Dennis Trillo on relationship with Jennylyn Mercado: “Kahit ano pang dumaan sa buhay namin, kaya na naming malagpasan.”

by Jet Hitosis
Oct 19, 2020
Reel-and-real-life couple Jennylyn Mercado and Dennis Trillo feel lucky to be working together again: "Lahat nung mga habits namin, yung magaganda at positive, kahit sa work, nadadala namin siya. Nagwo-work nang maganda para sa amin na magkatrabaho ulit.”
PHOTO/S: GMA Network, @mercadojenny on Instagram

Naniniwala si Dennis Trillo na dahil sa COVID-19 pandemic, mas tumatag pa ngayon ang relasyon nila ni Jennylyn Mercado.

Para sa 39-year-old Kapuso actor, “wala nang titindi” pa sa pagsubok na idinulot ng pitong buwan nang pandemic sa marami sa atin.

Kaya “suwerte” raw sila ni Jennylyn, 33, na mapagtagumpayan iyon nang magkasama—at nananatiling masaya.

Ibinahagi ito ni Dennis sa virtual press conference ng last installment ng GMA-7 drama anthology na I Can See You: Truly. Madly. Deadly. nitong October 14.

Pinagbibidahan ito nina Dennis, Jennylyn, at Rhian Ramos.

Mapapanood ang I Can See You: Truly. Madly. Deadly. sa GMA simula ngayong Lunes, October 19, 9:15 ng gabi.

“KAHIT ANO PA… KAYA NA NAMING MALAGPASAN”

Sa presscon, tinanong ng entertainment writer na si Rose Garcia ang real-life couple kung ano ang mga naging realizations nila sa panahon ng pandemya.

“Sa relasyon namin, naging masuwerte kami,” sagot ni Dennis.

“Feeling ko kahit ano pang dumaan sa buhay namin, kaya na naming malagpasan.”

Continue reading below ↓

Paliwanag ng Kapuso drama actor, ang pandemic na raw marahil ang pinakamatinding pagsubok na mararanasan sa buhay ng isang tao, o ng isang magkarelasyon.

Kaya ang manatiling matatag sa gitna ng krisis ay isa nang malaking tagumpay para sa long-term relationship nila ni Jennylyn.

“Wala nang titindi pa rito sa pinagdadaanan natin ngayon.

“So talagang pag nalampasan mo ito, ibig sabihin, lahat kaya mo na.

“Na masaya pa rin kayo. Magkasama, masaya pa rin,” sabi ni Dennis.

Isa marahil sa mga pagsubok na dinaanan nila ay ang epekto ng enforced quarantine sa cat cafe na kabubukas lang nila noong Pebrero.

Magkasosyo sina Dennis at Jennylyn sa negosyong iyon.

HEALTH AND SAFETY ABOVE ALL ELSE

Dahil sa pandemic, napagtanto raw ni Jennylyn kung ano ang pinakaimportante sa buhay.

“Yung mga material things, yung mga luxury, hindi na importante yun,” ani Jennylyn.

“Ang importante, kasama mo yung mga mahal mo sa buhay, safe kayo, healthy kayo, masaya kayo.”

Continue reading below ↓

Malaking ginhawa rin daw para sa magkasintahan na magkasama sila sa iisang project sa kanilang pagbabalik-trabaho.

Nag-manifest daw kasi sa kalidad ng kanilang trabaho ang mas “solid” na nilang relasyon sa ngayon.

“Tagal na rin namin sa relasyon namin,” sabi ni Dennis sa mga kausap na press.

“Siguro nagawa naming maging solid yun, e.

“Lahat nung mga habits namin, yung magaganda at positive, kahit sa work, nadadala namin siya.

“Nagwo-work nang maganda para sa amin na magkatrabaho ulit.”

DOING INTIMATE SCENES

Ayon sa real-life couple, malaking advantage nga raw ang kanilang sitwasyon para magawa nilang makatotohanan ang mga intimate scenes na kinakailangan sa mini-series.

Magkarelasyon din kasi ang karakter na ginagampanan nina Dennis at Jennylyn sa Truly. Madly. Deadly.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Dennis: “May mga ganung klaseng eksena na kailangan namin i-shoot, na hindi na namin kailangan itanong o i-consent yung partners namin para sa ganung intimate scenes.

“Tingin ko, suwerte na rin yun para sa production. At least wala sila masyadong dadayaing eksena.

“Mukhang totoo yung mga eksena, mas engaging."

LONGTIME LOVERS

Balik-tambalan sina Dennis at Jennylyn sa I Can See You: Truly. Madly. Deadly.

Huli silang nagkatrabaho sa teleseryeng My Faithful Husband noong 2015.

Unang nagkarelasyon sina Dennis at Jennylyn noong 2010. Nagkamabutihan sila habang ginagawa ang Kapuso afternoon drama series na Gumapang Ka Sa Lusak.

Pero makalipas ang 11 months, nagkaroon ng matinding away ang dalawa na nauwi sa hiwalayan.

Pagsapit ng 2015, lumutang ang mga balitang nagkakamabutihang muli sina Dennis at Jennylyn.

Aminado ang aktor na siya ang gumawa ng paraan upang magkaayos sila ni Jennylyn.

Gayunman, pinili nilang gawing low-key ang kanilang relasyon sa sumunod na mga buwan.

Continue reading below ↓

Taong 2017 nang unti-unting kumpirmahin nina Dennis at Jennylyn sa social media ang kanilang pagbabalikan.

Kapwa may anak sa mga dating karelasyon sina Dennis at Jennylyn.

Thirteen years old na ang anak ni Dennis sa dating beauty queen na si Carlene Aguilar, si Calix.

Anak naman ni Jennylyn si Jazz, 12, sa dating aktor na si Patrick Garcia.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Reel-and-real-life couple Jennylyn Mercado and Dennis Trillo feel lucky to be working together again: "Lahat nung mga habits namin, yung magaganda at positive, kahit sa work, nadadala namin siya. Nagwo-work nang maganda para sa amin na magkatrabaho ulit.”
PHOTO/S: GMA Network, @mercadojenny on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results