Maja Salvador reveals there are only two people who can make her quit showbiz

Oct 20, 2020
Maja Salvador
Actress-dancer Maja Salvador comes from a family of actors. She's the granddaughter of Lou Salvador Sr., niece of Phillip Salvador, cousin of Jobelle Salvador, and aunt of Janella Salvador. She has been in the show business since 2003.
PHOTO/S: @iammajasalvador on Instagram

Kahit desidido si Maja Salvador na manatili sa entertainment industry nang matagal na panahon, handa raw siyang talikuran ang lahat kung kinakailangan.

Seventeen years na sa entertainment industry si Maja, na nagmula sa kilalang showbiz clan ng mga Salvador.

Nakilala siya bilang actress/dancer/singer/model/TV host.

Apo siya ni Lou Salvador (1905-1973), isang Filipino-Spanish stage actor, basketball player, at talent manager.

Ama ni Maja ang pumanaw nang aktor na si Ross Rival (1945-2007) at kapatid niya ang maagang namayapang aktor na si Jon Hernandez (1969-1993).

Tiyuhin ni Maja ang dating action star na si Phillip Salvador, pinsan niya ang dating aktres na si Jobelle Salvador, at pamangkin niya ang Kapamilya young actress na si Janella Salvador.

Kaya hindi kataka-takang ituring ni Maja na panghabambuhay na ang kanyang career sa showbiz.

MAJA'S LOVE FOR HER CRAFT

Nakakuwentuhan ni Maja ang matalik na kaibigang si Enchong Dee sa latest vlog ng 30-year-old actor-model na in-upload nitong Linggo, October 18.

Continue reading below ↓

Sa vlog, tinanong ni Enchong kung nakikita ba ni Maja ang sarili na nagtatagal sa entertainment industry.

Kumpiyansa ang sagot ng aktres na mananatili siya sa show business, maliban na lang kung dumating ang panahon na kailanganin niyang magpahinga.

“Basta alam ko, hindi ako mawawala sa industry," saad ni Maja.

Ginawa ni Enchong ang question-and-answer session kay Maja habang nakaupo sila sa dalampasigan ng Amanpulo sa Palawan.

Nasa Amanpulo sina Maja at Enchong, kasama ang iba pa nilang mga kaibigan, upang i-celebrate roon ang 32nd birthday ng aktres noong October 5.

Naging malapit na magkaibigan sina Maja at Enchong nang gawin nila ang Kapamilya teleseryeng Ina, Kapatid, Anak noong 2012.

LOOKING FORWARD TO BECOME A NANAY

Kung sakali, ilang espesyal na tao lang daw ang maaaring kumumbinse na lisanin ng 32-year-old actress ang industriyang mahal na mahal niya.

Aniya, “Pero, kunwari, pumasok na ako sa family life, siyempre may time na magpo-focus ka maging nanay, di ba?”

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Maja, siya ang tipo ng tao na bigay-todo kung magmahal sa kanyang inang si Thelma Andres at sa kanyang mga kapatid, gayundin sa kanyang mga kaibigan.

Napakalaking bagay daw para sa aktres ang kapakanan ng kanyang mga mahal sa buhay.

“Sa pamilya ko pa lang now, sa mama ko, like, napapansin ko, grabe ako. Grabe mag-love, grabe mag-effort. Grabe ko kayo i-cherish, di ba?

“So what more kung magkakaroon ako ng sarili kong family?” sabi ni Maja.

Tanong ni Enchong, ano ang isang bagay na maaaring magkumbinse kay Maja na talikuran nang pansamantala o permanente ang showbiz?

Sagot ni Maja, kapag hiniling na ito mismo ng kanyang magiging anak o ng kanyang asawa.

“I WILL ADJUST. I WILL GIVE IT TO THEM”

Naranasan daw kasi noon ni Maja ang lumaking hindi niya laging kapiling ang kanyang ina dahil abala ito sa pagtatrabaho.

“Kunwari, sabihin ng magiging anak ko, 'Ma, kailangan kita sa ganito ko.'

Continue reading below ↓

“Na-experience ko kasi nung bata ako na wala talaga sa tabi ko yung mommy ko o wala yung tatay ko, di ba?"

“So, kung ire-request yun ng magiging asawa ko o ng anak ko, di ba?

“Kasi time ang pinakamabibigay mo sa kanila. Nauubos ng work natin ang oras,” sabi pa ni Maja.

“Pag sarili ko nang family, pag asawa or yung mga anak mo na ang magre-request na kailangan na talaga, I will adjust. I will give it to them,” sabi ni Maja.

Kasalukuyang karelasyon ni Maja ang businessman na si Rambo Nuñez.

Continue reading below ↓

Dati nang nakarelasyon at nakahiwalay si Maja si Rambo noong 2009.

Nagkamabutihan silang muli noong 2018, hanggang tuluyang nagkabalikan noong 2019.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-dancer Maja Salvador comes from a family of actors. She's the granddaughter of Lou Salvador Sr., niece of Phillip Salvador, cousin of Jobelle Salvador, and aunt of Janella Salvador. She has been in the show business since 2003.
PHOTO/S: @iammajasalvador on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results