Nash Aguas to girlfriend Mika dela Cruz on their second anniversary: “To more goals and adventures.”

by Arniel C. Serato
Oct 20, 2020
Mika dela Cruz and Nash Aguas celebrate their second anniversary today, October 20 (left). Their love story began when they both co-starred in ABS-CBN now defunct kiddie gag show Goin Bulilit (right).
PHOTO/S: Courtesy: @zackwey on Instagram

Dalawang taon na ngayong araw, October 20, ang relasyon nina Nash Aguas at Mika dela Cruz.

Si Nash, 22, ay Kapamilya actor na huling napanood sa teleseryeng A Soldier's Heart.

Si Mika, 21, ay Kapuso actress na huling napanood sa teleseryeng Kara Mia at sitcom na Daddy's Gurl.

Sa kanyang Instagram, binati ni Nash ang nobya.

Kuha ang larawan nila sa isang farm kung saan nakasakay silang dalawa sa isang duyan.

Sabi ni Nash sa kanyang mensahe, “To more goals and adventures. Happy Anniversary, Nget!”

Continue reading below ↓

Bumati naman sa kanila ang kapatid ni Mika na si Angelika dela Cruz.

Mensahe niya, “Happy anniversary @zackwey @mikadlacruz

Isang maiksing post din ang ibinahagi ni Mika sa kanyang Instagram ngayong hapon ng Martes.

Sabi niya, "happy 2nd year, ngetchi! @zackwey"

Continue reading below ↓

Sa kanyang Instagram Stories, nagbahagi din si Mika ng ilang video na kuha kahapon, October 19, sa isang palaisdaan.

Makikita dito si Nash na namimingwit ng isda.

Continue reading below ↓

May nakasulat na caption sa isang video na, “MONDAY 3:30 PM.”

NASH-MIKA LOVE STORY

Isang taong pormal na niligawan ni Nash si Mika mula 2017 hanggang October 2018, pero 11 years in the making daw ang love story nila.

Magkatrabaho sila noong mga bata pa sila sa defunct kiddie gag show ng ABS-CBN na Goin’ Bulilit.

Continue reading below ↓

Tandang-tanda pa ni Nash na crush na crush na niya si Mika noong 2007 pa lang.

Pero, mahigpit na pinagbawalan si Mika ng kanyang nakatatandang kapatid na si Angelika dela Cruz na pumasok sa isang relasyon sa murang edad.

Kaya kahit crush din ni Mika si Nash noon, sinadya raw ni Mika na kaibigan lang ang pakikitungo niya kay Nash.

Ayon kay Nash, umamin lang sa kanya si Mika noong maging magkarelasyon na sila.

Noong December 2018, naikuwento ni Nash sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pangdi-deadma ni Mika sa kanya noon.

Balik-tanaw niya: "Meron yun in-invite niya ako sa birthday ng pamangkin niya.

"Ta’s nag-invite din siya ng tatlong kaklase niya na crush niya raw yun lahat.

"Ta's di niya ako pinansin the whole party. Naiwan lang ako sa table namin.

"Yun pala, sinasadya niya yun. Takot na takot siya sa ate niya."

Maging si Nash ay nangingilag daw noon sa kapatid ni Mika na si Angelika.

Continue reading below ↓

"Naku, takot na takot po ako.

"Kahit noong bata po ako, kapag nagpupunta po siya ng taping ng Goin’ Bulilit, hindi po ako nagha-hi talaga.

"Kasi, natatakot nga po ako dahil alam kong mataray si Ate Angelika."

Pero siniguro ni Nash na suportado ni Angelika ang relasyon nila ni Mika ngayon.

Aniya, "Mabait po siya sa akin at sobrang thankful po ako dahil pinagkatiwalaan po ako."

"SYA DIN PALA ANG BUBUO SA AKIN."

Matapos ang kanilang pag-amin na sila na noong October 2018, nag-viral naman ang series of Instagram posts ng aktor noong November 12, 2018.

Tila hindi pa rin makapaniwala si Nash na girlfriend na niya noon si Mika.

Ipinost ni Nash ang larawan kung saan nakaakbay siya kay Mika habang nakaturo siya sa kung saan.

Nine years old pa lang noon si Nash at eight years old si Mika.

Continue reading below ↓

Noon pa lang ay sinubukan na raw ni Nash na pormahan si Mika.

Pag-alala pa ni Nash: "Paborito ko tong picture na to eh. Sa Wowowee to (around 2007), sumayaw tayo nyan ng opening prod.

"Tapos nung nag commercial gap na, may tinuturo ako sa taas tapos sinasabi ko 'dyan dati nagtrabaho si mommy.'

"Hindi talaga dun nagtrabaho si mommy.

"Sinabi ko lang yun para may mapagusapan tayo tsaka para ma akbayan kita [laughing emoji].

"Eh wala eh. 'Crush' kita nun eh.

"Tapos kinapalan ko na yung mukha ko sa mga sumusunod."

Tinapos ni Nash ang mahabang post niya noon sa isang nakakakilig na talata: "Sa bandang huli, sya din pala ang bubuo sa akin."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mika dela Cruz and Nash Aguas celebrate their second anniversary today, October 20 (left). Their love story began when they both co-starred in ABS-CBN now defunct kiddie gag show Goin Bulilit (right).
PHOTO/S: Courtesy: @zackwey on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results