Loisa Andalio cries over loss of work: “Deep inside, hindi okay, e.”

by Bernie V. Franco
Oct 19, 2020
Loisa Andalio gets emotional talking about the uncertainties of the current times: “Kasi, kumbaga, ikaw yung may pinaka-okay na trabaho non, e. ‘Tapos biglang wala…”
PHOTO/S: Kapamilya Online Live

Naiyak si Loisa Andalio, 21, nang ilahad ang pagkawala ng trabaho ngayong may pandemya.

Hindi napigilan ng aktres na maging emosyonal habang nagkukuwento dahil siya ang breadwinner ng pamilya niya.

"Pinaka-challenge talaga yung walang work. Bilang breadwinner, di ba, mahirap. Ikaw yung inaasahan ng family mo," bungad niya.

Naglahad si Loisa sa episode ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, ngayong Lunes, October 19.

"Kasi, kumbaga, ikaw yung may pinaka-okay na trabaho noon, e. ‘Tapos biglang wala…

Ang kinikita raw ng kanyang mga kapatid ay sapat lamang para sa kani-kaniyang pamilya.

"'Tapos sila din naman, hindi naman ganoon talaga… Yung sinusuweldo ng mga kuya ko, tama lang naman sa mga anak nila din.

"So, mahirap, sobrang mahirap," himutok ng aktres.

Pero kahit nangangamba si Loisa, hindi raw niya ito ipinapakita sa mga mahal niya sa buhay.

Naibubuhos daw niya ang totoong nararamdaman sa boyfriend na si Ronnie Alonte, dahil pareho silang breadwinner ng pamilya.

Continue reading below ↓

"Napag-uusapan namin yung sitwasyon. Yung parang, 'Hindi talaga natin alam, ‘no?'" ani Loisa.

"Hirap. Mahirap din kasi sa family, kumbaga, kami yung parang strength—edukasyon, pagkain, lahat…

"Parang ayaw namin sila din yung mag-alala din. Ayaw namin silang matakot."

Sa puntong ito ay tumulo ang luha ng aktres.

Madamdaming sabi ni Loisa: "Kumbaga, hindi din namin pinapakita. Baka malaman nila, ‘Ay, may ganyan pala si Loisa.’ Kumbaga, hirap.

"Pero mas pinapakita ko sa family ko, 'Wala ito, okay lang ito. Okay lang wala akong trabaho, huwag niyong isipin.'

"Pero deep inside, hindi okay, e."

Continue reading below ↓

TRYING TO BE STRONG

Sa kabila raw nito, iniisip pa rin ni Loisa na mas masuwerte pa rin siya sa iba.

"Ako nga, may bahay ako, nakakakain naman kami. Paano kaya yung isang kahig isang tuka, na mga tao?

"Kaya hindi ko na din iniisip yung sarili namin. Kumbaga, mas thank you na lang talaga kasi healthy yung family, walang may sakit."

Sa pananampalataya na lang daw kumakapit si Loisa na magiging maayos din ang lahat.

"Pero pinipilit ko silang sabihan na, 'Okay lang iyan, malalagpasin natin ito.' Kumbaga, pagsubok din lang talaga ito, e.

"Kumbaga, laging dumadaan yung ganitong nangyayari sa mundo. Kailangan din mo lang talagang magtiwala.

"At saka itong quarantine din, nagpapalapit sa atin sa Diyos. Kumbaga yun na din lang talaga yung pinanghahawakan ko, yung mga pangako Niya."

Nang hingan ng mensahe para sa kanyang mga mahal sa buhay, patuloy ang paniniyak ni Loisa sa kanila na magiging maayos din ang lahat.

Continue reading below ↓

Anang aktres, "Lagi kong sinasabi sa inyo, kumbaga, ito yung buhay, kumbaga, kailangan lang nating i-enjoy.

"Huwag kayong masi-stress kung anumang problema. Problema lang iyan.

"Ang isipan niyo lang, malakas ka, malakas tayo.

"Ang pamilya ko kasi sobrang masiyahin talaga. Sila, hindi rin nila iniinda kung anu-ano.

"Ganyan lang, stay strong sa atin."

LOISA, STILL NO PROJECT YET WITH ABS-CBN

Si Loisa ay isa sa kilalang young stars sa ABS-CBN. Huling napanood ang tambalan nila ni Ronnie sa ABS-CBN prime-time series na The General's Daughter noong 2019.

Bumida rin sila sa pelikulang James and Pat and Dave, na ipinalabas noong Pebrero.

Nitong early 2020, inanunsiyo na gagawa ng teleserye sina Loisa at Ronnie, ang Cara Y Cruz.

Makakasama sana nila sina Tony Labrusca, Heaven Peralejo, Marco Gumabao, Barbie Imperial, at Julia Barretto.

Nagkaroon ng virtual meeting ang cast at production staff noong June 2020. Sinabi rin noon ni Julia na magsisimula na ang kanilang taping.

Continue reading below ↓

Subalit nagkaroon ng malalaking pagbabago sa cast kasunod ng balitang paglipat ni Julia sa Viva Artists Agency noong September.

Nawala na sa cast sina Julia at kapwa Viva artist na si Marco. Gayundin sina Loisa at Ronnie na pareho namang taga-Star Magic.

Ang Cara Y Cruz ay napalitan ng titulong Bagong Umaga at tampok pa rin sina Tony, Barbie, at si Heaven na siya nang lead star.

Napabilang na rin sa proyekto sina Michelle Vito, Kiko Estrada, at Yves Flores. Magsisimula na itong ipalabas sa darating na October 26.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Loisa Andalio gets emotional talking about the uncertainties of the current times: “Kasi, kumbaga, ikaw yung may pinaka-okay na trabaho non, e. ‘Tapos biglang wala…”
PHOTO/S: Kapamilya Online Live
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results