Luis Manzano asked about readiness to marry Jessy Mendiola; he says; “Game na!”

Oct 20, 2020
Jessy Mendiola, Luis Manzano
TV host-actor Luis Manzano and Jessy Mendiola show that they don't mind being asked about when they plan to settle down. They have been a couple since June 26, 2016.
PHOTO/S: @senorita_jessy, @luckymanzano on Instagram

“Game na!”

Ito ang maiksi ngunit mabilisang sagot ni Luis Manzano nang matanong kung handa na ba siyang pakasalan ang longtime girlfriend na si Jessy Mendiola.

Hindi sinasadyang nagawi sa usapang kasalan ang webinar na hino-host ni Luis, 39, para sa isang health insurance plan company ngayong Martes ng hapon, October 20.

Isa ang 27-year-old actress sa mga speakers sa webinar, na tumuon sa kahalagahan ng pagiging physically at mentally healthy ngayong may pandemic.

Sa introduction ni Luis kay Jessy, sinabi niyang iyon ang unang beses na na-interview niya ang kasintahan.

Bukod kay Jessy, nagsalita rin sa webinar sina Dra. Gia Sison, ang aktres na si Iza Calzado, at ang aktor na si Alden Richards.

Sa question-and-answer session ng webinar, isang online participant ang nakatuwaang tanungin si Alden kung sa estado raw ba ngayon ng aktor ay handa na ito sa pag-aasawa.

Natawa ang panelists sa tanong dahil kasalukuyang single ang 28-year-old Kapuso A-lister.

Continue reading below ↓

Gayunman, “yes” ang isinagot ni Alden sa tanong.

IS LUIS READY TO MARRY JESSY?

Tumanggi si Luis na mag-follow up question para bigyan daw ng “privacy” si Alden.

Pero biglang sumingit si Iza at kay Luis ibinaling ang tanong: “E, ikaw, Luis?”

Natawa si Luis at nagkatuksuhan sa webinar, dahil nga naroroon lang din sa panel ang nobya niyang si Jessy.

Makikitang natawa nang malakas si Jessy. Umakto pa siyang inilalapit ang tenga sa camera upang pakinggan ang isasagot ng nobyo.

Nang magsalita muli si Luis, mistulang nagpaalam siya kay Jessy na sasagutin niya ang tanong ni Iza.

Sabi ni Luis: “Ako tinatanong, Howhow.”

“Howhow” at “Wowow” ang terms of endearment nina Luis at Jessy sa isa’t isa.

Natatawang tumango lang si Jessy.

Patuloy ni Luis: “Sabihin na lang natin, kung gagamitin natin ang sinabi ng isang game show… game na!”

Muling nagkatuksuhan ang panelists ng webinar, habang sumenyas naman ng dalawang thumbs up si Jessy, na tawa pa rin nang tawa.

Continue reading below ↓

Ulit pa ni Luis: “Game na. Ganun kadali para sa akin.”

JESSY: “IN GOD’S PERFECT TIMING”

Parehong na-on-the-spot sa usapin ng kasalan ang magkasintahang Luis at Jessy ngayong araw.

Ngayong Martes ng umaga kasi, sinagot ni Jessy ang comments ng dalawang Instagram followers niya tungkol sa pagpapakasal nila ni Luis.

Nagkomento ang mga ito sa throwback photo na ipinost ng aktres sa Instagram ngayong Martes ng umaga.

Ipinost ni Jessy ang picture nila ni Luis habang nagbabakasyon sa lungsod ng Koror sa Palau islands.

Caption ni Jessy: “My forever travel buddy. [heart emoji] #throwback”

Continue reading below ↓

Isang babaeng Instagram follower ni Jessy ang nag-comment na sana raw ay magpakasal na ang magkasintahan.

Sagot ni Jessy sa babae (published as is): “all in God’s perfect timing [heart, face blowing a kiss emojis]”

Sumingit naman ang isang lalaking netizen. Tinag nito ang babaeng Instagram follower ni Jessy at sinabing kay Luis nakadepende kung gusto ba nitong pakasalan si Jessy.

Continue reading below ↓

Comment ng netizen: “depende kay luis yan. Ehem.”

Kaagad na kinontra ni Jessy ang sinabi ng netizen: “no. depende saming dalawa yun. [smiley]”

Hindi na sumagot kay Jessy ang netizen.

Noong August 22, inamin ni Jessy na dati-rati ay tinatablan siya kapag may detractors na nagsasabing hindi siya pakakasalan ni Luis.

Continue reading below ↓

Pero kinalaunan ay naging kumpiyansa raw si Jessy sa tibay ng relasyon nila ni Luis.

Ipinakita rin niya na niregaluhan siya ng promise ring ng nobyo.

WEDDING PROPOSAL SUGGESTIONS

Mahigit apat na taon nang magkasintahan sina Luis at Jessy.

Nag-celebrate sila ng kanilang 4th anniversary noong June 26, 2020.

Sa Instagram post ni Luis para batiin si Jessy sa espesyal na okasyon nila, inulan sila ng congratulations mula sa mga kapwa celebrities.

Continue reading below ↓

Kabilang sa mga ito ang malapit na kaibigan ni Luis na si Alex Gonzaga at ang singer na si Sitti Navarro.

Komento nina Alex at Sitti, panahon na raw para mag-propose ang TV host kay Jessy.

Walang reply si Luis sa suggestions nina Alex at Sitti.

LUIS: “AYOKONG MADALIIN, AYOKONG PILITIN”

Sa interview ng Magandang Buhay kay Luis noong November 15, 2019, diretsahan niyang sinabi na walang dudang nasa plano niya ang pakasalan si Jessy.

Gayunman, ayaw daw niyang mag-propose dahil lang sa pine-pressure siya ng mga tao na gawin iyon.

“Ayokong madaliin, ayokong pilitin,” sabi noon ni Luis tungkol sa pagpapakasal kay Jessy.

“Marami tayong kilala na ikinasal, hindi nag-work out.

“Pag tinanong mo kung bakit, kasi ang sagot nila, hindi pa pala yun ang tamang time—pinilit, na-pressure sila sa pamilya, sa society,” paliwanag noon ni Luis.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV host-actor Luis Manzano and Jessy Mendiola show that they don't mind being asked about when they plan to settle down. They have been a couple since June 26, 2016.
PHOTO/S: @senorita_jessy, @luckymanzano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results