Heart Evangelista reveals she was privy to Miss Sorsogon's withdrawal from Miss Universe Philippines 2020 pageant

by Bernie V. Franco
Oct 20, 2020
Heart Evangelista (left) relates how Miss Sorsogon Isabela Galeria told her that she was backing out from Miss Universe Philippines 2020 pageant. (Insert) Isabela and Heart support the same advocacy, which is giving healthcare benefits for people in Sorsogon.
PHOTO/S: @iamhearte and @mariaisabelagaleria on Instagram

Saludo si Heart Evangelista sa pag-atras ni Maria Isabela Galeria bilang kandidata ng Miss Universe Philippines 2020 pageant.

Ito ay matapos dapuan si Isabela ng COVID-19 virus.

Bagamat naka-recover na, inamin ni Isabela na mahina pa ang kanyang katawan para ipagpatuloy ang pagsabak sa national pageant.

Si Isabela ang kinatawan mula sa Sorsogon, kung saan incumbent governor si Francis “Chiz” Escudero, na siyang asawa ni Heart.

Bilang kinatawan ng Sorsogon province, all-out support si Governor Chiz sa kababayang si Isabela.

Maging si Heart ay todo ang pagsuporta sa pangarap ni Isabela na maging beauty queen.

Noong sumali si Isabela sa Binibining Pilipinas 2019, dumalo sina Heart at Chiz sa grand coronation night para suportahan si Isabela.

Pumasok sa Top 15 si Isabela, subalit hindi pinalad na manalo ng major crown.

HEART ADMIRES MISS SORSOGON

Sumali muli si Isabela sa Miss Universe Philippines pageant ngayong taon para subukin muli ang kanyang suwerte.

Continue reading below ↓

Ang mananalo sa pageant na ito ang magiging kinatawan ng bansa sa susunod na Miss Universe pageant.

Pero nitong October 15, inanunsiyo ni Isabela via Instagram na umuurong na siya sa pageant.

Dinapuan siya ng virus noong September 27, at nag-negatibo na siya sa test noong October 11.

Pero itinuloy niya ang pag-atras dahil alam niyang hindi kakayanin ng kanyang katawan ang mga susunod pang pageant activities bago ang grand coronation day sa October 25.

Ang sabi naman ni Heart, bago pa man ianunsiyo ni Isabela ang pag-urong sa pageant ay sinabihan na siya nito.

"Actually, I knew. I was speaking to her before she announced," kuwento ni Heart sa Zoom meet-and-greet session sa Summit Media, Lunes, October 19.

Ani Heart, buo na ang desisyon ni Isabela na umatras sa pageant nang makapag-usap sila. Sinuportahan naman ni Heart ang desisyon ng dalaga.

"She said nakapagdesisyon na siya, na you know, go for it. Magpahinga ka muna. Learn, use this time to improve yourself, feel even more better."

Continue reading below ↓

Hanga raw si Heart kay Isabela dahil alam niya kung gaano kaimportante sa aspiring beauty queen ang pageant na ito.

Sabi ni Heart, "I’m actually very, very proud of her because for somebody... she’s what? Twenty [one] years old, and she’s working on this whole thing for, like, it’s her biggest dream.

"So, for her to step down, I’m very proud of her, that she’s very mature about the whole thing. And I even admire her even more for her strength."

Bumilib din daw si Heart kay Isabela na mas piniling huwag itago ang pagkakaroon ng COVID-19.

Paliwanag ng Kapuso actress: "You know, puwede naman niya itago yun, e, or technically, di ba? Kung anuma’t, she’s very open, and I really appreciate that," sabi ni Heart.

"And I feel as a person, ang laki rin ng minature niya and she grew from it.

"So, I’m very, very proud and, you know, she’s only twenty [one], so there’s still so much time."

Continue reading below ↓

Ang sinasabi ni Heart ay marami pang pagkakataon si Isabela na sumali sa national pageant sa mga susunod pang taon.

"And there’s always a next time, di ba? Feeling ko naman ang lahat ng mga iyan may reason,” anang Kapuso actress pagtukoy kay Isabela.

"There’s always a good reason behind everything that happened. Hindi ako naniniwala na nangyari lang sa iyo para lang mapasama ka sa buhay mo.

Continue reading below ↓

"Just really how you react to the situation.

"I feel she made a good choice. Meron na siyang gown, meron na siyang lahat, but there’s always a next time."

Nabanggit din ni Heart na si Isabela ay isang registered nurse.

Lahad niya: "Kaya hindi siya makalabas kasi ang tagal bumalik iyong taste, saka iyong smell niya. Frontliner pa siya.

"Mommy din niya frontliner. Doktora sa Sorsogon. She wanted also to be smart about it and safe.

"Tama naman desisyon niya."

Sabi pa ni Heart patungkol sa ibang kandidata, "And for the ones joining na ito na lang ang last chance nila, at least they’ll have more chances of winning."

HEART IS A HANDS-ON SUPPORTER

Todo ang suportang ibinigay nina Heart at Governor Chiz kay Isabela sa Binibining Pilipinas pageant noong nakaraang taon.

Si Heart ang siyang nagkomisyon ng evening gown noon ni Isabela, na likha ng tanyag na designer na si Mark Bumgarner.

Continue reading below ↓

Pero hindi roon nagtatapos ang suporta ni Heart kay Isabela.

Sa press presentation ng mga kandidata ng Miss Universe Philippines 2020 noong lamang Pebrero, sinabi ni Isabela sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hands-on si Heart sa mga paghahanda ng aspiring beauty queen.

Ang outfit at hairstyle ni Isabela noong press presentation ay ideya ni Heart.

Magkatuwang din daw sila pagdating sa kanilang adbokasiya.

Ani Isabela, isinusulong niya ang pagbibigay ng health services sa mahihirap, na siya ring adbokasiya nina Governor Chiz at Heart.

Paliwanag noon ni Isabela sa PEP.ph: "Yung advocacy ko, better access sa healthcare. Sa Sorsogon now, ang priority nila is health access kaya nagkaroon ng 'Telemed.'

"Sobrang perfect timing talaga kasi kung ano yung ginagawa nila Gov. and Miss Heart sa Sorsogon, yun din yung advocacy ko and nakakatulong ako.

"I take part in every medical mission na kaya kong puntahan."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista (left) relates how Miss Sorsogon Isabela Galeria told her that she was backing out from Miss Universe Philippines 2020 pageant. (Insert) Isabela and Heart support the same advocacy, which is giving healthcare benefits for people in Sorsogon.
PHOTO/S: @iamhearte and @mariaisabelagaleria on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results