-repost niya ang pagbati sa kanya ng TV host-actress.

Ang biro ng aktor sa girlfriend: “Pag nagkita tayo ha? Labas mo phone mo.. no problem!”

Sa seryoso—at nakakakilig—na mensahe ni Arjo kay Maine, pinasalamatan niya ang nobya dahil ito raw ang nagsilbing inspirasyon sa likod ng natanggap niyang acting award.

Sabi ni Arjo kay Maine: “This ones for you.. thank you bubs.. to my inspiration.. I love you super kaduper much [red heart emoji]”

Continue reading below ↓

Si Maine ay isa sa regular hosts ng longest-running noontime show na Eat Bulaga! sa GMA-7.

Kapamilya talent naman si Arjo, na huling napanood sa defunct weekly series na 24/7, katambal si Julia Montes.

Naging opisyal na magkarelasyon sina Maine at Arjo noong December 21, 2018.

ARJO CONSIDERS “GIVING UP THIS CRAFT I’M PASSIONATE ABOUT”

Sa Instagram post ni Arjo nitong Biyernes ng gabi, October 16, inamin niyang dahil sa mga nangyari ngayong 2020, sumagi raw sa isip niyang talikuran na ang propesyong mahal na mahal niya: ang pag-arte.

Hanggang sa matanggap niya ang “sign” mula sa Asian Academy Creative Awards.

Post ni Arjo: “Considering everything that has gone on this year, I was honestly close to giving up this craft I’m passionate about.

“But I’m taking this as a sign that things happen for a reason and what’s meant to be will be.”

Nagpasalamat si Arjo sa content production unit ng ABS-CBN na Dreamscape Entertainment at sa head nitong si Deo Endrinal.

Continue reading below ↓

Nag-thank you rin ang bagong Best Actor awardee sa direktor ng Bagman na si Shugo Praico, sa streaming platform na Rein Entertainment, at sa Asian Academy Creative Awards.

Sa comments section, nagpaabot ng pagbati kay Arjo ang nakababatang kapatid na si Ria Atayde, gayundin ang mga kapwa aktor na sina Jake Cuenca, Enchong Dee, JC de Vera, at Vin Abrenica.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Bukod sa Best Actor in a Leading Role award na nasungkit ni Arjo, humakot ang ABS-CBN ng 12 pang pagkilala mula sa Asian Academy Creative Awards 2020.

Wagi rin sa limang kategorya ang GMA-7, habang ginawaran din ng dalawang awards ang CNN Philippines.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-TV host Maine Mendoza (left) is one proud girlfriend to Arjo Atayde (right), national winner para sa Best Actor in a Leading Role category ng Asian Academy Creatives Awards 2020.
PHOTO/S: @mainedcm on Instagram, iWant
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results