Kelvin Miranda reacts to criticisms after bagging lead role in upcoming GMA News TV prime-time series

by Bernie V. Franco
Oct 20, 2020
Daniel Padilla lookalike? The next Alden Richards in GMA-7? This is what Kelvin Miranda has to say: "Talagang nagulat din ako na inihahambing ako sa mga kilala at mahuhusay na artista. Nakakatuwa, compliment po talaga."
PHOTO/S: iamkelvinmiranda on Instagram

Distraction lang para kay Kelvin Miranda, 21, kung pakikinggan niya ang kanyang mga kritiko.

Sumugal ang GMA Network kay Kelvin nang piliin siya bilang lead star sa upcoming fantasy-romantic prime-time series na The Lost Recipe ng GMA News TV.

Katambal niya rito si Mikee Quintos.

Bago kasi ang malaking break na ito, karamihan ay puro supporting roles ang ginampanan ni Kelvin.

Nakitaan siya ng potensiyal na kumanta at sumayaw sa pagpe-perform niya sa Sunday PinaSaya, ang dating Sunday variety show ng GMA-7.

Nanalo na siya bilang Best Actor sa 6th Urduja Film Festival para sa pelikulang The Fate (2019).

Nakaagaw siya ng atensiyon nang ipatalastas ng GMA-7 sa social media accounts ang pagpapahula kung sino ang magiging lead actor ng upcoming teleserye ng TV network.

Marami ang nakapansin na may hawig siya kay Daniel Padilla at inaabangan kung susundan niya ang yapak ni Alden Richards.

Sa kabila nito, tanong na kanyang mga kritiko, hinog na ba si Kelvin para maging main star ng Kapuso network?

Continue reading below ↓

KELVIN ON HIS DETRACTORS

May pahayag si Kelvin sa mga kumukuwestiyon sa kanyang potensiyal na maging bida.

“'Yun po ang pananaw nila at hindi ko yun sasaklawan,” sagot ng aktor sa mga nagdududa sa kanya.

“Sa akin lang po, ang kailangan kong gawin ay ang trabaho ko at kailangan kong pagbutihin ito araw-araw. Mag-improve kada oras, kada minuto.”

Natanggap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga sagot ni Kelvin noong October 16.

“Kasi kapag inisip mo pa ang mga ganung bagay, maapektuhan ka lang. Madi-distract ka lang, kumbaga.

“So, hindi ko sila sasaklawan. Kung ano ang gusto nilang sabihin, nirerespeto ko ang kanilang opinyon.”

Sa isang previous interview sa PEP.ph, iginiit ni Kelvin na hindi niya kokontrahin kung mayroon mang hindi natutuwa sa kanya.

“Wala akong question. Wala akong masamang sasabihin sa inyo. Hindi masamang magsabi ng nararamdaman.

“At good luck sa inyo. Mag-ingat kayo. God bless," aniya.

ON COMPARISON TO DANIEL AND ALDEN

Flattered daw ang baguhang aktor na sinasabing may hawig siya sa Kapamily A-lister na si Daniel.

Continue reading below ↓

Pati na rin ang pag-abang kung siya ang susunod sa yapak ni Alden bilang prime artist ng kinabibilangang TV network.

Nabanggit ito sa artikulong sinulat ng PEP Troika sa PEP.ph noong October 4.

“Ang bigat po ng article na yun. Talagang nagulat din ako na inihahambing ako sa mga kilala at mahuhusay na artista. Nakakatuwa, compliment po talaga,” reaksiyon ni Kelvin.

Continue reading below ↓

Sa kabila nito, alam daw ni Kelvin na ang paghahambing sa kanya kina Daniel at Alden ay dagdag pressure para patunayan ang sarili na may ibubuga siya sa industriya.

“Super thankful po ako pero sa kabilang anggulo, nagiging reminder din po sa akin na kailangan kong magkaroon ng sariling flavor, at maipakita sa iba kung sino po talaga ako.”

Kung siya ang tatanungin, sinong aktor ang gusto niyang sundan ang yapak?

“Iniidolo ko talaga sa GMA si Kuya Dingdong Dantes. Sobrang natural niya pagdating sa mga eksena," sagot ni Kelvin.

Naging lead si Kelvin sa 2019 indie movie na Dead Kids, na kinatampukan din nina Sue Ramirez, Markus Paterson, at Khalil Ramos.

Nagkaroon din siya ng support role sa mga pelikulang Ang Henerasyong Sumuko sa Love at D’Ninang na parehong ipinalabas noong 2019.

Marami-rami na rin ang nilabasan niyang single episodes sa weekly TV series at shows sa GMA-7.

Nakatakdang magsimula ang taping ni Kelvin para sa The Lost Recipe ngayong darating na Nobyembre.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Padilla lookalike? The next Alden Richards in GMA-7? This is what Kelvin Miranda has to say: "Talagang nagulat din ako na inihahambing ako sa mga kilala at mahuhusay na artista. Nakakatuwa, compliment po talaga."
PHOTO/S: iamkelvinmiranda on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results