Dimples Romana, husband surprise househelp with own brand-new, two-bedroom townhouse

Oct 18, 2020
Actress Dimples Romana and husband Boyet Ahmee take their household help Ate V (middle) to a two-bedroom townhouse, telling her that, as usual, they want her approval before purchasing a new property they want to rent out. Little did Ate V know that the property is the couple's gift to her.
PHOTO/S: Screengrab from Dimples Romana Official on YouTube

Sinorpresa ng aktres na si Dimples Romana at ng asawang si Boyet Ahmee ang kanilang kasambahay ng sarili nitong two-bedroom townhouse.

Ang property ay bagong gawa, yari sa semento, may malalaking bintanang moderno, may impressive na hagdanan, at nasa hilera ng townhouses na nakatayo sa isang lugar na mukhang tahimik at maaliwalas.

Sabi ni Dimples, 35, na ito ang pagpapa-abot ng kaniyang pamilya ng pasasalamat sa 17-taong serbisyo ng kasambahay nilang si Vilma, o Ate V.

May dalawang anak sina Dimples at Boyet, sina Callie, 15, at Alonzo, 4, na parehong inaalagaan din ni Ate V.

Documented ni Dimples ang sorpresa nila kay Ate V, na mapapanood sa latest vlog ng respetadong aktres.

Nitong Biyernes, October 16, ipinost muna ni Dimples sa Instagram ang teaser ng vlog, at saka in-upload ang video sa kanyang YouTube channel.

Continue reading below ↓

Sa introduction ng vlog, tinawag ni Dimples na isa sa “biggest blessings in life” ng kanilang pamilya si Ate V.

Nagsisilbi raw ito kina Dimples at Boyet mula nang sila ay mag-asawa noong 2003.

A FAMILY MEMBER

Pagpapakilala ni Dimples kay Ate V (published as is): “Itinuring na nya kaming pamilya at pamilya na din namin sya.

“Kasama namin sya sa kalungkutan, kaguluhan, sa pagpupursigi at sa tagumpay.

“Kasama na namin sya nung nagsisimula pa lang kami.

“Puro dasal at pangarap pa lang kami nun. Nagsisimula pa lang mag-ipon.”

Nagbalik-tanaw din si Dimples sa mga panahong maliit lang ang kinikita nilang mag-asawa.

May panahon noon, ayon sa aktres na naluha, na kinakapos sila at ilang buwan nilang hindi nasusuwelduhan si Ate V.

“I would always ask her and tell her pwede na nya kaming iwan dahil nahihirapan na kami to give her her salary…

“…and yet through thick and thin, hirap at ginhawa, sa meron at wala, hindi nya kami iniwan.”

Continue reading below ↓

Ayon kay Dimples, malaki ang utang na loob nilang mag-asawa kay Ate V. Lalo na raw si Dimples na madalas ay wala sa bahay dahil nasa taping at shooting.

“Hindi namin maaabot ang mga pangarap namin, kung walang ‘Ate V’ kaming kaagapay sa araw araw na pamumuhay,” sabi pa ni Dimples.

THE HOUSE TOUR

Sa vlog ni Dimples, makikitang sinakay nila sa kotse si Ate Vi, at isinama sa house tour ng isang bagong bahay na sinabi nilang bibilhin nilang mag-asawa para paupahan.

Kailangan daw nila ang opinyon ni Ate Vi dahil, kapag may binibili silang property, gusto nilang aprubado ito ng buong pamilya. Napilitan nang sumama si Ate V kahit hindi raw talaga ito lumalabas ng bahay ngayong may pandemic.

Masiglang nilibot nina Dimples, Boyet, at Ate V ang bawat sulok ng bahay.

Paulit-ulit na sinasambit ng kasambahay na maganda ang bahay at kinukumbinse niya si Dimples na bilhin na iyon.

Continue reading below ↓

Pagdating sa second floor, pinasok ng tatlo ang huling bahagi ng bahay na sisilipin nila—ang master’s bedroom.

Pero napatigil sa pintuan ni Ate Vi nang makita ang set-up sa loob ng kuwarto.

Nakadikit sa dingding ang gold letter balloons na nagsasabing: “OO PARA SAYO ITO.”

Katabi ng letter balloons ang nakangiting standee ni Ate V.

Continue reading below ↓

HEARTWARMING SURPRISE

Nagulat, natigilan, at bakas sa mukha na hindi makapaniwala ang kasambahay sa nabasa.

Natawa pa ito noong una, pero maya-maya ay biglang napasigaw na si Ate V sa mag-asawa: “Oy, ano ba yan?!”

Pag-ulit niya sa malakas pa ring boses: “Oy, bakit ako?”

Bumaling siya kay Dimples. “Para sa akin ba yan?”

Natatawang tumango lang ang aktres. Makailang beses umiwas naman sa camera ang kasambahay habang hawak ang mukha dahil gulong-gulo sa nangyayari.

Dito na napaiyak si Ate V. Napaluha na rin si Dimples. Di naglaon pati si Boyet ay nagpupunas n ng mata.

“Hala… akala ko… bakit ako? Hindi ko inasahan…Akala ko ipaparenta ito, bakit sa akin pala?

“Dimps, ano yan?!” umiiyak na tanong uli ni Ate V kay Dimples. “Di ko inasahan yan, Diyos ko po!

“Hay, nako, maraming maraming salamat po!”

Salitan naman sa pagtawa at pag-iyak sina Dimples, Boyet, at Ate Vi.

Tuloy-tuloy si Ate V ng kasasabi, "Ano ba yan? Ano yan? Ano ito? Para akong baliw dito."

Magpapahid ng luha, tapos magasasalita uli ang nasorpresang kasambahay, "Tenk u, tenk u, sa inyong dalawa, pati sa mga bata, sina Alonzo at Callie... Baka hindi ko na alam ang timpla ng adobo dahil sa surprise na ito... Walang pasabi, Diyos ko, ginoo, thank you Lord."

Continue reading below ↓

DIMPLES SIMPLY SHARING HER BLESSINGS

Sa huling bahagi ng vlog, tinuloy ng mag-asawa ang pagpuri kay Ate V.

"Napakabait," sabi ni Boyet tungkol sa kasambahay. Ito raw ay tiga-Zamboanga, at bagamat walang asawa at anak, ay laging tumutulong sa pamilya sa probinsiya.

Ang pamilya nila ni Boyet, sabi naman ni Dimples, ang naging pamilya na ni Ate V, at laking pasasalamat nila sa pangyayaring ito.

Iniisip nga raw ni Dimples kung bakit babalik siya ng trabaho habang may pandemic pa. At napagtanto raw niyang "with the work that I'm blessed with now," luminaw ang paglalaanan niya ng kikitain—ang bahay para kay Ate V.

Thankful daw silang mag-asawa na sa wakas ay masusuklian na ng kanilang pamilya ang "serbisyo" at "malasakit" ng kanilang tapat na kasambahay.

"Mahal na mahal ni Ate V ang mga bata," sabi pa ni Dimples.

“Punong puno ang puso ko ng pasasalamat sa Diyos," sabi ng Kapamilya actress, "dahil ngayon, maibabalik na namin sa kanya ang lahat ng pagmamahal at taon na ibinuhos nya sa amin.

Continue reading below ↓

“Eto ang pasasalamat namin sa iyo, Ate V. Sana nagustuhan mo.”

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Dimples Romana and husband Boyet Ahmee take their household help Ate V (middle) to a two-bedroom townhouse, telling her that, as usual, they want her approval before purchasing a new property they want to rent out. Little did Ate V know that the property is the couple's gift to her.
PHOTO/S: Screengrab from Dimples Romana Official on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results